KABANATA 53: Pag-amin

285 6 0
                                    

" Are you really okay? Do you still have a headache?" marahan na bumangon si Anabelle sa kama bago tumingin kay Zach na napupuno ng pag-aalala ang kaniyang mukha. " O-okay na ako.Huwag kang mag-alala." malamig ang naging tugon ni Anabelle.

" Ang kambal? "

" They are not here, do you want to see them? Pwede ko silang kunin sa Lola nila." ngiting suhestiyon ni Zach na inilingan ni Anabelle at tiningnan siya sa mukha. "Huwag muna seguro, hayaan muna natin na makasama ng Inang Reyna ang dalawang kambal." mahinahong usal ni Anabelle at mariing ipinikit ang mata.

Hindi nakatakas kay Zach ang makaramdam ng awa dahil alam niya na nagtitiis lang si Anabelle sa sakit na biglang aatake sa Reyna. " Nagluto ako ng pagkain para sayo." sa boses ni Zach napupuno iyon ng paglalambing, si Anabelle ay marahan na idinilat ang mata.

" Are you hungry? "

Marahan ang pagtango ni Anabelle na ikinangiti ni Zach bago siya bumaba sa kama at inabot sa maliit na lamesa ang isang tray ng pagkain. Marahil nasanay narin si Anabelle sa inaakto ni Zach ngayon maging sa pagsubo ng pagkain ay inaasahan na ni Anabelle na gagawin iyon ni Zach.

" Wala ka bang gagawin ngayon? Kaya ko naman pakainin ang sarili ko."

" Ang goal ko ngayon ay alagaan ang mahal kong asawa. " ani ni Zach at malawak na ngumiti kay Anabelle, tumango-tango si Anabelle kay Zach at hindi maiwasang pagmasdan kung papaano siya nito alagaan ng mabuti, noong nakaraang araw napapansin na ng Reyna kung papaano siya alagaan ni Zach at kung papaano mas lalong naging malambing ito sa kaniya.

Nang maalala ni Anabelle iyon ay hindi naalis ang pagguhit ng ngiti sa labi niya ngunit mabilis lang din naglaho nang mapasulyap sa kaniya ng tingin si Zach, ang Reyna ay tumikhim at ibinalik ang kaninang seryusong mukha. " Alam ko ang plano mo.." biglang sambit ni Anabelle.

Naguguluhan at nakakunot naman ang noo ni Zach nang lumingon siya sa asawa. " What are you talking about, wife? " maang na naitanong ni Zach dahilan kaya pagak na napatawa si Anabelle at seryusong tumingin sa mga mata ni Zach. " May asawa ako at si Arkuz iyon. Plano mong paibigin ako hindi ba? "

" Yeah, that's my plan. "

" Hindi ka magtatagumpay, Zach." sa narinig nakaramdam ng lungkot si Zach ngunit hindi niya ipinakita na naapektohan siya bagkos ngumiti siya at hinaplos ang kamay ng Reyna. " Let see...hmm?" saglit na tinitigan ni Zach ang asawa na nakatitig din sa kaniya,  peru nakikita ni Zach na may kahulugan ang bawat tingin na iyon kahit pa tudo deny ang Reyna sa nararamdaman niya.

" Bakit kailangan mong pigilan ang puso mo?" napaiwas kaagad si Anabelle at hindi na magawang tumingin kay Zach na nakangiti ngayon sa kaniya ng sobrang tamis.Kahit halata na ay ayaw parin niyang umamin dahil sa isip niya hindi niya lolokohin ang nakilalang asawa na si Arkuz.

" Admit it wife.." nang-aasar na tumingin si Zach sa asawa. Umiiling-iling si Anabelle at tudo iwas sa mapang-asar na titig sa kaniya ng Hari. " Admit it...Hmmm? "

" Anong aaminin ko, ha? "

" Na mahal mo ako- " mabilis na sinubuan ni Anabelle ng pagkain ang bibig ni Zach. " Ang ingay mo kumain kana lang okay?" bagkos ay napatawa si Zach at nginuya nalang ang pagkain ngunit ang nakakaasar na tingin ay ayaw niyang tantanan ang asawa.Halata narin ang inis sa mukha ng Reyna at inirapan si Zach habang kumakain sila.

Ang pusong nagmamahal ay mahirap pigilan, kung kaya't kahit anong pigil ay pagmamahal parin ang mananaig, bawat segundong lumilipas, bawat oras ay puro panliligaw ang ginagawa ni Zach at paglalambing sa Reyna.Abala si Anabelle sa pagpapatulog sa anak nang maisipan niyang lumabas sa kwarto, naroon naman ang isang babae na tagabantay sa mga anak niya.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now