KABANATA 49 : Panganib?

176 4 0
                                    

Nakalimutan ni Zach na pagtuunan muna ng pansin ang sarili niya, halatang namumutla na ang mukha niya ni ang kumain ay wala.

Matapos malaman ang maaaring lunas para sa lason ng kaniyang asawa ay umuwi ulit siya sa kaharian at nagkaroon ng pagpupulong kasama ang mga pinunong babaylan maging ang Inang Reyna at ang babaeng propeta.

" Kung 'yon ang makakatulong para madaling lumambot ang puso ng Reyna kailangan makuha na ang tagapagmana ng Hari." usal ng pinunong babaylan na sinang-ayunan nilang lahat.Si Zach ay hindi narin makapaghintay na makita ang dalawa niyang pinakamamahal na anak.

" Sa ngayon matigas ang puso ng Reyna at marahil galit siya sa Hari.Kaya nararapat lang na makuha na ang kambal para hindi mahirapan ang Hari sa kaniyang gagawin." usal ng babaeng propeta bago tumingin kay Zach.

Matapos ang pagpupulong hindi hinayaan ng Inang Reyna na may mangyari sa anak na si Zach, sobrang matigas ang ulo nito at gustong hanapin kaagad ang anak niya kahit halata ang pagod sa mukha niya.

" Paano nalang kung may mangyaring masama sayo? Kumain kana muna walang may gusto na magkasakit ka.Maging si Anabelle kung wala lang lason sa katawan niya paniguradong aawayin ka no'n. " napabuntong hininga nalang si Zach. " I don't want, Mom." akmang aalis si Zach nang hilahin siya ng Inang Reyna.

" Dalawang araw at gabi wala kang kain.Walang pahinga.Balak mo bang patayin ang sarili mo ha? Paano ang kambal at si Anabelle? " napailing-iling si Zach dahil sa itinuran ng Ina. " Mom, do you think mamamatay ako? Mahirap mamatay ang katulad ko." napangiwi pa ang Inang Reyna hanggang sa huli ay ang Inang Reyna parin ang nasunod.

Matapos kumain ni Zach ay nakatulog narin ito ng mahimbing sa dating kwarto ni Anabelle.Pasekretong may nakalagay na pampatulog sa pagkain kaya madali lang din itong nakatulog.Alam ng Inang Reyna na aalis si Zach matapos kumain mabuti nalang epektibo ang pampatulog na ginawa ng mga pinunong babaylan.

Kinaumagahan ay nagising si Zach at mabilis na napabangon.Napamura pa siya dahil kung hindi lang siya nakatulog hahanapin na niya ang dalawang kambal ngunit matalino ang kaniyang Ina at hindi niya napansin ang nakahalong pampatulog sa pagkain niya.Aminadong ramdam niya ang kaginhawaan at sa mukha nito ay hindi na halata ang pagod at pangingitim ng ibabang mata niya.

Kagustuhan ng mga pinunong babaylan at babaeng propeta na magpahinga muna ang Hari kaya plinano nilang patulugin ito.Naligo muna sa talon sina Zach kasama sina Drake at Rey bago niya napagpasyahang puntahan sa kwarto ang asawa.Pagkapasok sa kwarto nila ay siyang pagbungad ng dalawang babaeng nagbabantay at nag-aalaga sa mahal na Reyna.

" Magandang umaga, mahal na Hari." bati ng dalawa at bahagyang yumuko.Binalingan ni Zach ang kaniyang asawa na nakatalikod ng higa sa kaniya.Si Anabelle na gising ay nagpanggap na tulog. " Kumusta ang pakiramdam niya? " mababa ang boses na naitanong ng Hari.

" Kanina lang bumaba ang lagnat niya, mahal na Hari. Hindi niya pa nagagalaw ng maayos ang katawan niya." si Zach ay hindi parin maiwasang sisihin ang sarili bago siya lumapit at umupo sa gilid ng kama. " I'm sorry..." iba ang pakiramdam ni Zach habang sinasabi iyon.Tila wala siyang masabi sa asawa kundi ang katagang iyon.

" Mahal na Hari, pinapatawag ka ng mga pinunong babaylan." natigilan si Zach nang marinig ang sinabi ni Mike.Ayaw pa sana niyang iwan ang asawa sa kwarto peru kailangan.  " I know you're mad at me, nawala ako sa sarili.I need to go, wife I'll be back." alam ni Zach na gising asawa.Napabuntong hininga nalang ang Hari at saglit na hinalikan ang ulo ni Anabelle bago siya umalis sa loob ng kwarto.

" Kailangan narin puntahan ang dalawang mag-asawa, sasama ako at ang Inang Reyna." tumango lang si Zach at pagkatapos no'n ay nilisan narin nila ang kaharian.Sabik na sabik na si Zach na makita ang anak nila ni Anabelle, sabik na niyang yakapin ito at mahalikan.Bagamat kumalat sa buong kaharian ang balita tungkol sa dalawang kambal, sa wakas ay makakauwi na ang kambal.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now