KABANATA 14: Pag-iwas

283 8 0
                                    

Nasa hapag kami at ngayon kasama namin ni Zach ang mga kaibigan niyang sina Drake at Rey, nandito din si Valerie at sa tabi niya ay ang propeta na kanina pa siya sinusulyapan ng tingin.Nahahalata ni Valerie ang nakamasid na mga mata ng propeta sa kaniya. Pansin ko rin iyon at alam ko na ang dahilan.Posible bang saktan ako ni Valerie? Naguguluhan ako dahil parang mabuti naman ang pakikitungo niya sa'kin.

Hindi ko nalang pinansin ang tumatakbo sa isip ko bagkos ay napapasulyap nalang ako ng tingin  sa tabi kong si Zach.Seryuso lang siyang kumakain at kahit kumakain lumalabas parin talaga ang kagwapohan niya.

" Hoy Drake akin yan! " Napatingin ako kay Rey dahil akmang kukunin na ni Drake ang karne nang tampalin ni Rey ang kamay niya.Nakagat ko ang labi ko para pigilang tumawa ang cute nilang magbangayan. "Palibhasa patay gutom " Bulong ni Drake gamit ang malamig niyang boses.

" Magbubulong na nga lang dinig ko pa tsk! " Segunda ni Rey dahilan kaya tumalim ang tingin sa kaniya ni Drake.Nakita ko ang pag-iling ni Zach bago ako sulyapan ng tingin.Agad na umiwas ako kaagad dahil baka makita niya ang reaksyon ko sa dalawa niyang kaibigan.

" Nasa hapag tayo, at dito niyo pa talaga naisipang mag-away? " Seryuso silang hinarap ng babaeng propeta kaya itong si Rey ay naitikom nalang ang bibig.Matapos kumain ay dumeritso narin ako sa kwarto ko ngunit pansin ko na nakasunod si Valerie sa'kin kaya napalingon ako sa kaniya.

" Ikaw pala Valerie " Gusto ko sana siyang iwasan dahil sa sinabi ng propeta peru parang ang hirap namang gawin iyon.Parang wala naman siyang gagawin sakin. " Pwede ba tayong mag-usap? " Ngumiti ito kaya ngumiti lang din ako at tumango.

Umupo siya sa upuan at ganon din ang ginawa ko. " Ngayong kasal na kayo ni Zach alam kong wala ng pag-asa  para maghiwalay pa kayo at mapawalang bisa ang kasal ninyo, Anabelle " Kumunot ang noo ko at hindi maintindihan kung ano ba ang pinupunto niya.

" Diba pinakasalan ka ni Zach ng labag sa loob mo? Ibig sabihin wala kang nararamdaman sa kaniya tama ba ako? " Dahil do'n ay napaiwas ako ng tingin sa kaniya. " Sabihin mo nga sa'kin, Anabelle nahulog na ba ang loob mo kay Zach? " Nakagat ko ang labi ko at tumingin sa kaniya at halata doon na sincere talaga siya.

" H-hindi Valerie, wala akong nararamdaman sa Hari " Halos hindi ko marinig ang sarili ko habang sinasabi iyon. Hindi ako segurado sa nararamdaman ko kaya mas mabuti pang itanggi ko muna ito lalo pa't hindi ko pa naman talaga alam.Ayaw ko din siyang masaktan dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang Hari.

" Totoo ba yan? " Ngumiti ako at tumango.Nang tumingin ako sa pintuan ng kwarto ko ay hindi ko inaasahang makita si Zach na nakamasid pala sa'min.Nagulat pa ako dahil ang akala ko nasa sariling kwarto na siya.Narinig ba niya ang sinabi ko?

May kung anong emosyon ang dumaan sa mukha niya at ang  emosyon na iyon ay tila nakikita ko sa mga mata niya ang sakit bago siya umalis.Napaawang ang labi ko bago tumingin kay Valerie na nakatingin lang din sa direksyon kanina ni Zach. " Mabuti at sinabi mo ang totoo, kailangan ko ng umalis Anabelle " Tumango ako at hindi mapigilang isipin na kaya ba siya nandito ay para mang-usisa tungkol sa bagay na iyon?

Nagtungo na ako sa kama at gusto ng matulog peru may pumipigil sa'kin. Sa tuwing ipipikit ko ang mata ko ay ang mukha kanina ni Zach ang nakikita ko.Anabelle what did you do? Sinaktan mo ang hari.Kitang kita ko sa mukha niya kanina na nasaktan siya sa sinabi ko.

Kinaumagahan ay nagising ako at sabay kami ni Zach na kumain ng almusal.Sinulyapan ko siya ng tingin dahil simula ng maabutan ko siya dito ay wala na siyang imik at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Tumikhim ako at tiningnan siya. "Z-Zach, tungkol kagabi alam kong narinig mo iyon " Seryuso lang ang mukha niya at nang tumingin ay malamig na ang kaniyang tingin sa'kin.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now