KABANATA 9 : Mahiwagang lunas

448 9 0
                                    

Kasama ko si Valerie nang lumabas kami sa kaharian, hawak niya pa ang kamay ko nang tumawid kami sa isang tulay na medyo nakakatakot dahil halos tagpi-tagpi narin ito, hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin peru sabi niya ipapasyal niya ako sa kagubatan at sinabi din niyang poprotektahan niya ako.

" Dito kami madalas tumambay ni Zach noong bata pa kami " Turo niya banda  sa taas na para bang maliit na bundok. " Tara punta tayo do'n " Nakangiting usal nito kaya tumango ako hanggang  sa makarating kami sa tuktok.Nakalanghap ako ng sariwang hangin at natanaw ang magandang tanawin.

" Dito kami kumakain ni Zach noon at dito namin ineensayo ang sarili namin sa pakikipaglaban, actually natuto akong lumaban because of him, he teached me  Anabelle " Habang nagkukwento siya halata ang saya sa mukha niya, ngumingiti nalang ako at sinasakyan siya kahit medyo naiinis dahil puro siya kwento tungkol sa nakaraan nila ni Zach. Required bang sabihin niya ang nakaraan nila? Tsk.

Umupo ako sa maliit na bato at tumingin sa kaniya na nakatanaw lang din sa kawalan habang nakangiti.Napabuntong hininga nalang ako hanggang sa umalis  kami sa lugar na iyon.Naglibot pa kami at halos lahat ng lugar na napuntahan nila ni Zach ay sinabi niya sa'kin.

" Pagod kana ba? " Nilingon niya ako mula sa likod niya, kanina pa ako pagod at sobrang sakit na ng tuhod ko.Ngumiti ako at umiling kahit medyo paika-ika na ako.Hindi ko rin maiwasang matakot dahil medyo gumagabi na at kanina pa ako nakakarinig ng kaluskos.Nanindig ang balahibo ko at mabuti nalang hinila ako ni Valerie na tumago sa isang  malaking puno.

"  Sino k-kayo? " Isang babae ang takot na takot at katulad ko ay oldenaryong tao din siya.Bumalik sa'kin ang unang pagkakataon na nakakita ako ng eksena habang pinapatay ng mga lobo ang babae. " H-huwag kayong lumapit! Tulong! " Sigaw ng babae, gusto kong lumabas peru wala akong sapat na kakayahan para lumaban. " V-Valerie t-tulungan mo s-siya " Bulong ko ngunit umiling siya.

" Marami sila Anabelle, hindi ko sila kaya " Naiintindihan ko naman si Valerie peru nakakaawa ang babae, napatakip nalang ako sa bibig ko nang pagtulungan nila ang babae. Napaluha ako sa takot at wala man lang kaming nagawa para tulungan ang babae dahil medyo marami sila.

" Kailangan na nating umalis dito " Hinawakan niya ako sa kamay ngunit aksidenteng may naapakan ako dahilan kaya naglikha iyon ng ingay.Automatikong napatingin sa gawi namin ang mga lobo kaya halos hindi ko magawang igalaw ang katawan ko sa takot.Gosh!

" Tara na! " Hinatak ni Valerie ang kamay ko at tinakbo ang malawak at masukal na kagubatan. Napabitaw ang kamay niya mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa palad ko nang may humarang na dalawang lobo.Nanginginig ako sa takot ngunit mas pinili kong magpakatatag dahil walang mapapala ang takot ko at kailangan kong makagawa ng paraan para makaligtas kami dito.

Tumingin sa'kin si Valerie bago lumabas ang kaniyang matulis na pangil at namula din ang kaniyang mata.Ang lobo ay mas lalong lumalapit sa pwesto namin habang sa likod namin ay naroon din ang iba.Wala na kaming kawala sa sitwasyon namin ngayon.

" Iligtas mo ang sarili mo.." Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Valerie. Seryuso ba siya? At ang akala ba niya ay gagawin ko iyon? Hindi ako aalis at kahit wala akong sapat na kapangyarihan at least  kasama niya ako sa gitna ng ganitong labanan. " Takbo na, Anabelle! " Sigaw niya na agad kong inilingan.

" H-hindi kita iiwan Valerie..."

" Iligtas muna ang sarili mo, okay lang ako Anabelle " Hindi ko akalain na maging siya ay handang magsakripisyo alang alang sa'kin.Tinulak niya ako at bago pa man umatake ang lobo ay tumalsik na ako sa gilid.Hindi ko narin maiwasang mapaluha habang pinapanood si Valerie na nakikipaglaban sa mga lobo.Alam ko na hindi niya kaya.

Mabilis na nakuha ko ang matulis na kahoy at nang tumalon  ang lobo ay siya ring pagtarak ng matulis na kahoy sa katawan ng lobo.Si Valerie ang iniisip ko at hindi na pinatuunan ng atensyon ang lobo na papalapit sa gawi ko.Iaalay ko na ang buhay ko.Tanggap ko na ang kamatayan ko nang biglang may kung anong yumakap sa katawan ko.Bigla ding umamo ang mga lobo at pumunta sa gawi ni Valerie na siyang ikinaiyak ko ng tudo.Hindi pwedeng mawala si Velerie at dapat mailigtas siya.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें