KABANATA 2 : Tagapagligtas?

567 17 0
                                    

ANABELLE'S POV

Nagising ako dahil sa matinding kirot banda sa leeg ko.Hindi ko mapigilang mapahawak sa leeg ko habang kumakawala ang mahina kong pagdaing.Sobrang sakit ng pagkagat niya.Medyo may naramdaman akong nakalapat sa sugat ko sa leeg at ganon narin ang sugat ko sa noo.

Inilibot ko ang paningin ko ngunit ang malawak na kwarto lang ang bumungad sa'kin, hindi siya gaanong kadilim at nang makatingin sa kabuuan ng kwarto tila simple lang siya.Nakagat ko ang labi nang marahan akong bumangon sa hinihigaan ko.

Sobrang takot ang nararamdaman ko lalo pa't nang maalala na naman ang mukha ng lalaking kumagat sa leeg ko, nanghihina ako at takot na baka tuluyan akong makulong dito.Kailangan ko ng makaalis dito at baka hinahanap na ako ng mga magulang ko.

Kahit nanghihina ay sinubukan ko paring tumayo sa pagkakahiga at salamat dahil napagtagumpayan ko iyon.Paika-ika akong lumapit sa pinto ngunit nanlumo ako nang makitang gawa sa bato ang pintong iyon.Paano ako makakatakas dito?

Ramdam ko ang sakit ng katawan ko marahil nang dahil ito sa pagkahulog ko sa bangin at ang paa kong masakit ay parang namaga.

Naghanap nalang ako ng kung ano para mabukas ang pinto nang bigla nalang sumulpot sa harapan ko ang lalaking sinasabi nilang hari.Ang kumagat sa leeg ko, para siyang may kapangyarihan na bigla nalang naflash sa harapan ko.

Napaatras ako at takot siyang tiningnan.Bahagya pang namula ang mata nito at sinusuri ang leeg ko. " How are you? " Malamig ang boses niya at kahit takot ay sinalubong ko nalang ang mapanganib niyang tingin.

Hindi ko maiwasang matigilan dahil ngayon ko napagmasdan ng mabuti ang kaniyang nakakaakit na mukha.Gosh ang gwapo niya pala.Parang anghel na tila kahit nakakatakot ay mangingibabaw parin sayo ang pagkamangha sa mukha niya.

Noong nakita ko siya sa kagubatan hindi ko masilayan ng maayos ang mukha niya dahil nakatakip pa ang ulo niya sa suot niyang hoodie, peru ngayon para siyang normal na tao.Mahahalata lang na bampira siya dahil sa maputi niyang balat at mapula niyang labi.

Mula sa makisig niyang katawan- Fvck Anabelle at nagawa mo pa talagang purihin ang lalaking kumagat sa leeg mo? Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nang sulyapan siya ay galit na galit na ang mukha ko.

" Matapos mong kagatin ang leeg ko dinala mo pa talaga ako dito? " Alam kong normal lang  gawin sa'kin na kagatin ako dahil bampira siya, adik sa dugo ngunit bakit hindi ako kinagat ng tauhan niya?

" I bite you so I can mark you as mine " Nangilabot ako nang ngumisi siya.Nahihibang na ba ang lalaking ito? Sa tingin niya ba magtatagumpay siya?"Naunahan ko si Arkuz. He will not succeed in his plan. You are destined to be my mate,ikaw ang magiging reyna ko " Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.

" H-hindi ako makakapayag! Hinahanap na ako ng mga magulang ko kaya aalis ako dito" Kahit nilulukob ng kaba at takot ang puso ko ay nagawa ko paring maging matapang sa harapan niya, walang naging reaksyon ang ekspresyon ng mukha niya.

Akmang lalagpasan ko siya nang biglang atakehin ako ng matinding panghihina at kasabay no'n ang pagkirot banda sa leeg ko, hindi ko na kaya kundi ang mapasandal sa matipuno niyang dibdib kasabay ng pagpulupot ng makisig niyang braso sa bewang ko.

Parang naglalaho lahat ng enerhiya sa katawan ko,gustuhin ko mang lumayo at itulak siya ay hindi ko magawa hanggang sa buhatin niya ulit ako sa kama. " Aalis ako dito at magtatagumpay ako.. " Mahinang bulong ko habang kinukumutan niya ako ng maayos.Ang malamig niyang tingin ay napatitig sa leeg ko at hinaplos-haplos iyon "Do you think you can escape your fate?"Hanggang sa mawalan na naman ulit ako ng malay at hindi na narinig ang iba pa niyang sinabi.

Sobrang sama ng pakiramdam ko nang magising ako. Nangangapoy ako sa lagnat ngunit may dalawang babae ang nag-aasikaso sa'kin habang sa gilid ko naroon ang babaeng kulot ang buhok at puro itim ang suot  na parang black lady.Gusto ko tuloy kabahan dahil sa itsura niya.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now