KABANATA 39: Matinding paghihirap

248 6 0
                                    

 

" Anong balita? "

" Maraming alagad sina Arkuz embes na maubos ay mas lalo lang silang dumadami. " sagot ng isang alagad ni Zach kay Ardee. Biglang sumagi sa isip ko si Zach at ipinagdarasal na sana maipanalo nila ang laban, na sana walang mangyari sa kanila.

" Kailangan mong itago ang mahal na Reyna" usal kaagad ng babaeng propeta." Hindi maganda ang kaniyang pakiramdam " bahagyang humaplos ang palad nito at napailing-iling. Fear and discouragement are eating me up. It's like a scenario is forming in my brain that I hope it doesn't happen.

" Magsisilang kana..." mahinang sambit ng babaeng propeta dahilan kaya hindi ako makapaniwalang napatingin sa tyan ko.No please huwag muna ngayon, nasa panganib pa, hindi pa pwede.Mga malalakas at nababasag sa kapaligiran ang narinig ko hanggang sa makita ko ang maraming lobo papasok sa kaharian ngunit sinalubong din sila ng mga bampira.

Mas ramdam ko ang pamimilipit sa sakit ng tyan ko dahilan kaya nahawakan ko iyon at gusto nalang mapaluhod.I can't bear the pain. The pain is spreading all over my body. " Ardee itakas muna ang mahal na Reyna! " malakas na sigaw ng babaeng propeta kasabay no'n ang sunod-sunod na pag-atake ng mga lobo sa mga pinunong babaylan at sa babaeng propeta, sa puntong ito wala na akong nakikita kundi ang matinding labanan para ipaglaban ang kaharian at ang samahan.

I looked at their situation for a moment to see how they would risk their lives, my tears started to flow before Ardee carefully supported me away from the wolves. "Kailangan nating makalayo sa mga kalaban mahal na Reyna. " may pag-aalala sa boses ni Ardee, gusto ko mang bilisan ang paglalakad ko ay hindi ko magawa.

Nahihirapan ako.Hindi ako makalakad ng maayos at nanghihina ang katawan ko dahil sa sakit ng tyan ko. " S-si Zach.." naluluhang sambit ko bago pa kami makarating sa maliit lagusan palabas sa kaharian. " Mahal na Reyna, masyadong maraming kalaban peru alam kong magiging ligtas ang mahal na Hari " napahawak ako sa tyan ko at muntik ng mapaluhod.

" Ahh!..." I screamed in pain and almost fell to my knees on the ground.

" Mahal na Reyna kaya mo pa ba?" namimilipit sa sakit ay tumango ako. "Kailangan muna natin makalayo sa kaharian bago ka magsilang. "dagdag pa ni Ardee, kailangan kong kayanin kahit nanginginig na ang paa ko sa sobrang sakit.Tuluyan kaming nakalabas sa kaharian at hindi pa maiwasang kabahan nang makita ang dalawang lobo na nakasunod sa'min.

" Fvck! " napamura nalang si Ardee at walang magawa kundi ang bitawan muna ako bago niya nilabanan ang dalawang lobo.Mahinang daing ang naipapakawala ko habang nakatingin kung papaano labanan ni Ardee ang dalawang lobo.Napatakip pa ako sa bibig ko nang makitang nagkasugat siya sa braso ngunit nagtagumpay siya na patayin ang dalawang lobo.

" Kailangan natin magmadali, Mahal na Reyna " muli niya akong inalalayan at nagsimulang naglakad hanggang sa madaanan namin sa gilid ang maraming lobo na nilalabanan ang mga bampira.Hindi kami mapapansin ng mga lobo dahil medyo malayo kami at natatabunan ng matatayog na puno ang aming pwesto.Napatakip ako sa bibig ko at mas lalong sinakop ng takot ang puso ko.Kakaibang emosyon ang naramdaman ko nang mamataan ang mahal na Hari na abala sa pakikipaglaban.

Kita ko kung papaano niya nilabanan ang mga lobo na nakakasalamuha niya ng walang kalaban-laban sa kaniya.Peru nakakapanghina dahil mas marami ang alagad ni Arkuz kumpara sa mga alagad niya, mas lalong dumarami ang mga kalaban. ' 𝐙𝐚𝐜𝐡 𝐬𝐚𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐤𝐚𝐥𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐤𝐚 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐧' naluluha ako.Hindi pa ako makapaniwala nang makita niya ako at nagtagpo ang aming mga mata.Kahit abala sa pakikipaglaban ay nagawa niya akong pinagmasdan bago niya ako sinenyasan pahiwatig na tuluyan kong iligtas ang sarili ko at ang magiging anak namin.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora