KABANATA 54: Tuluyang pagbalik ng alaala

226 6 0
                                    

Desperadong nagwawala si Arkuz at maraming beses na pinagsusuntok ang isang puno ng sobrang lakas.

Lugmok na lugmok siya ngayon, maging ang kaniyang sinasakupan.Ang ginawa niyang mahika ay tuluyan ng naglaho para sa babaeng inaasam niyang makuha.Ni hindi siya nagtagumpay sa plano niya.

" Zach hindi ka pa tuluyang nagtagumpay!Hindi pa! " iniisip niya na ang punong sinusuntok ng matigas niyang kamao ay mukha ni Zach, halos hindi na maipinta ang galit sa kaniyang mukha kung kaya't hindi siya tumigil sa pagsuntok sa puno.

Kada suntok ay bumabaon ang kamao niya sa katawan ng puno, sobrang lakas niya hanggang sa madurog ang puno at hindi kinaya kundi ang bumagsak ito sa lupa, si Arkuz ay halatang hindi nanghina sa ginawa kahit ang kaniyang kamao ay napupuno ng dugo.

Wala ni isang pumigil sa kaniya.Maging ang mga matandang bihasa sa paggawa ng mahika ay tahimik lang at halata ang takot sa mukha.

" Kung magluluksa ka lang dyan walang mangyayari, ang isipin mo ay kung papaano lumakas ang pwersa natin, kung papaano mapatay si Zach.Kung papaano mo mababawi ang Reyna sa kaniya." ngising suhestiyon ni Allen habang nakatingin sa malayo. Madilim ang mukha ni Arkuz at tiningnan ang dumudugong kamao.

" Hindi mahina ang mga lobo.." napangisi si Arkuz at humalakhak ng tawa.Paulit-ulit niyang sinambit iyon hanggang sa mag-ingay ang mga natitira niyang alagad.Hindi siya magpapatalo maghahasik parin siya ng lagim at babawiin niya si Anabelle.Sa ngayon nagpapalakas pa sila ng pwersa.

Si Arkuz ay hindi marunong tumanggap ng pagkatalo kaya magbabalik siya.Hindi sa ganong paraan para mapabagsak ng mga bampira ang kanilang clan, dahil hindi pa nagtatapos ang himagsikan sa pagitan ng mga lobo at mga bampira.

Sa kabilang banda naman tulalang pinagmasdan ni Anabelle ang kawalan habang paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang bawat oras na magkasama sila noon ng asawa. " Do you remember everything?" there was joy in Zach's voice as he asked his wife. Hinihintay nalang ni Zach na tumango ito at tingnan siya sa asawa ngunit hindi.Ni hindi makatingin si Anabelle sa kaniya.

" Wife.."

May pinapangambahan si Zach na paano kung hindi pa nga bumabalik ang alaala ng kaniyang asawa? Peru imposibleng mag kamali ang babaeng propeta at imposibleng mabaliktad ang pangitain nito.Hindi na mapalagay si Zach kung kaya't masuyo niyang hinawakan ang asawa sa mukha nito.

" Please tell me that you remember everything, that you remember me." Zach pleaded. Ang kamay ni Anabelle na hawak ng isa niyang kamay ay bahagyang nanginginig kaya nagtaka siya roon.

" Z-Zach..." bahagyang pumiyok ang boses ni Anabelle at marahan na tumingin kay Zach na napupuno ng pag-aalala at pangamba ang kaniyang mukha.She completely remembers everything, but deep inside she can't get enough of having fun.Sariwa parin naman sa alaala niya ang panahon na kasama niya si Arkuz.Nakakapandiri sa alaalang iyon.

" Do you rememeber everything? "

Sunod-sunod na tumulo ang luha ni Anabelle at mabilis na yumakap sa asawa. Habang ginagawa iyon ni Anabelle pakiramdam niya ay naging traidor siya.Kinasusuklaman niya si Arkuz.Marahil kung nakikita lang niya ito ay baka hindi siya makapagpigil na saktan at iparamdam kung gaano siya kagalit.

" N-naaala ko na ang lahat.P-peru h-hindi ko matanggap na naging ganon ang kapalaran ko na kasama ang hayop na iyon! " napuno ng luha ang kaniyang mata, si Zach ay marahan na humiwalay sa Reyna at hinawakan ang mukha para deritsong mapatingin ang Reyna sa kaniya.Nahahalata ni Zach na hindi siya magawang tingnan ng asawa.

" Wife.."

" Kinamumuhian ko ang bawat oras na magkasama kami." nandidiri siya kapag naaalala ang alaalang nasa ilalim pa siya ng kapangyarihan ni Arkuz. " Wife look at me." humawak ang dalawang palad ni Zach sa magkabilang pisngi  ni Anabelle.Nahihiya si Anabelle kaya hindi niya magawang tumingin, ang luhaan nitong mata ay napupuno ng sakit at pandidiri sa sarili.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now