Chapter 132

16.5K 403 77
                                    

Chapter 132: Mafia War

Natupad ang gusto ko sa araw ng birthday namin ni Darius. Kami-kami lang at malalapit na kaibigan. Sina Lolo, hindi makakarating dahil maraming inaasikaso pero susubukan daw nila na humabol para makasama sa birthday naming ng kapatid ko.

Iyong mga pinsan ko sure akong dadalo dahil yari sila sa akin kapag hindi talaga sila dumalo. Kailangan kasama sila dahil isa sila sa naging part ng aking life. At saka kailangan talaga nandoon sila!

Maayos naman ang lahat. We decided na sa isang secured building gagawin para walang makapasok. Nasa may mansion pa kaming lahat nila Papa dahil mamaya pang gabi ang start. Ala-una palang ng hapon, masyado pang maaga.

Kanina pa ako nandito sa taas at hindi maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Parang may iba. Kingina, patapusin sana ang birthday namin ni Darius... is speaking of Darius. Nasaan 'yon?

Kanina ko pa 'yon hindi nakikita, ah? Saan na naman kaya 'yon nagsuot? Alam na mahalaga ang araw na 'to tapos ngayon pala talaga siya nawala!

Tumayo ako para hanapin siya sa buong mansion. Pati sina Mama... ang sabi niya may bibisitahin lang siya na kaibigan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakabalik.

At sure rin akong nandito lang ang kapatid ko ngayon. At isa pa, kanya-kanyang greet ng mga friends ko sa akin ng happy birthday same with Darius. Pati si Phoenix... nag-greet rin sa akin kaninang exact 12:00. Ang saya pa nga kanina dahil talagang nagkalat sila sa harap ng bahay namin.

Mahimbing ang tulog ko pero panay ang bato ng kung ano sa bintana ko. Nakikita kong may tao kaya bumaba nalang ako. Nagtataka pa ako dahil bukas ang ilaw sa ibaba.

"HBD, p're!" Tinapik ni Gavin ang balikat ko nang bumungad sa akin ang sandamakmakna confetti.

Alas-dose na ng umaga at ito silang lahat... nasa harap ko at may kaniya-kaniyang cupcake with letters na happy birthday same with Darius.

"Nagkalat pa talaga kayo!" reklamo ni Darius.

"Ang arte mo, ikaw na nga sinurprise!" irap ni Zay. "Anyway, happy birthday, Darlene!"

May hawak pa silang gifts at balloons. Nandito rin sina Mama.

"Happy birthday, Darlene and Darius," ngumiti si Mama at hinalikan ako sa pisngi.

"HBD!" ang tipid naman ni Gael, ngumiti siya.

"Thank you!" ngumiti ako, na kay Phoenix ang paningin. "Ano 'yan?" tukoy ko sa hawak niya.

"Welcome, love," inakbayan niya ako. "Uh, this? It's my gift. Crystal flower." Binigay niya 'yon sa akin kaya nakita ko ng maayos.

Ang ganda! May initial pa na love ang crystal flower, nakalagay iyon sa box na parang galaxy ang style kaya mas lalong gumanda. I'll keep this!

Ang ganda ng gift niya! Hindi ko rin inakala na bibigyan ako ng regalo nina Trevor. Alam niyo ba kung ano 'yon? Kinumpleto lang naman nila ang petals ng flower, isa 'yong kwintas pero petal ang pendant at isa-isa sila para daw kumpleto ang petals.

Jusko, paano ko 'yon susuotin? Dapat pinag-isa nalang nila!

"Tita, Happy birthday!" Pumasok si Amir sa kwarto kaya napabalik ako sa ulirat ko.

Nakita kong sumunod naman si Ate Anya sa kaniya. Humalik siya sa pisngi ko bago may ibinigay sa akin.

"Happy Birthday, Darlene!" Ngumiti si Ate Anya. "Amir's gift," tinuro niya ang hawak ni Amir.

"Thank you!" Yumakap ako kay Amir.

"And my gift," nagbigay rin ng regalo si Ate Anya kaya niyakap ko rin siya.

The Girl in Worst Section (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz