KABANATA 57: Kompetensya

199 6 0
                                    

WARNING: Slight spg.

Nagising ako kinaumagahan at ramdam ang mabigat na braso na nakapataong sa tyan ko.I patted Zach's face and couldn't help but to smile.

" Hmmm." nang dahil sa pagtapik ko sa mukha mahinang halinghing ang kumawala sa bibig niya at marahan na gumalaw.

'𝐌𝐚𝐫𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐧𝐚𝐥𝐚𝐬𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐠𝐚𝐛𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 '𝐭𝐨.𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐠𝐮𝐰𝐚𝐩𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 '𝐭𝐨?' Kinagat ko ang labi ko dahil kasabay ng mahina niyang paggalaw ay siyang pagsubsob ng mukha niya sa leeg ko at mas lalo akong hinapit papalapit sa kaniya.Ang malaki niyang braso ay tila ahas na pumulupot sa bewang ko.

" Hello, mag-aalaga pa ako sa kambal." pagpaparinig ko ngunit halinghing lang din ang narinig ko at bahagya pang humimas sa sentido niya.Napabuntong hininga ako at sinubukang silipin ang mukha niya ngunit dahil nakatago iyon sa leeg ko ay hindi ko man lang magawang silipin siya.

" Hmm masakit ba ang ulo mo? " naramdaman ko ang paggalaw ng ulo niya senyales na tumango siya bilang sagot. '𝐌𝐮𝐤𝐡𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚p𝐚𝐝𝐚𝐦𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐧o𝐦 𝐧𝐢𝐭𝐨.' Inangat ko ang isa kong kamay at marahan na hinimas ang ulo niya hanggang sa gumalaw iyon at malaya ko ng mahawakan ang sentido niya, sa parteng iyon ay hinimas ko para mabawasan kahit papaano ang iniinda niyang sakit.

Nakapikit parin ang kaniyang mata nang masilip ko iyon, hindi narin muna ako nagtangkang bumangon para iwan siya dahil tulog pa naman ang mga bata.Sa kalagayan niya ngayon ay kailangan niyang uminom ng gamot, bakit ba kasi uminom pa siya?

Kilala ko ang dalawang iyon solid iyon pagdating sa alak.Madalas ngang nagkokompetensya sina Papa at Kuya tapos dinamay pa talaga ang asawa ko, si Zach mas sanay siyang uminom ng dugo dahil iyon ang dahilan ng lakas na mayroon ang bampira.

Ilang minuto kung hinimas ang sentido niya bago ko napagpasyahang bumangon peru pumigil ang braso niyang nakapalibot sa bewang ko.

" Where are you going? "

" Kukuha lang po ako ng gamot mahal na Hari." dahil sa katagang iyon ay bahagyang bumukas ang mapupungay niyang mata.Base sa reaksyon ay nasasaktan parin siya bago marahang tumango.Saglit ko munang sinilip ang dalawang kambal sa crib nila at napagtantong mahimbing parin silang natutulog.

Diretso na akong lumabas sa kwarto dahil wala namang gamot dito at maghihingi nalang ako kay Kuya baka mayroon siya.Hindi pa ako tuluyang nakakababa nang makasalubong ko si Kuya na aktong papunta din sa taas.

" Good morning, Princess."

Nagcross arm ako at mataray siyang tiningnan. " Kuya malaki na ako at may asawa't mga anak, Princess mo parin ako?" mahinang napatawa si Kuya at nang makalapit ay bahagyang ginulo ang buhok ko.

" Walang magbabago bunso, Prinsesa ka parin namin kahit magka-apo kana. " At dahil do'n ay tumawa siya, naasar na tumingin ako bago ngumuso. Ganito talaga si Kuya sa'kin hindi ko lang alam kung nagbago na siya sa pakikitungo niya sa ibang tao kasi sa totoo lang  napakaseryuso niyang tao, malamig makipagkomunikasyon.

" Oh, huwag kanang ngumuso, Princess."

I rolled my eyes. " Saan mo balak pumunta, Kuya?" umayos siya ng tayo at may kinuha sa bulsa niya, hinintay ko kung ano iyon hanggang sa ilahad niya sa'kin ang gamot.Tiningnan ko iyon hanggang sa tingnan ko siya sa mukha.

" Alam kong nagkaroon ng hangover ang asawa mo, pasensiya kana bunso sinubukan ko si Zach kung kaya niya kaming talunin peru- "

" Sabi ko na nga ba Kuya eh." biglang angal ko. Nakapamewang kong tiningnan si Kuya at base sa reaksyon ni Kuya ay para siyang takot na bata na pinagalitan ng Nanay niya.Solid naman kasi sila pagdating sa inuman malay ko bang kung ganon din si Zach dahil ang madalas na iniinom ng isang iyon ay dugo, malamang bampira iyon.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now