KABANATA 61: Pangitain

162 7 0
                                    

Nakatingin sa salamin habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok.Kakatapos ko pa lang maligo at napagpasyahan naring bumaba hanggang sa makita ko ang Inang Reyna at ang isang kasambahay na binabantayan ang dalawang kambal.

Simula kahapon ay bumisita kami dito dahil alam namin ni Zach na namiss din ng Inang Reyna ang mga apo niya.

" Tulog na naman po sila? " usisa ko na tinanguan ng Inang Reyna at nakangiting tiningnan ako. " Antukin talaga ang mga apo ko." mahinang natawa pa ako bago ko iginala ang aking paningin sa malawak na mansion.

Wala akong makita kundi mga staff lang sa mansion.Mga kasambahay na nakaniya-kaniyang ginagawa ang mga trabaho nila.

" Si Shiena po? "

" Umalis kanina para sa mahalagang meeting sa company." tumango na lamang ako at tumingin sa dalawang kambal na mahimbing na natutulog.Nang tumingin ako sa Inang Reyna ay nakatingin lang din ito sa mga apo niya.Biglang may sumagi sa isip ko patungkol sa nakaraang araw at kung bakit may iba kay Zach.Gusto ko siyang tanungin kung may nahahalata ba sila?

Embes na itanong iyon ay umiling na lamang ako, marahil talagang nagbibiro lang si Zach kaya niya sinasabi iyon. " Nasaan nga po pala si Zach?" tanong ko na ikinalingon niya sa gawi ko.Hindi nawala ang maaliwalas nitong ngiti at tumingin sa labas kaya napatingin din ako sa direksyon na iyon.

" Nasa labas kausap si Rey."

" Po? Nandito si Rey? "

" Hindi ko alam kung ano ang pakay niya peru nandito nga siya, Hija." Nagpaalam na muna ako at lumabas para pumunta kina Zach at Rey.Pagkarating ko sa labas ay hindi ko naman sila makita peru nang lumingon ako sa side ko ay naroon sila sa silong ng puno at marahil hindi nila napansin ang presensiya ko.

Nakangiting lumapit ako at hindi gumawa ng kahit na anumang ingay ngunit tunay ngang malakas makiramdam ang mga bampira dahil agad na napalingon si Zach sa gawi ko at doon pa lang ay naputol na ang usapan nila, biglang natahimik si Rey nang tapikin siya ni Zach sa braso.

" Mahal na Reyna." ngiting usal ni Rey at bahagya pang yumuko.Kumunot naman ang noo ko dahil kahit nasa malayo nahalata ko na seryuso ang pinag-uusapan nila.Ano kaya iyon mukhang importante  eh.Tumikhim na lamang ako at ginantihan ang pag-ngiti ni Rey.

" Mabuti bumisita ka dito, namiss kita."

" Namiss din kita mahal na Reyna." responde nito sa'kin at bahagyang tumingin kay Zach na bahagyang lumapit sa'kin.Nakangiting tumingala ako upang pagmasdan si Zach at tipid lang itong ngumiti bago ako hinalikan sa sentido. " So ano pala ang pinag-usapan ninyo?Parang napakaseryuso niyo kanina." tanong ko na nagpatigil sa kanila.

Nakaupo na kami ngayon sa bench habang nasa tapat naman namin si Rey. Nagkatinginan  pa sila peru sa huli mahinang tumawa si Rey. " Ikinuweto ko lang ang kalokohan namin ni Drake don sa kaharian, wala iyon huwag mong pansinin." si Rey at umiwas ng tingin sa'kin.

Nang dahil lang don? Tsaka hindi naman iyon nakakatawa pareho pa nga silang seryuso ni Zach.Tumango na lamang ako at ngumiti. " Kumusta kayo sa kaharian? Wala bang problema? "

" Wala naman mahal na Reyna. "

" Si Valerie at Drake? " tanong ko pa habang nakatingin parin kay Rey.

" Okay na okay sila mahal na Reyna." sagot ni Rey kaya nawala ang pangamba ko, hanggang ngayon pala ay wala pang hakbang ang mga lobo so ibig sabihin matagal pa bago mangyari ang dilubyo? At mukhang mahirap hanapin ang bagong lungga nila ngayon dahil wala man lang balita kung nasaan sina Arkuz.

" Ang babaeng propeta wala ba siyang sinabi? Wala ba siyang nakikitang may masamang mangyayari sa hinaharap? " Usisero kong tanong na siyang ikinatigil bigla ni Rey, hinintay ko kung ano ang magiging sagot niya hanggang sa bahagya siyang sumulyap kay Zach peru kalaunan ay ngumiti, ngiting malawak peru hindi maalis sa'kin ang makaramdam ng kakaibang pakiramdam.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now