KABANATA 4 : Tunay na dahilan

458 11 0
                                    

ANABELLE'S POV

" Hindi porket iniligtas mo ang buhay ko ay papayag na akong magpakasal sayo,Zach " Malamig kong usal dahilan kaya ang blanko niyang mga mata ay napatitig saglit sa mukha ko.Ang kamay niyang minamasahe ang paa ko ay tumigil narin sa paghimas.

Mabilis ang ginawa kong paghawi sa kamay niya na nasa paa ko at kinuha ang kumot nang hindi na siya binabalingan ng tingin. "Magpahinga kana " Iyon lang ang sinabi niya sa kabila ng sinabi ko.Tsk!

Kung hindi lang sumakit ang paa ko kanina hindi ko naman talaga siya pinilit na masaehin ang paa ko.Kusa niyang ginusto iyon.Hindi ako makapaniwala na handa siyang gawin iyon sa kabila ng pagiging hari niya.Ramdam ko pa ang titig niya sa'kin bago siya umalis.

Napabuntong hininga narin ako at nakatulog narin.Kinaumagahan nagising ako at bumangon narin bago deritsong tinahak ang daan papalapit sa bintana.Dumungaw ako roon habang bahagya pa akong humihikab nang biglang may magpatigil sa'kin.He was staring at me while smiling and he was really  handsome.

Tanaw ko siya sa di kalayuan at nasa silong lang siya ng puno.Hindi ko mapigilang mapangiti at nagwave ng kamay sa kaniya. Is he here to help me to get out of this place? To get away from Zach?

" H-henrex.. " Mahinang bulong ko sa pangalan niya habang nakatingin siya sa'kin.Hindi ko alam peru iba na naman naramdaman ko habang nagsasalin kami ng tingin.Ang hirap ipaliwanag at ang hirap matukoy kung ano man iyon.

Gustuhin ko mang bumaba para lapitan siya ngunit alam kong may bantay sa labas kaya bago ko magagawa ang bagay na iyon kailangan kong kunin ang loob nila.Lalo na ang Haring si Zach, kailangan ko siyang kaibiganin at hangga't maaari kailangan kong malinlang ang damdamin niya dahil masyado na siyang nakakainis sa pagkulong niya sa'kin.

May pamilyang naghihintay sa'kin sa syudad at paniguradong nag-aalala na sila ngayon sa'kin lalo na si Mama.Paniguradong umiiyak na iyon sa pag-aalala dahil hindi naman siya sanay na wala ako sa bahay at hindi siya sanay na hindi ako nabibista sa kwarto ko tuwing gabi.

Dumaan ang lungkot sa mukha ko bago napayuko ngunit sandali lang iyon at tumingin kay Henrex.Hindi ko pa maiwasang kabahan nang makita ang isang tauhan ni Zach na papalapit na sa pwesto niya.Halos mapasigaw ako ngunit kita ko naman sa mukha niya na hindi siya natatakot.

Hindi ko pa maiwasang hindi matawa nang makita kung papaano niya malinlang ang bampira, alam kong malakas ang pang amoy at pakiramdam ng mga bampira ngunit ipinagtatataka ko kung bakit hindi nagawa ng alagad ni Zach na makita si Henrex na nasa taas ng puno.

Hindi ba siya takot na baka mahulog siya grabe din ang bilis niyang umakyat sa puno at alam kong hindi ordenaryong tao si Henrex.Nakangiting kinaway niya ako kaya nadala ako sa ngiting iyon bago ko naramdaman ang presensya na mabigat ang mga matang pinagmamasdan ako.

Mabilis akong lumingon sa kaniya at nakita ang malamig na mukha ni Zach habang prenteng nakaupo sa kama at pinagmamasdan  ang ginagawa ko.Sinulyapan ko ang puno kung saan naroon si Henrex ngunit bigla nalang siyang nawala roon.

" Handa na ang pagkain para sa atin " Sobrang lamig at lalim ng boses niya at kakaiba ang hatid no'n sa'kin.Kumawala ang katagang iyon sa bibig niya na para bang wala siyang napapansin banda sa taas ng puno, baka mahina ang pakiramdam ni Zach at baka hindi siya gaano katalino para isipin ang tagapagligtas ko.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at minabuting inayos ang magulo kong mahabang buhok bago lumabas ng hindi siya pinapansin.May babaeng bampira ang sumunod sa'kin nang magtungo kami sa dining area at alam kong nakasunod narin si Zach sa likuran ko.

Habang kumakain kami ni Zach hindi ko maiwasang magpasulyap sulyap ng tingin sa kaniya.Kinuha niya ang baso na naglalaman ng dugo at ininom iyon at nang maibaba niya ang baso doon niya ako tinapunan ng malamig na tingin. " Gusto kong humingi ng permiso para lumabas sa kaharian " Magaan lang ang bawat katagang sinasabi ko sa kaniya.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz