KABANATA 65: Mapalad

465 12 0
                                    

Napahikab ako ng malakas habang binabantayan ang gising na kambal.

Kailan pa sila matutulog? Napailing na lamang ako."Anong oras na, oh? Inaantok na ang Mommy." ngumiti lang ang dalawa na ikinangiti ko rin, nakakadala talaga ang mga ngiti nila.

" Why are you still awake?" dahil sa malambing na boses automatikong napalingon ako banda sa bathroom at nakitang kakalabas lang ni Zach galing sa loob. " Eh kasi naman ayaw matulog ng dalawang kambal." rason ko at muling napahikab.

"Don't worry ako ang bahala." aniya at lumapit sa'kin, saglit pa niya akong ninakawan ng halik dahilan kaya napanguso ako.

" Anong gagawin mo?" kinuha niya ang dalawa at inilagay sa magkabilang bisig niya."Patutulugin ko, para makatulog na din ang Mommy." Palihim akong napangiti sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit nahihirapan akong patulugin ang dalawa samantala si Zach ang dali lang sa kaniya, tapos kapag dumadating sa punto na umiiyak silang dalawa si Zach lang din ang nagpapatahan sa kanila sa madaling paraan.

" Good night." sambit ko at inayos ang kumot sa katawan.

" You don't even have a good night kiss? " I opened my eyes and looked at Zach's handsome face. " Eh kailangan ba iyon?" mahina siyang tumawa at tumango-tango.Muli akong bumangon para mahalikan siya at ang mga bata." Okay na? " ngiting tanong ko.

" Yeah.I love you."

" I love you too." reply ko at muling nahiga, ilang segundo ko lang hinintay ay tuluyan na akong nakatulog.Sa kalagitnaan ng gabi nagising ako nang dahil sa kakaibang pakiramdam na parang nanunuyo na naman ang lalamunan ko.Pagbaling ko sa gilid ay mahimbing narin ang tulog ni Zach at ang mga kambal ay ganon din.

Nagmadali kong tinungo ang kusina at kinuha ang dugo na nakalagay sa bottle, sobrang sarap sa pakiramdam ng mainom ko ang likido na iyon dahil tila bumalik ang lakas ko. Muli akong bumalik sa kwarto at sinilip ang dalawa na mahimbing narin ang pagtulog, ikaw na talaga Zach.

Napangiti ako habang papalapit kay Zach na bahagya pang humihilik, pinakatitigan ko ang guwapo nitong mukha na hindi nakakasawa.Kahit saan anggulo ang guwapo niya paring tingnan.Sobrang sarap ng tulog niya kaya nahiga narin ako sa tabi niya at mahigpit siyang niyakap.

Bigla nalang sumagi sa isip ko ang mga nangyari, ang nangyaring dilubyo na kung saan doon sa pangyayaring iyon ay binawiin siya ng buhay na ang akala ko ay wala na talaga siya.Peru nagkamali ako.Lahat kami ay nagkamali dahil may pagkakataon pa pala.

Sobrang swerte ko na hindi niya kami iniwan nagpapasalamat ako sa diyos dahil hindi muna niya kinuha ang asawa ko.Buong akala ko katapusan na ng mga bampira peru hindi, dahil matapos naming napagtagumpayan na buhayin ang Hari ay may pagkakataon din pala na muling mabuhay ang mga namayapang bampira sa paraan ng matandang babae na tagapagbantay ng kagubatan na may higit na alam sa mga kakaibang mahika.

Ngayon kabilang na ako sa mga bampira.Katulad narin ako nina Zach at ang mga bata.Kailanman ay hindi ko sinisi si Zach kung bakit kailangan pa niya akong gawing bampira, nagpapasalamat ako dahil sa kabila pala ng pagiging bampira ko ay may maililigtas akong buhay ng tao.Buhay ng mahal ko, buhay ng Ama ng mga anak ko.

" Mahal na mahal kita, Zach." naibulong ko habang nakatingin sa guwapo niyang mukha at hinaplos-haplos iyon.At ngayon nakamit na nga namin ang kapayapaan, ang bawat bampirang gusto ding mamuhay na parang normal na tao ay tuluyang nagtagumpay.

Ang mga bampirang sawa ng manirahan sa kagubatan ay malaya naring namuhay sa syudad.Ang mga bampirang sawa na sa pakikipaglaban ngayon ay magiging mapayapa na ang buhay nila.Kapayapaan at katahimikan ay nakamit ng bawat bampira at ngayon malaya na sila, wala ng lobong sakim.Wala na ang mga kaaway.

THE DANGEROUS VAMPIRE DESIRES(COMPLETED)Where stories live. Discover now