KABANATA 40: Pagbaon sa limot

183 3 0
                                    

 

THIRD PERSON POV

Abala ang isang mangangahoy sa loob ng kagubatan at sa isip niya ay hindi niya mapigilang isipan kung bakit pa siya napadpad sa ganitong klaseng kagubatan, lingid sa kaniyang kaalaman na mapanganib ang kagubatan na pinasok niya ngunit sadyang dito siya dinala ng dalawa niyang mga paa.

Tirik na tirik pa ang araw at ramdamn ang pawisan niyang katawan. " Paniguradong magagalit na naman si Merna nito sa'kin." tukoy nito sa asawa habang kausap mag-isa ang sarili. Nagpatuloy siya sa pagkuha ng kahoy dahil kailangan niya talaga.Buntong hininga siyang naglakad sa mapunong daanan.

Mula sa kaniyang pwesto ay hindi maiwasang matigilan dahil sa kakaibang ingay na medyo malayo pa sa pwesto niya. "Anong klaseng tunog iyon?" nakakunot parin ang noo ng lalaki at ilang segundo pa ay hindi nalang pinansin ang kakaibang ingay sa paligid niya, naglakad pa siya ng naglakad hanggang sa ang ingay na iyon ay mas lalong luminaw sa kaniyang pandinig.

Doon nagsitayuan ang kaniyang balahibo sa katawan dahil mas malinaw pa sa tubig ang narinig niya na walang iba ay kundi iyak ng isang saggol, hindi lang isang saggol dahil mas narinig pa niya ang malakas nitong iyak na tila ay hindi nag-iisa ang sanggol.Paos na paos na ang boses ng sanggol kaya dahil sa kuryusidad ay kumaliwa siya at naglakad para sumilip.

Sa isip niya ay baka isa lang itong engkanto at pinaglalaruan siya ngunit hindi talaga siya mapakali hangga't hindi niya nasisilip at nalalapitan kung saan banda narinig niya ang iyak ng saggol. " Bakit naman magkakaroon ng sanggol dito? " nagtataka niyang tanong sa sarili bago napapunas sa noo niya. "Mapanganib nga sa kagubatang ito, kailangan ko ng umalis! " akmang babalik na siya sa dinaanan niya kanina ngunit natigilan din dahil mas lalong lumakas ang iyak ng sanggol at kung papakinggan ay talagang nakakaawa dahil halatang paos na paos na ang boses nito.

Napailing-iling ang lalaki at muling humarap at determinadong nilakbay ang masukal na kagubatan balak lapitan ang sanggol na umiiyak, kahit alam niyang nakakatakot ang kagubatan at baka gawa lang ng engkanto ang naririnig niya ay nagpatuloy parin siya sa paglalakad hanggang sa bumungad sa harapan niya ang dalawang sanggol na malapit sa malalim bangin.

Ang lalaki ay hindi makapaniwala at gulat na gulat sa nakita.Ilang segundo itong natigilan at kalaunan ay nagkukumahog na itong nilapitan ang dalawang sanggol na kunting galaw nalang ay sa loob ng malalim na bangin  ang bagsak ng dalawang kambal.Kaawa-awang sanggol na namamaga na ang mata dahil sa pag-iyak.

" Diyos ko bakit may sanggol dito? " hindi parin makapaniwala ang lalaki at maingat na binuhat ang dalawang sanggol bago siya napatingin sa paligid niya.Ni isang tao ay wala siyang nakikita.Ang dalawang sanggol na kaninang umiiyak ngayon tumatahan na na halatang uhaw na uhaw. Sino naman ang walang pusong mga magulang ng kambal ang gumawa nito at bakit ito iniwan sa mapanganib na kagubatan?

Kaawa-awang sanggol dahil matapos silang isinilang  ay nalayo kaagad sila sa kanilang ina, kung tutuusin ay maswerte ang dalawang sanggol dahil magpahanggang ngayon ay buhay parin sila.Ang lalaki ay hindi mapigilang pagmasdan ang dalawang sanggol na halata ang kagandahan at kagwapohan nitong itsura.Lalaki at babae ang dalawang sanggol na wala man lang ni isang saplot sa katawan o lampin man lang.

Para silang mga anghel ngunit ang lalaki ay inisip muna na baka naiwan lang ito ng ina nila kaya palinga-linga siya sa paligid umaasang may tao na baka babalikan nito ang dalawang sanggol ngunit sadyang iniwan talaga ang sanggol ng walang awang sina Arkuz.

Habang pinagmamasdan ng lalaki ang dalawang sanggol ay hindi nito mapigilang mapangiti dahil simula ng maikasal sila ng asawa niya ay hindi sila biniyayaan na magkaroon ng anak,may komplekasyon ang kaniyang asawa kaya hindi siya nito mabigyan ng anak kaya naman nang makita niya ang dalawang sanggol ay talagang masaya at natutuwa siya.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt