KABANATA 25 : Ang muling pagkikita

269 5 0
                                    

Nakahiga lang ako sa kama nang makatapos kaming kumain ng hapunan, Zach told me that tomorrow we were going to visit my parents. Balak namin na ngayong gabi kami bibisita peru kailangan kong magpahinga lalo pa't tila mabigat ang pakiramdam ko.

Nakatagilid lang ako ng higa yakap ang unan at ramdam ang pagkabagot sa diko malaman na dahilan. And about sa marriage contract  I already sign that contract nang walang pag-aalinlangan.

Seryuso na talaga ako at buo na iyon sa desisyon ko lalo pa't mahal ko na talaga ang Hari, mahal din niya ako at ayaw kong asawa ko lang siya sa kaharian niya dahil ang gusto ko maging sa mata ng mga magulang ko ay kasal ako kay Zach.Wala ng rason  para umayaw pa ako.

Abala si Zach sa bathroom na naliligo dahil rinig ko pa ang ingay ng patak ng tubig galing sa shower, mahabang kwentuhan ang namayani kanina kasama ang Inang Reyna at siya daw ay natutuwa dahil natuloy ang pagpunta namin dito,saglit lang akong nakapaglibot-libot sa buong mansion kanina dahil sa sama ng pakiramdam ko peru sobrang ganda at kahit saang sulok ng mansion ay lumiliwanag ito sa kagandahan.Tunay ngang may marangya silang buhay dahil nasabi na ang pamilya nila ay kilala bilang isang royal familiy.

Mula sa kwarto ni Zach ay sobrang lawak maging ang hinihigaan kong master bed ay sa palagay ko apat na tao ang magkakasya dito,naipikit ko nalang ang mata ko bago ko narinig ang pagbukas ng pintuan galing sa bathroom, hindi na ako lumingon dahil alam kong tapos narin siya.

Kahit nakapikit ang mata ko ramdam ko naman ang presensya niya hanggang sa magtungo siya saglit sa walk in closet at ilang sandali lang ay naramdaman ko ang paglapit niya sa'kin at bahagyang hinaplos ang braso ko at marahang hinalikan.I was wearing a sexy night dress that was only up to my thighs. My arms and legs were exposed and I could feel the coldness of the aircon on my body.Hindi naman ako nalalamigan actually ang sarap sa pakiramdam.

"  Are you okay? " halata sa boses niya ang pag-aalala kaya kahit nakapikit ay tumango ako hanggang sa mahiga siya sa tabi ko.Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ako.Amoy ko mula sa kaniya ang nakakaadik na pabango, palihim kong nasinghot iyon hanggang sa pumulupot ang braso niya sa bewang ko.

Ang bango niya talaga at ang hininga niyang nasisinghot ko lalo pa't nang dumampi ang labi niya sa batok at leeg ko.Dahan-dahan ang ginawa kong pag-ikot paharap sa kaniya at agad na nasilayan ang gwapo niyang mukha. "Are sure you okay? " tumango tango ako at ngumiti bago ko sinubsob ang mukha sa leeg niya at sinighot ang pabango niya.

Magulo ang buhok niya at basa iyon peru dumagdag naman iyon sa kagwapohan niya, tanging boxer lang din ang suot niya at sa taas ay lantad sa harapan ko ang matipuno niyang  dibdib. " Z-Zach..." hindi ko maiwasang lambingin siya at marahang kabigin ang batok niya para mahalikan.

Ipinulupot ko ang magkabilang braso ko sa leeg niya at nakangiting tiningnan siya. "Zach na adik ata ako sayo " mahina siyang natawa sa sinabi ko at hinalikan ako sa noo patungo sa tungki ng ilong ko at panghuli ay hinalikan ako sa labi peru sandali lang.Hinaplos haplos ko siya sa matipuno niyang dibdib hanggang sa magtungo ang palad ko sa abs niya pababa dahilan kaya napamura siya at hinuli ang kamay ko.

Marahil naweweirduhan siya sa ginawa ko.Siniil ko ulit siya ng halik at mas lalong hinigpitan ang braso sa leeg niya.Tumugon naman siya kaagad at hindi na magawang kontrolin ang sarili dahil napahaplos ang mainit niyang palad sa hita ko pataas hanggang sa naabot niya ang pribadong parte ng katawan ko.Nalalasing ako sa halik niya hanggang sa higit pa sa halik ang nangyari sa'min.

Kinaumagahan nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko galing sa balkonahe, medyo masakit ang katawan ko nang sumilip ako sa ilalim ng kumot at bumungad ang walang saplot kong katawan na napupuno ng pulang marka galing kay Zach. Marahan na inalis ko ang braso ni Zach sa bewang ko na mahimbing paring natutulog sa tabi ko.Napapaika-ika pa ako ng lakad nang pumasok ako sa bathroom at nagsimulang nilinisan ang katawan.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now