KABANATA 45 : Plano

149 5 0
                                    

Kasalukuyang nagpapagaling ang mahal na Hari mabuti na lang madali lang din tumiklop ang mga sugat niya at hindi maitatanggi na umabot ang dulo ng espada sa buto niya, kung nagkataon ay naging malala ang kalagayan niya peru ang mga pinunong babaylan din mismo ang gumamot sa kaniya kaya ngayon wala ng naging promblema.

" Handa din akong tumulong mahanap lang ang lunas kaso sinabi ng babaeng propeta na wala pang lunas sa kakaibang lason na nasa katawan ni Anabelle." malungkot na usal ni Shiena habang kausap niya ang mga kaibigan.

" Ang sama ni Arkuz talagang ginawa niya ang lahat, ginawa pa niyang masama ang mahal na Reyna! " gigil na gigil si Valerie habang sinasambit iyon, bago lang siya nagising dahil hindi kinaya ng katawan niya ang maraming sugat noong gabing iyon, salamat naman at nagising narin siya at ikanatutuwa iyon ng marami lalong-lalo na si Drake.

" Kailangan natin magtulungan, kakaibang Anabelle ang nakasalamuha namin no'ng gabing iyon.Nakakatakot siya." si Rey habang iniimagine ang imahe ni Anabelle noong gabing naganap ang labanan at noong gabing nasaksak si Zach.

" Kung hindi kontrolado ni Arkuz si Anabelle alam ko na malabo niyang saktan si kuya." tumango ang mga kaibigan ni Shiena sa sinabi nito, alam ng lahat na hindi kayang saktan ni Anabelle ang mahal na Hari peru ngayon nasa kailaliman siya ng kapangyarihan ni Arkuz.

" Doon nalang tayo sa labas mag-usap nagpapahinga ang mahal na Hari." senseridad na suhestyon ni Drake kaya naman sama-sama na silang umalis sa kwarto ni Zach, naisipan nalang nilang mas sanayin pa lalo ang mga alagad para mas lalo ito maging bihasa sa pakikipaglaban.

" P-please...A-ayaw ko na! " rinig ni Zach ang boses na iyon na nahahaluan ng iyak at matinding lungkot.Bakas din sa boses nito ang panginginig.Inilibot niya ang paningin niya ngunit wala siyang nakikita kundi ang madilim na paligid.Nababalot ng kadiliman ang napasok niyang mundo.

" Tulungan mo a-ako.Z-Zach hirap na hirap na ako a-ayuko na Zach.."

" W-wife? "

" Kailangan ko ang tulong m-mo.Z-Zach kailangan kita." umiiyak narin si Anabelle, malinaw niyang naririnig ang boses nito iyon nga lang hindi niya alam kung saan ba ito nanggaling.Tanging kadiliman ang nakikita niya, palinga-linga siya nagbabakasakaling makita niya ang mahal na asawa peru hindi niya mahagilap.Tanging ang nagmamakaawang boses lang ng asawa niya ang naririnig niya.

" Zach a-ayuko na! P-please tulungan mo ako! "

" Wife, where are you? "

" Zach..."

" Wife. I will help you.." naglakad si Zach kahit madilim ang daan na tinatahak niya,ni isang liwanag ay wala siyang nakikita tanging ang kadiliman ang bumabalot sa paligid niya. Sumisigaw siya at tinatawag ang asawa niya peru habang sumisigaw ay tila wala ng responde galing sa mahal na Reyna.

" Wife! " namamaos na ang boses niya peru wala na.Talagang naglaho na ang boses ng kaniyang asawa wala siyang narinig  ni katiting na boses .Peru si Zach ay nagpatuloy na sumigaw kahit namamaos na ang boses niya, hindi siya tumigil marinig lang ang pagresponde ng mahal niyang asawa.

" WIFE! " napabalingkwas ng bangon si Zach sa kamang hinihigaan niya, ramdam ang panginginig ng kamay niya at namamawis narin ang noo niya. Panaginip lang iyon peru kinakabahan siya parang pahiwatig iyon na talagang iiwan siya ng mahal niyang asawa.

" Nananaginip ka..Huwag mong isipin iyon. " napalingon si Zach sa Inang Reyna na ngayon ay papalapit na sa gawi niya.Hindi napigilan ni Zach na yumakap sa Ina habang hinahabol nito ang hininga niya,hingal na hingal siya at halos mapaluha sa kaba na sumasakop sa puso niya.

" I'm afraid Mom.." niyakap ng Inang Reyna ang anak at bahagyang hinalikan sa noo habang hinahaplos nito ang likuran ni Zach. "Alam mo ba dati kahit kailan hindi pinanghinaan ng loob ang Ama mo.Naging matapang siya.Naniniwala ako na kagaya ng Ama mo ay makakayanin mo rin ang lahat.Tibay ng loob at pag-titiis ang kailangan anak.Isa lamang itong pagsubok na dapat mong malampasan." nagtaas ng tingin  si Zach sa Inang Reyna.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin