KABANATA 64: Pagsuko?

204 7 0
                                    

Parang ayaw ko nalang lumapit kay Zach.Hindi ko maramdaman ang katawan ko sa sobrang panginginig.Paulit-ulit kong hiniling  na sana panaginip na lang ang lahat. Na sana wala itong katotohanan.

" Mahal na Reyna a-ayaw mo bang makita ang mahal na Hari? " muli kong naramdaman ang mainit na likido sa mata ko.Kailan pa ako titigil sa kakaiyak ? Gusto kong makita si Zach peru hindi sa ganitong paraan.Ayaw ko ng ganito.Pinakaayaw ko.

Tulala lamang ako.Para akong mababaliw habang nakikitang iniiyakan ng Inang Reyna at si Shiena ang asawa ko.Parang ayaw ko paring maniwala na wala na ang Hari.Mababaliw ako nito para akong mawawala sa katinuan.

Gusto kong makita si Zach at hindi sa ganitong paraan, gusto ko siyang makita na buhay siya, gusto ko siyang makita na nakatayo siya sa harapan ko at bigla niya akong yayakapin at hahagkan ang labi ko, iyon ang gusto kong mangyari, hindi ganito ang gusto ko na lalapit sa kaniya habang nakikitang wala na siyang buhay.

Bumalik narin sa normal ang kapaligiran at ang kalangitan ay bumalik sa dati niyang anyo maging ang maliwanag na buwan."Anabelle?" naiiyak na kinaway ako ni Shiena para sana lumapit sa katawan ni Zach peru ang tanong kaya ko nga ba?

Kaya ko nga bang makita siyang wala ng buhay? Napahagulgol ako habang nakatakip ang dalawa kong palad sa bibig ko.Ang sakit sakit na maiwan, hindi pa talaga kasi ako handa na iwan niya kami.Parang gusto ko naring mawala ngunit nandito pa naman ang mga anak namin.

Binigyan nila ako ng daan nang maglakad ako papalapit kay Zach.Mas lalong bumaha ang luha ko.Balde-baldeng luha ang kumawala sa mata ko at muntik ng bumagsak dahil sa totoo lang nangangatog ang tuhod nanginginig ang katawan ko mabuti na lamang inalalayan ako ni Rey.

Sobrang linis ng mukha niya, hindi nababahiran dugo, at ang katawan niya ay parang wala man lang dugo,  malinis ang sugat sa katawan niya peru batid kong malaki iyon.Huminga ako ng malalim sinubukan kong kumalma peru hindi ko magawa.Parang ang sikip sa dibdib ni ang huminga ay nahihirapan ako.

" Z-Zach...Diba n-nangako k-ka." napahagulgol ako at mabilis siyang niyakap na ikinasinghap nina Rey at Drake." Naniwala ako sa p-pangako mo.Pinanghawakan ko ang s-sinabi mo k-kasi ang a-akala ko h-hindi mo ako bibiguin.A-akala ko b-babalik kang b-buhay. B-bakit naman ganito Z-Zach?!"

" Anabelle.." naiiyak na binanggit ni Shiena ang pangalan ko at niyakap ako habang nakayakap ako sa Kuya niya. " N-niloko mo ako.N-nangako ka Zach na hindi mo kami iiwan.Na babalik ka at makakasama ka namin ng k-kambal n-natin p-peru b-bakit i-iniwan mo p-parin kami ng m-mga anak mo.Ahhhh b-bakit?! " mas lalong lumakas ang hikbi ko.

Niyugyog ko ang katawan niya. " P-please gumising ka Zach...mahal na mahal kita h-hindi ko kaya.P-please gumising ka.Paano ako? Paano kami ng mga anak m-mo? ZACH!!! " gusto kong magwala ngayon.Gusto ko siyang mabuhay muli.May paraan pa kaya?

"ZACH NAMAN!" puno ng simpatiya akong niyakap ni Valerie habang umiiyak, " G-gising na Z-zach." hinaplos ko ang mukha niya at marahang hinalikan siya sa labi, ramdam ko ang malambot niyang labi peru sobrang lamig na no'n." Z-Zach..." nanghihina ko siyang tiningnan.

" G-gumising ka, p-please- " bigla ay hindi ko na maramdaman ang katawan ko at bigla na lang din akong bumagsak, nanlalambot ang buto ko sa katawan peru mas lamang ang sakit at pamamanhid ng puso ko. "A-Anabelle? " sigaw nila sa pangalan ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
------

Nagising ako nang may maramdaman akong maliit na palad na nakahawak sa mukha ko,dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at agad na bumulagta ang nakangiting mukha ng dalawang kambal sa tabi ko. Sobrang saya ng mukha nila na ngayon ko lang din nakita.

Malungkot akong ngumiti at isa-isa silang niyakap.Parang kaharap ko lang din ang Ama nila.Kumirot na naman ang puso ko at hindi namalayan ang pagbagsak ng luha sa mata ko.Sana hindi totoong patay si Zach.Naaawa ako sa mga anak ko, lalaki silang walang Ama, pansamantala lang nilang naranasan ang  pagiging Ama ni Zach tapos sanggol pa sila.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now