"And she accused you?"

Tumango ako sa tanong ni Papa. "Oo, muntik pa nga ako unang malaglag dahil sa pagkakahila niya sa akin, mabuti na lang ay napahawak ako sa railing. Tapos ang dami-dami niyang sinasabi bago itulak ang sarili pababa sa hagdan."

"Baliw..." Comment ni mama.

"True," sang-ayon ko. "Kaso lakas ng amats ng kaibigan niya, kinampihan si Iris kahit alam naman ang totoo."

Sarap talaga nilang pagbuhulin.

"Wait, Iris? You mean your brother's friend?" Tanong ulit ni Papa.

"Oo, may galit siya sa akin kahit wala naman akong ginagawa noong una. Pumapasok lang naman ako ng matino tapos lalapit-lapit para lang magsimula ng gulo. Nakakaasar." Kinain ko ang pancake.

"Hindi naman pala ikaw ang may gawa, bakit ikaw ang pinarusahan?" Tanong ni Mama.

"Eh, masyadong sinungaling kaibigan ng Iris na 'yon, e. Hindi nila sinabi ang totoo kahit alam naman nila," sagot ko. "Three week suspension pero kapag lumabas na wala akong kasalanan, mawawala 'yon. Makakapasok na ulit ako."

"Wala man lang ba CCTV doon?" Tanong ulit ni Mama.

Nag-shrugged ako. "Ewan, hindi ko sigurado kung mayroon. Pero let it go na lang."

"Let it go?" .

"Oo, hayaan," sabi ko.

Let it go... Let it go ni Queen Elsa.

"Paano mawawala ang suspension mo kung wala kang gagawin? Someone accused you, Lin. Nadamay ka."

"Wala akong ginagawa pero sila mayroon." Binuksan ko ulit ang TV para manood.

Gusto ko let it go-ay, Frozen pala 'yon.

"It is Nix and the others?" Si Mama.

"Oo, hindi ko nga alam kung ano. Ang dami nga yata nilang side line, e. Tingnan mo, bukas abogado na ang mga 'yan."

Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin nila! Ang alam ko lang ay ang aalamin nila ang totoo, 'yon lang.

"Then, maybe tomorrow you'll back in School." Maayos na tumayo si Papa. "Nix has his own way."

Angas, may own way ang gago.

One way kaya 'yon? O two way?

Pero gusto ko na talagang pumasok ulit. Minsan na nga lang ganahan, sinuspinde pa.

Akala ko magtatanong pa sila about do'n pero hindi na. Ang alis nila ay bandang twelve, sa resto na lang raw sila kakain for lunch kaya hindi nagluto ang mga helpers. Paano naman ako? Wala akong kakainin pang-lunch. Parang hindi pamilya, ayaw ako lutuan.

"Lin, you wanna come with us?" Tanong ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

Yes! Akala ko hindi nila ako yayayain.

"Syempre naman," sagot ko.

"Okay, then change your clothes. We'll leave after you finish." Nakarinig ako ng takong ng sapatos ni Mama na papalayo.

Bakit kaya ang englishera ng pamilya ko? Marunong naman akong mag-english speaking noong bata ako, araw-araw pa nga, e. Nabagok yata ang ulo ko at bumaliktad kaya nag-iba.

Dapat mag-riripped jeans at simpleng blouse lang ang isusuot ko pero si Mama pumasok sa kwarto ko at nagbigay ng isang paper bag, ang nasa loob no'n ay maroon fitted dress with puff sleeve.

Gustong-gusto yata ni mama na nagsusuot ng mga pang-sexy. Nag-flat sandals lang din ako. Nang matapos ako sa pagbibihis, kinuhanan ko ng picture ang sarili ko. Nagmirror shot ako tapos sinend ko kay Phoenix.

The Girl in Worst Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon