KABANATA 35 : Hudas sa samahan

190 4 0
                                    

 

After one week...

Hindi tumigil ang Hari para magkaroon ng imahe ang lalaking traidor sa kaharian niya na isa din sa mga kaibigan at pinagkakatiwalaan niya. Maging ang babaeng propeta ay nahirapan at hindi na nito nakikita pa ang susunod na hakbang dahil sa ginawang kakaibang mahika.

" Magaling sila at pinagplanohan nila ng mabuti ang bagay na magpapahamak sa dinadala ng Reyna " mahinang tugon ng babaeng propeta habang si Zach ay hindi narin maiwasang mamula ang mata dahil sa galit.Unti-unting lumabas ang pangil niya kaya nahawakan siya ng Reyna sa braso .Hindi nawawalan ng pag-asa ang traidor sa kaharian dahil magpahanggang ngayon tinutuloy parin nito ang maitim niyang balak.

" Z-Zach kalma...Hindi siya magtatagumpay " mahinang sambit ng Reyna na tila pinapakalma ang Hari.Bagamat hindi na makontrol ni Zach ang sarili kundi ang hampasin ang lamesa sa harapan niya. "Kapag namukhaan ko siya, seseguraduhin ko na mapaparusahan ko siya ng kamatayan" tiim bagang sambit nito  habang ang babaeng propeta ay nadidismayang napaalis sa haraan ng Reyna at Hari.

Sa ngayon bawat kaibigan at mga taong pinagkakatiwalaan niya ay  inoobserbahan niya peru ang traidor ay magaling magpanggap para maitago nito ang tunay na  pakay at kulay. " Matagal na ang plano niya peru tingnan mo naman magpahanggang ngayon ay hindi parin siya nagwawagi " unti-unting nanlambot ang ekspresyon sa mukha ng Hari bago marahan na sinubsob ang ulo sa leeg ng Reyna.

" Hinding-hindi siya magtatagumpay. D*mn that fvcking traitor.I will fvcking k*ll him " naging kalmado na ang Hari peru may diin ang bawat katagang kumawala sa bibig niya. Niyakap nalang ng Reyna ang Hari at hinaplos-haplos ang ulo nito. " Hindi magtatagumpay ang kasamaan laban sa kabutihan" mahinang sambit ng Reyna hanggang sa higitin ng Hari ang baywang niya nang puno ng pag-iingat.

" He can't even touch you.Subukan lang niyang lumapit sayo at makikita niya ang bagsik ko " nagbabanta nitong sambit dahilan kaya hindi  maiwasang hawakan ng Reyna ang mukha niya. " Nakakatakot ka naman, parang natakot ako sayo " pagbibiro ng Reyna at mahinang tumawa.

Seryuso lang  pinagmasdan ni Zach ang asawa kaya napatigil din ito sa pagtawa.Seryuso talaga siya sa bagay na ito ngunit ayaw  na kasi ng Reyna na puro problema nalang ang iniisip ng Hari.Oo alam ng Reyna na kapakanan niya at ang magiging  anak nila ang iniisip ng Hari  subalit nag-aalala narin ang Reyna sa Hari.

" Pwedeng kalimutan muna natin ang bagay na iyon? Hmmm kahit pansamantala..." marahang hinalik-halikan ng Reyna ang kabuuan ng mukha ng Hari  at tumingkayad pa siya para maabot niya mukha ng Hari, ang tangkad ba naman kasi halos di niya maabot ang mukha ng Hari at mahirap maabot ang mapula at manipis nitong labi.

Kahit papaano ay napangiti ang Hari dahil sa pagpapaamo sa kaniya ng Reyna.Maingat niyang binuhat si Anabelle  patungo sa kwarto nila habang si Anabelle ay nakangiting pinagmasdan ang kagwapohan ng Hari. " Ouch!  " ramdam ni Anabelle ang pagsipa at naging sunod-dunod 'yon.Medyo mahirap lalo pa't malaki ang tyan niya ay talagang nabibigatan siya.Maingat na inilapag ni Zach ang asawa sa kama at yumuko upang hagkan ng malamyos na halik si Anabelle.

Unti-unting humawak ang palad ni Zach sa malaking tyan ng Reyna at ibinaba ang ulo para pakinggan ang bawat masiglang galaw ng kambal sa isinapupunan ni Anabelle. "Ah sobrang lakas " hindi narin maiwasan ni Anabelle na dumaing peru natawa din kalaunan.

" It means they are healthy. I know it's hard..." tumingin si Zach sa magandang mukha ni Anabelle. " Kakayanin  syempre, ako pa ba Zach. Hindi na ako makapaghintay na makita ang kambal natin " ngumiti ng malapad si Anabelle at hindi mapigilan ang kakaibang emosyon nang makita kung papaano halikan ni Zach ang tyan niya.

" I love you my two kiddos " maiging pinagmasdan ni Anabelle kung papaano kausapin ni Zach ang dinadala niya habang ang palad niya ay nakahaplos sa malaking tyan niya. " Magiging mabuti akong Ama sa inyo. Promise I will protect you two and your Mommy.Walang kahit na sinong mananakit sa inyo at hindi ko hahayaan na makalapit ang traidor sa Mommy ninyo. Mananatili kayong ligtas no matter what happens hindi ko kayo iiwan , hindi ko hahayaan na may magtangkang saktan kayo " hinaplos na lamang ng Reyna ang buhok ni Zach.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now