KABANATA 41 : Panibagong buhay

169 3 0
                                    

Naaawang pinagmasdan ni Anabelle ang ginagawa ni Arkuz habang matalim itong nakatingin sa alagad niyang nakahawak sa kamay ni Anabelle kanina.

" Don't you dare to touch my property asshole! " napasinghap nalang bigla si Anabelle nang bigla nitong sapain sa tyan ang lalaki.

Pag-aari niya ba talaga si Anabelle? Eh kung tutuusin ninakaw lang niya si Anabelle sa tunay na nag mamay-ari nito. " Gusto mo bang mamatay? " nandilim ang aura niya at umiigting na ang kaniyang panga, si Anabelle ay kahit nalalason na ang utak at puso niya ay hindi nito naapektohan ang pagiging mabuti niyang tao.

" H-haring Arkuz hindi ko sinasadya. " duguan na ang bibig ng lalaki at wala man lang nagtangkang tulungan ito. " Muntik lang naman akong maaksidente at tinulungan niya ako.." pagkukwento ni Anabelle at pinigilan si Arkuz nang magtangka itong suntukin ang lalaki. " A-Arkuz...P-please stop it huwag mong bigyan ng malisya ang pagtulong niya" pagpapakalma ni Anabelle kay Arkuz.

" I don't want to touch her! " sigaw niya sa ibang alagad nito, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa Reyna eh ang taglay nitong kagandahan ay tila nakakasilaw sa lahat, mula sa maganda nitong pangangatawan at sa maputi niyang balat ay talagang mapapaibig kana lang ng kusa.Napakaperpekto ng kaniyang mukha.

" Calm down " ngumiti si Anabelle. " Walang makakaagaw sa'kin.Remember mag-asawa parin tayo." natigilan pa si Arkuz sa sinabi nito peru iyon na ang nakatatak sa puso't isip niya, na mag-asawa sila ni Arkuz.Hindi maitatago ang malawak nitong ngisi at mahinang napamura bago binuhat si Anabelle patungo sa kanilang trono.

" Kahit anong sabihin nila, ako ang paniniwalaan mo, asawa mo ako.Pag-aari kita." masyado niyang binibilog ang utak ni Anabelle.Ngumiti si Anabelle at tumango tango bago niya ito niyakap at hinalik-halikan sa leeg ang Reyna.

" Hahayaan mo ba akong maglibot sa kaharian at sa kagubatan? " naitanong ni Anabelle dahilan kaya naging blanko ang reaksyon sa mukha ni Arkuz. " Nope.You will stay here " hindi nalang umimik si Anabelle dahil alam niyang hindi talaga siya papayagan.

Kung titingnan halatang nakatali si Anabelle, nakatali naman talaga siya at walang kalayaan na gawin ang gusto niya. " Arkuz? " naramdaman nalang ni Anabelle ang pagpisil ng kamay ni Arkuz sa bewang niya habang hinalik-halikan siya sa leeg.

" I have rights to do this hmmm.. " tumango si Anabelle at ngumiti, medyo nahihiya lang siya lalo pa't nandito sila sa trono at maraming nakakakita sa kanila.Madilim na sa labas at kakatapos lang niyang kumain bago napagbagsak  na nahiga si Anabelle sa malambot na kama, tila pagod na pagod ang kaniyang katawan kahit wala naman siyang masyadong ginawa, nakapikit na ang kaniyang mata nang maramdaman ang pagtabi ng higa sa kaniya ni Arkuz habang palihim itong napapangisi.

Halos magdiwang na ang puso niya dahil nagagawa na niyang tabihan ang babeng inaasam-asam niya at malaya niya din itong nahahalikan at nayayakap. " Aking Reyna? " humarap sa kaniya si Anabelle at isiniksik ang mukha sa matipuno niyang dibdib. " I can't believe.. " napatingin sa kaniya si Anabelle.

" Saan naman? "

" That you're mine, you're my Queen " sagot ni Arkuz at hinalikan si Anabelle, ngumiti lang si Anabelle at mas nauna na itong natulog kaysa sa kaniya.Nakayakap si Arkuz kay Anabelle habang iniisip kung papaano niya napabagsak ang vampire clan.Sinegurado niyang hindi na mabubuhay pa si Zach dahil sa pana na may kakaibang lason na tumarak sa likod ni Haring Zach.Ilang beses din niyang nasaksak ito kaya ngayon masayang-masaya siya dahil mapapasakamay na niya ang Reyna.

Habang ang mga kabigan naman ni Zach ay sinegurado din na wala din itong takas sa kani-kanilang kamatayan.Nakakalungkot na pangyayari sa Haring si Zach at sa mga nasasakupan niya.Hindi na niya kailanman makakasama ang mahal niyang asawa at ang dalawa niyang anak na kambal. " Mahal na Reyna. " nagbigay galang ang mga alagad ni Arkuz nang makita ang paglabas ni Anabelle sa kaharian.Kita niya kung papaano nagpapalit anyo ang mga lobo mula sa pagiging tao.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now