Chapter 76

19.6K 483 68
                                    

Chapter 76: Unknown Number

Akala ko mabilis lang ang mangyayari na pictorial kaso hindi! Nauna ako para sa mga new clothing na sinasabi ni Rafael. At tama nga si Tricia dahil puro wedding dress 'yon at mga girl stuff.

"Smile kasi!" Sabi ni Rafael.

"Pucha, kanina pa ako ngumingiti! Ngalay na 'yong panga ko!" Inis na sabi ko.

Tumawa naman sila sa sinabi ko. Si Phoenix na nanonood lang sa akin, kanina pa siya nakatitig.

"Dali na, last na 'yan tapos 'yong sheath wedding dress naman," sabi ni Ms. Portia, 'yong secretary ng Mama ni Rafael.

Naka-spaghetti strap dress kasi ako! Tuwang-tuwa naman ang mga 'to na nahihirapan ako. Ang sakit na ng panga ko, kanina pa ako nakangiti minsan fierce. Tatlong oras na kami rito! Mag-aalas singko na ng hapon! Nakakain na naman kami ng lunch kanina kaso nakakapagod ang mga ganito.

"Hindi naman kasi ako model."

"Pinagtitripan ka nila, Darlene!" si Gianna.

"Tangina, nitong mga bwisit na 'to." Tumingin ako sa camera. "Sasapakin ko kayo, tangina niyo."

Puro pang-aasar silang lahat habang nagpi-picture kami rito hanggang sa matapos ay walang habas ang panti-trip nila. Iyong sinasabi naman ni Ms. Portia na sheath wedding dress na ang suot ko. Backless ang isang 'to. Nakaibang pony na rin ang buhok ko.

Kanina kasi, mukha akong sexy star. Kulot-kulot ang buhok ko at medyo basa tapos nakared lipstick pa ako. Fierce and smirked lang ang kailangan kong gawin no'n.

Ito naman simple lang.

"Pwede ka ng ikasal!" Kantyaw ni Andrei, hinagisan siya ni Darius ng plastic bottle. "Arte, ayaw pa, ipakasal ang kapatid niya."

"Fuck you," sagot ni Darius.

"Nix, pwede mo na siyang itakas. " Siniko ni Dash si Phoenix. "Kami ng bahala kay Darius."

"We'll lock him in a storage room," gatong ni Trevor.

"Gago, ihahagis ko kayo sa impyerno." Si Darius na may tinitingnan sa magazine.

"Okay, position!" Pumalakpak si Ms. Portia.

"Anong klaseng position? Kasi ang alam ko-" Binusalan ni Phoenix ng sandamakmak na lettuce ang bibig ni Gael.

"Nakakahiya, Gael! Itikom mo ang bibig mo!" Si Renz.

"Bakit? Kasi malay mo-"

"Lagyan ng sili ang kinginang bibig na 'yan," suggest ni Mavis.

Mukha akong ikakasal sa itsura ko. May pa flowers. Dapat mga nasa twenties ang kinuha nila para mag-model ng mga damit na 'to. Baka magtaka sila kung bakit eighteen ang nagmo-model.

Panay ang kantyaw nila kay Phoenix habang nagpi-picture kami rito. Kesyo, ikakasal na raw kami.

"Hindi na nila kailangan magpakasal dahil kasal na silang dalawa!"

Napatigil si Darius.

"Fake news ka, Finn." umirap ako.

"Nix, paano ba 'yan? Hindi niya maalala..." Rinig kong bulong ni Finn.

Nagsalubong ang kilay ko.

Ito na naman ba 'yong nalasing ako?! Iyong sinabi niyang dinala niya ako sa condo niya? Ano ba kasing ginawa ko? Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin 'yon. Ano ba kasing kagagahan ang ginawa ko?

Ayoko sa lahat 'yong nag-iisip ako.

Tumingin ako kay Phoenix pero ngumiti lang siya. Dapat talaga sa 'yo ibon ipangalan, e.

The Girl in Worst Section (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ