KABANATA 58: Bampirang mabait

211 5 0
                                    

Limang araw narin simula nang makabisita kami dito sa mga magulang ko, limang araw na kami nanatili dito at sa loob ng limang araw na iyon kahit papaano ay nakaramdam ako ng kaginhawaan, tipong malayo sa gulo at panganib.

Masaya ako na kahit papaano ay nakakapagrelax si Zach nang walang kahit na anong iniisip sa kaharian niya.

Nakarating narin sa amin ang balita na okay naman ang kaharian ngayon, kaya lang nakakadismaya parin kapag naiisip ko na mangyayari parin ang delubyo.

Ang madugong labanan na walang katiyakan kung kninong buhay ang mananatili, kung kaninong buhay ang mawawala.
Sa tuwing naiisip ko na mangyayari iyon nababalisa ako at hindi maiwasang makaramdam ng lungkot.

" Anak? "

" Anak ba't ka tulala riyan? "

Napabalik ako sa ulirat nang marinig ang boses ni Mama na nababahiran ng pag-aalala.Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sa mukha ni baby Zion Zachero, ngunit kahit doon nakatutok ang mata ko ang isip ko ay lumilipad at iniisip ang paparating na kapahamakan, huwag lang sanang madamay ang dalawa naming anghel ni Zach.

" O-oo naman Mama, okay lang ako."

" Mukhang malalim ang iniisip mo, ano ba iyon anak? Problema?" bahagya akong natigilan sa tanong ni Mama, hindi pa tamang oras para sabihin ito sa kaniya tsaka alam ko na hindi siya maniniwala na totoong may bampirang nag eexist sa mundong 'to.Baka pagnagkataon na malaman niya nang hindi pa umaayon ang tamang oras ay baka mabigla sila o di kaya may hindi magandang kahahantungan ang lahat.

" Mama, wala pong problema nasisilaw kasi ako sa kagwapohan ng anak ko." pagkukunwari ko at gigil na hinalikan ang cute at gwapong anak namin ni Zach, si Mama ay mahinang natawa at hinawakan ako sa balikat.Mababakas naman sa mukha niya na hindi siya nagdududa.

" Alam mo anak hindi na ako magtataka kung sa paglaki ng dalawang kambal ay paniguradong pag-aagawan silang dalawa.Nako maganda at gwapo ang mga apo ko nagmana sa Lolo't Lola." usal ni Mama at tiningnan si baby Bella Zachea na hawak naman niya.Napangiti ako sa itinuran ni Mama bago ako napalingon kay Papa na papalapit sa gawi namin.

" Hindi naman halata na gustong-gusto talagang magkaapo ng Mama mo anak, tingnan mo halos ayaw bitawan ang mga anak mo." turo ni Papa kay Mama dahilan kaya natawa ako at si Mama ay masamang tumingin kay Papa. " Syempre naman, first time kong magkaapo." Usal ni Mama at si Papa ay maingat na kinuha ang anak kong lalaki.

Simula ng makabisita kami dito minsan ko nalang mahawakan ang dalawang kambal dahil madalas sina Mama at Papa ang nag-aalaga sa kanila minsan naman si Kuya.Halatang masaya sila nang makita nila ang dalawa naming kambal ni Zach at sobrang nakakatuwa na ganito sila sa anak namin ni Zach.

Nang sumapit ang alas syete ng gabi ay nanatili akong nakaupo sa bench upang makapagpahinga muna, kakatapos ko lang kasi magluto dahil nagpresenta talaga ako na ako muna ang magluto habang sina Mama at Papa ay nagbabantay at nag-aalaga sa mga apo nila.

Hindi pa nakakauwi sina Zach at Kuya simula kaninang umaga nang umalis sila.Kinailangang bumisita ni Zach sa kompanya niya at si Kuya ay isinama niya para alukin na doon magtrabaho na labis na ikinatuwa ni Kuya, magandang oportunidad iyon kaya nga maging sina Mama at Papa ay natuwa kay Zach.Sobrang bait lang talaga ng asawa ko.

Ilang segundo akong naghihintay nang may kumatok sa pintuan.Tatlong katok na agad kong binuksan at nagulat nang bumulagta sa harapan ko ang napakagandang kapatid ni Zach. Si Shiena na nakangiti sa'kin habang ako ay gulat dahil hindi ko naman inasahan na pupunta siya dito.

" Ikaw pala Shiena.Pumasok ka."

" Thanks, I miss you that's why I'm here." napakalambing ng boses niya at bahagya pa akong niyakap na siyang pagyakap ko sa kaniya pabalik at gumanti din sa napakaganda niyang ngiti.Napakaaliwalas niyang tingnan at ang ngiti niya ay tila para siyang anghel na nakakasilaw sa kagandahan.Walang pagdududa na lahi talaga nila ang magaganda at gwapo.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now