KABANATA 56: Pag-bisita

318 10 0
                                    

Matagal kong pinagmasdan ang repleksyon ko sa salamin habang suot ang pink dress off-shoulder na binili kahapon ni Shiena sa'kin.Bagay sa hubog ng katawan ko.Nang dumapo ang tingin ko sa mukha ko banda sa salamin ay parte naman na iyon ang pinagmasdan ko.

" Hmm you are still beautiful, wife." nakita ko ang guwapong si Zach sa salamin, tanging boxer lang ang suot niya at ang kaniyang buhok ay basa na bahagya pang magulo.Nakapatong sa magkabilang balikat niya ang tuwalya habang nakatitig siya sa repleksyon ko sa salamin.

" Talaga ba? "

" Yup, parang dalaga parin ."

Mahina akong tumawa at nakita ko ang guwapong ngiti niya sa salamin.Inayos ko ang  iilang hibla ng buhok ko hanggang sa lumapit siya at katulad ng palagi niyang ginagawa ay yumakap ito sa likuran ko.Napakapresko niyang tignan at ang bango niya.

" Are you ready? "

" Kagabi pa ako handa, sa katunayan excited na talaga ako." Ngiting usal ko at inabot ang pisngi niya nang ipatong niya iyon sa balikat ko.Ngayong araw kami bibisita sa mga magulang ko at seguro habang wala pang nangyayaring panganib sa kaharian ay dito muna kami mananatili.Pansamantalang si Drake ang namamahala roon at kahit wala pang kalaban ay nakahanda naman na ang mga bampira.

" Zach.." suway ko nang dumapo ang labi niya sa leeg ko at sininghot-singhot ako roon bago halikan.Hindi ko pa maiwasang makiliti at mabilis na iniwas ang leeg sa labi niya bago ako humarap kasabay non ang paghalik ko sa labi niya. " Magbihis kana rin para makapunta na tayo.Bihis na bihis na nga ang kambal tapos ikaw hindi pa?" ngumuso ako na parang bata sa harapan niya.

" Hmm.. Dress me up, wife."

" Ayuko nga! " pagtanggi ko at ngayon siya naman ang ngumuso.Umiling-iling ako at mahinang natawa sa reaksyon niya ang cute talaga.Pinisil-pisil ko ang ilong niya. " Sige na nga." pag-payag ko nalang at ngumiti sa kaniya.Hindi naman na bago ito sa'kin dahil palagi ko naman ginagawa ito sa kaniya.

Ginugol ko ang oras ko para bihisan siya hanggang sa matapos na ako. Halos hindi naman ako ang nagbihis lahat maituturing na halos binantayan ko lang siya.Iwan ko ba sa bampirang 'to gusto niya palagi akong nasa tabi niya.Nauna na akong lumabas sa walk in closet habang may inaayos pa siya roon sa loob.Hihintayin ko na muna si Zach at ang dalawang kambal ay nasa baba kasama ang Inang Reyna.

Ilang segundo ako sa paghihintay nang makitang lumabas na siya, nakasuot siya ng puting long sleeve polo na bahagyang pang nakatupi hanggang siko at ang suot niyang panths ay kulay itim na talagang bumagay sa kaniya.

" Guwapo ba? "

Napaasik ako at umiwas ng tingin. " Medyo lang." dahil sa sinabi ko matunog siyang napangisi na tila nababakas doon ang pang-aasar. " Ow, medyo lang? Eh bakit ka nakatitig? " nakapamewang na tumayo ako at taas kilay siyang tiningnan. " Hindi kita tinitigan no." pagsusungit ko.

'𝐆𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐭𝐚𝐥𝐚𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐇𝐚𝐫𝐢, 𝐩𝐚𝐧𝐢𝐠𝐮𝐫𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐛𝐮𝐥𝐢𝐧 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐤𝐚 𝐧𝐢𝐥𝐚.'Kaya lang hindi naman masyadong tanyag ang mukha niya dahil madalas siyang nananatili sa kaharian kaysa dito.Mabuti narin iyon ayaw ko din naman pinagtitinginan siya ng mga babae, akin lang 'to eh.

" Tapos kana ba? "

" Yup.Let's go? " Tumango ako at naunang naglakad patungo sa pintuan bago ko binuksan ang pintuan ramdam ko ang presensiya n'ya na nakasunod sa likuran ko at nang lumingon tila may inaayos pa siya na kwelyo ng damit niya.Umatras ako at humarap sa kaniya.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now