KABANATA 30 : Pagdadalang tao

282 6 0
                                    

Masayang masaya kami ni Zach dahil tuluyan ng nalaman at natanggap ng magulang ko ang relasyon namin bilang mag-asawa.Madali din nakuha ang loob ng mga magulang ko ng Mommy at kapatid ni Zach at si Mama ay tila nagiging malapit na sa Mom ni Zach.

Ang iniisip ko lang ay paano kung bumalik na kami ni Zach sa kaharian baka hindi ako matiis ni Mama.Kinakailangan din namin magsinungaling kapag sasama ako kay Zach sa kaharian niya.Patago parin sa mga magulang ko ang tunay na pagkatao ng pamilyang Montello at wala dapat silang malaman tungkol do'n.

" Diba malapit na tayong bumalik sa kaharian, anong sasabihin ko sa mga magulang ko kapag umalis na tayo? " usisa ko kay Zach habang  nakahiga siya sa kama at ang kaniyang ulo ay nasa hita ko.Nagpatuloy ako sa pagsuklay sa malambot niyang buhok gamit ang mga daliri ko.

" Basta Zach hindi mo ako pwedeng iwan dito. Kapag umalis ka ng hindi ako kasama magagalit talaga ako " mahina pa siyang natawa sa sinabi ko.Peru seryuso ayaw kong mahiwalay sa kaniya kahit saang lupapalop pa siya ng mundo mapadpad okay lang iyon basta kasama niya ako.

" I don't want to keep a secret from your parents but I have no choice " namamaos niyang sambit at nagtaas ng tingin sa'kin.Hindi ko naman maiwasang malungkot bago ko hinaplos ang pisngi niya.Parang  mahirap parin ang sitwasyon namin dahil sa lahi nila, paano kung malaman iyon ng mga magulang ko? Ano na ang mangyayari?

" I will just tell them that I will accompany you on my business trip to another country " aniya at maliit na ngumiti sa'kin.Peru good idea narin iyon para maniwala naman ang mga magulang ko lalo pa't CEO siya at palaging may business trip sa ibang lugar.Iyon nalang ang palagi namin sasabihin sa tuwing pupunta kami sa kaharian niya.

" Excited na akong bumalik sa kaharian, ikaw ang CEO sa kompanya mo hindi ba sila maghahanap sayo? Paano kung kailangan ka sa meeting? " tanong ko bago niya itinagilid ang ulo niya paharap sa tyan ko.Natigilan ako nang haplusin niya ang manipis kong tyan at hinalikan iyon.May kung ano akong naramdaman nang tumingin siya sa'kin. " Si Mom ang nag-aasikaso ng lahat" aniya ay yumakap ang braso sa bewang ko.

" S-sandali lang Zach..." tumayo ako at tumakbo sa bathroom para sumuka nang maramdaman ang pagbaliktad ng sikmura ko. Nandito kami ngayon sa mansion nila mabuti nalang dahil pumayag sina Mama at Papa na magstay ako dito.Bibisitahin ko nalang sila ng madalas para hindi sila mag-aalala sa'kin.

" You are always vomiting. I wonder what is happening to you " matagal niya akong pinagmasdan na parang sinusuri niya ako peru kalaunan ay malawak na ngumiti at maingat akong binuhat. " Gusto kong kumain ng mangga, may mangga ba sa baba? " ngiting tanong ko habang nakapulupot ang braso ko sa leeg niya.

" Lahat ng prutas binili ko, let's go? " tumango ako hanggang sa dalhin niya ako sa baba. Natatakam ako nang makita ang sariwang prutas na nakalagay sa loob ng isang basket. Halos tumulo narin ang laway ko habang nakatingin sa mga prutas na nasa harapan ko."Ang dami naman nito " sambit ko at kumuha ng grapes at deneritso sa bibig ko.

" Para sayo yan lahat " usal ni Zach at hinalikan ako sa pisngi.  Pinagbabalatan niya ako ng prutas nang biglang tawagin siya ni Mang Isko. " I'll be back wait me here " tumango ako at nagpatuloy na nilantakan ang mga prutas.Kumuha ako ng saging at binalatan iyon nang makita ko ang Inang Reyna na papalapit sa gawi ko.

" Hija okay na ba ang pakiramdam mo? " nag-aalalang tanong nito bago umupo sa tabi ko at nakangiting pinagmasdan ako.Kanina kasi habang kumakain kami bigla akong inatake ng pagkahilo peru ngayon okay na ako. " Okay na po ako, si Shiena po? " magalang kong tanong.

" Nasa meeting siya ngayon.Hindi muna ako pumasok sa kompanya gusto kong bantayan ka dito kahit nandito ang asawa mo " tumango ako at kumagat ng saging na hawak ko.Ang kaniyang mata ay tila kinakabisado ako bago niya inilagay ang kaniyang palad sa tyan ko.Natigilan naman ako sa ginawa niya at tiningnan na tila pinapakiramdaman niya ang tyan ko.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now