KABANATA 36 : Imahe ng hudas

182 2 0
                                    

 

ANABELLE'S POV

Tahimik na pinagmamasdan ang kawalan ramdam ang pagdampi ng hangin sa aking katawan habang nakadungaw ako sa malaking bintana.Iniisip ko parin ang salot dito sa kaharian dahilan kaya hindi ko maiwasang mangamba lalo pa't target niya ang pagdadalang tao ko.

Pilitin ko mang huwag isipin ang tungkol sa bagay na iyon ngunit hindi ko magawa, paano nalang kung balak na niya akong saktan o di kaya baka may plano siya sa Hari.Sa galing niyang magpanggap hanggang ngayon ay hindi parin namin nahahanapan ng bakas ang taong hudas.Bakit niya kailangang umanib sa kaaway? Bakit kailangan niyang pagtaksilan si Zach? Ano ba ang dahilan para magawa niya ang bagay na ito?

Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko.Hindi ko lang pinapahalata kay Zach na iniisip ko ang bagay na iyon dahil ayaw kong mag-aalala siya, pinilit ko naman talagang huwag alalalahanin ang traidor sa kaharian niya peru nangangamba ako, ang takot sa puso ko ay palaging nakabara.

Kailan pa namin malalaman ang tunay na katauhan niya? Kapag nagwagi na siya sa plano niya? Kapag nagtagumpay na siya? Kung kailan huli na ang lahat tsaka namin malalaman ang tunay niyang pagkatao? Sana naman dumating sa punto na malaman na namin kung sinong mukha ba iyon, pinapanalangin ko na malalaman namin ang totoo kung kailan hindi pa siya nagtatagumpay.

" May gumugulo sa isip mo? " agad na iwinaksi ko ang iniisip ko  kanina bago ngumiting humarap kay Zach.  " Wala naman.." pagsisinungaling ko at bahagyang yumakap sa kaniya, ramdam ko na matagal pa niya akong pinagmasdan ngunit kalaunan ay maingat na binuhat ako patungo sa kama.

" Hmm what do you want to eat? Gusto muna bang matulog? " agad na umiling ako at hinawakan siya sa kamay. May kung anong emosyon ang dumaan sa mukha ko na alam kong nabasa niya iyon. " Are you okay? " ngumiti ako at tumango. " Zach, hindi ba ako pabigat sayo? H-hindi ka ba nagsasawa sa tuwing nag-iiba ang mood ko o sa tuwing inaaway kita? " biglang sumagi sa isip ko ang mga madalas kong ginagawa sa kaniya.Dahil sa sinabi ko napamura siya halatang ayaw niyang sambitin ko ang tungkol do'n.

" Of course not, d*mn alam mong espesyal ka sa'kin " nakagat ko ang labi ko nang makita ang kakaibang emosyon na dumaan sa mukha niya. " I love you, I don't want to hear those words from you " sobrang lamyos ng pagkakasalita niya at akmang sasagot ako nang mabilis niyang atakehin ng halik ang labi ko. " I love you too " nasabi ko nalang nang bitawan niya ang labi ko at bahagya pa talaga akong hinihingal habang sinasambit iyon mahina pa siyang tumawa.

Hinawakan ko ang mukha niya at nakangiting pinagmasdan ang napakagwapo niyang mukha. " Zach, noong unang nakita mo ako nagandahan ka ba sa'kin? " mahina pa akong natawa nang maitanong ang bagay na iyon.Nakangiti lang siya at maraming beses na pinagpapatakan ng halik ang labi ko. " Super..." aniya kaya natawa lang din ako, hindi ko alam kung totoo ba iyon o inaasar niya lang ako.

" Akala ko nga anghel ka " then he looked at me na para bang seryuso siya.Nagbaba ang tingin niya sa maumbok kong tiyan at hinaplos-haplos iyon ng marahan na para bang bawat haplos ay puno iyon ng pagmamahal at pag-iingat. " Until now your still beautiful, the twins will surely be happy when they see the beauty of their Mommy " bumaba ang ulo niya sa tyan ko at hinalikan iyon.

" I know you will be a good mother to our twins, I will do everything to be a good father too and to your husband.Pangako " aniya habang papalapit ng papalapit ang mukha niya sa mukha ko.  He kiss me passionately while his hand was caressing my hair.

Ilang buwan narin na hindi na kami nagtatalik dahil malaki na ang pagbubuntis ko, di katulad noon. Lalo na no'ng naglilihi pa lang ako halos palaging may melagrong nangyayari sa pagitan namin at lahat ng iyon ay nagsimula mula sa pakikipaglandi ko sa kaniya. Hindi ko nga alam peru palagi akong natatakam sa bagay na masyadong malaswa.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now