Chapter 94

17.5K 413 47
                                    

Chapter 94: Danger

Hindi kami nagkita ni Phoenix, through text and call lang ang communications namin. Inasikaso na niya ang Family niya. Ang sabi niya rin ay bibisitahin niya ulit ang parents niya sa cemetery kaso hapon pa kaya hindi kami magkikita dahil umaga kami aalis.

Ang mga pinsan ko nandito rin sa mansion, kasama ang mga Tito at Tita's ko. Nandito pa kami sa kwarto ko, kasama ko ang dalawa kong cousin na babae.

"What happened to you?" Puna ni Izzie kay Katherine.

"I'm going back to America after this," sambit ni Katherine.

Napaangat ako ng tingin. "Huh? 'Di ba ang sabi mo ay mananatili ka na rito para sa boyfriend mo?"

Napabuga siya ng hangin. "Well, I changed my plans. Also, we broke up," bakas ang sakit at lungkot sa boses niya.

Nagulat naman ako. "Hala, bakit? Ano'ng nangyari?"

"It won't work. It never work, so I decided just to ended it. Mas mabuti nang masaktan ako dahil sa hiwalayan instead na masaktan ako dahil sa mga possible niyang gawin habang kami pa."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. E, kasi naman, sis, boyfriend niya pala 'yong may kasamang babae at halos maglingkisan sa harapan namin. Iyong Levi na 'yon?

"Also, he said that we're not in a happy relationship anymore and he said he's not happy so... I broke up with him. Ano ang point ng relationship namin if he's not happy?"

Napatango naman kami sa sagot niya.

At dahil nga broken hearted ang Katherine niyo, nawalan siya nang gana makisama rito sa bahay. Nasa kwarto ko lang siya at nanonood ng mga magagandang movies, hinayaan ko siya para mawala ang dumadaloy sa dibdib niya.

Binisita lang namin ang mga patay sa cemetery, syempre 'yong kamag-anak lang namin.

"Tingnan mo, Darius. Magkakasunod-sunod lang namatay ang pamilyang 'to." Magkakasunod ng day pero 'yong month at year ay iisa.

"Baka may nangyaring tragedy sa kanila kaya ganiyan," si Axel ang nagsalita.

"Ito naman, namatay siya July 10, tapos pinanganak siya July 10?" Naguguluhang sinabi ko.

Siguro baby pa 'to?

"Kapag ako namatay-" Binato ni Tita Kaye si Kael ng bottled water. "Aray, Mama!"

"Stop your shit, Kael," saway ni Tita Kaye.

"Shit daw? Mamamatay naman talaga tayo!"

Nasa loob kami ng House Cemetery, may sofa nga rito, e, tapos may table sa loob. Kanina pa kami rito kaya nabo-bored na kaming lahat kahit may ginagawa naman kami.

Kakarating lang rin nila Reid, Kier, Devin, at Ethan. May pasa pa sa labi si Ethan.

"Gago, si Kuya nandito na!" Biglang tumayo si Kael dala-dala ang susi ng kotse. "I have to go." Dumaan sa likod si Kael.

Saan ang punta no'n?

"Kuya, what the fuck happened to your face?" Puna ni Katherine nang lumapit kay Ethan.

"Napaaway lang naman ang Kuya mo," si Devin.

"Ulol, nakipag-away ka rin. Nag-text si Reid sa akin kanina!" sabat ni Amari.

"Maka-ulol ka! Hoy, Amari, mas matanda ako sa 'yo." Masama ang tingin ni Devin sa kapatid.

"Yeah, like for three years, Kuya." Diniinan pa ni Amari ang word na 'Kuya'.

"So, what really happened?" Tanong ni Izzie.

"Where's Kael, first? I'm gonna kill that asshole." Nagkasa ng baril si Kier. "That fucker loves playing, huh?"

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now