KABANATA 13: Pagkahulog ng loob

320 11 0
                                    

 

" Z-Zach..."

Para akong nakakulong sa madilim na hawla at wala akong makita kung hindi ang mukha ni Zach, nakagapos siya at maraming sugat sa mukha.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko ngunit pakiramdam ko nakasimento ang katawan ko. Sobrang lakas ng kabog ng puso ko habang nakatingin sa kaniya na tila nagdudusa.

" Z-Zach " Boses ko lang ang hindi nakakontrol peru ang buong katawan ko ay tila may kung anong mahika ang ginamit dahil maging ang buto sa katawan ko ay naninigas.What's happening to me? At bakit ganito ang sitwasyon ni Zach? But even so, I did my best to get out of the cage.

Gustong gusto ko siyang lapitan nang biglang may humampas sa likod niya.At this point I couldn't hold back my tears. I screamed because I couldn't see him suffering.

Nanginginig ang katawan ko habang nakikita siyang ganon.Nakatitig ang mata niya sa'kin peru hindi ko makitang nasasaktan siya, hindi ko nakikitang naapektohan siya sa sitwasyon niya.Nakatali ang dalawa niyang kamay at sa panghuling hampas ay siyang pagluhod niya.

Sunod sunod na ang pagtulo ng luha ko.Bakit siya nalagay sa ganitong sitwasyon? " Zach.." May kung anong sakit akong naramdaman sa puso ko at ramdam ang pagkaawa sa kaniya .Wala akong magawa kundi ang panoorin siyang naghihirap.

Nakamaskara ang apat na lalaki na humampas sa kaniya kaya mahirap silang makilatis.Pawisan din ang noo ko na tila nakikisabay sa pagtulo ng luha sa pisngi ko.Halos mapaluhod ako sa panghihina ng tuhod ko dahil sa likod ni Zach nakita ko ang demonyong mukha ni Arkuz.

Nakangising tumingin si Arkuz sa'kin bago itinaas makintab niyang sandata. " H-huwag! P-pakiusap huwag! " Paulit-ulit ang pag-iling ko at sinubukan ulit igalaw ang katawan para pigilan si Arkuz ngunit ganon nalang ang panlulumo ko nang makitang malakas niyang ibinaon sa likod ni Zach ang mahabang sandata.

" Hindi! Hindi! " Napahagulgol ako.Kabadong kabado ako nang lumupaypay ang katawan ni Zach sa simento.Nanginig ako at halos hindi makilala ang sariling umiiyak. " Z-Zach!" Halos magwala ako at  si Zach ay may namuong luha sa mata ngunit may ngiting matamis sa labi niya.Napaubo siya ng dugo hanggang sa tuluyan ng pumikit ang kaniyang mata.

" Hindi...Hindi maaari! HINDII! "

" Anabelle? " May kung anong humawak sa braso ko at ang kaniyang boses ay nahihimigan ng pag-aalala.Para akong nasa dagat na may humila sa akin sa malalim na parte bago ako napabalingkwas ng bangon.Abot-abot ang paghinga ko na parang ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na huminga.

" What happened? Are you okay? " Habol ko ang hininga ko nang mapatingin sa lalaking nakaupo sa tabi ko. " Z-Zach.." Tumulo ang luha ko nang humawak ang dalawa niyang palad sa pisngi ko. " It's a nightmare " Malambing ang boses niya bago pinunsan ang luha ko.Hindi ko mapigilan kundi ang yakapin siya ng mahigpit.Akala ko totoo, grabeng  kaba at takot ang naramdaman ko sa eksenang iyon.

" Z-Zach, P-pinatay ka daw ni Arkuz kitang kita ko ang ginawa niya Zach " Humihikbing sumbong ko.Naging malalim ang paghinga niya bago ako tinitigan sa mata,halo halong emosyon ang bumalot roon. "Don't afraid It's just a nightmare, it's not real" Parang totoo iyon kaya nababalot ng takot at pangamba ang puso ko.

" N-natatakot ako Zach " Takot ako na baka may mangyaring masama sa kaniya.Ayaw kong magkatotoo ang eksenang iyon ayaw kong mangyari iyon sa kaniya. Pinunasan niya ang luha sa mata ko at hinalikan ako sa noo.

" I'm safe Anabelle and besides hindi sila nagwagi sa plano nila mas malakas ang vampire clan kaysa sa kanila " Aniya habang ang magaan niyang palad ay hinahaplos haplos ang pisngi ko.Kinalma ko muna ang sarili ko bago siya tinitigan.

I can't explain my feelings but my heart is beating fast. Do I love him? Kapag naalala ko ang eksenang iyon hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan niya. Marahan na nagtaas ang dalawa kong kamay para mahawakan siya sa pisngi.May kung anong emosyon ang dumaan sa mata niya bago bumaba ang titig niya sa labi ko. Marahan ang paglapit ng mukha niya hanggang sa maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa labi ko.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now