Chapter 133

16.4K 390 67
                                    

Chapter 133: Tadhana

Hindi pa rin ako makapaniwala habang nakatingin sa kaibigan ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang may ginagawa siya. Tapos na akong umiyak, tama na siguro ang drama. Panay rin ang kurot ko sa katawan niya para masiguradong buhay nga siya.

"Aray!" kinurot ko siya sa braso. "Namumuro ka na sa akin, Michelle! Ang sakit, ha!"

"Sinisigurado ko lang na buhay ka."

"Buhay nga ako! Ang kulit mo naman." Kinasa niya ang baril ko. "Ang pangit ng baril mo. Walang design."

"Meron akong diamond gun. Nasa condo ni Phoenix," sabi ko. "Teka nga bakit ba hindi ka nagpakita agad? Alam mo bang nagmumukha akong tanga tuwing kausap ko ang tombstone mo? Tapos buhay ka pala," nakatingin ako sa kanya.

"Alam kong nagmumukha kang tanga. Alam mo bang tawang-tawa ako tuwing nakikita kitang kausap 'yon? Iyong pekeng libingan na 'yon." Tumawa pa nga ang gaga. "Like what the fuck, men? Hindi ako 'yon. Ang sarap mong panoorin lalo na 'yong bumisita ka? Rinig na rinig ko lahat ng sinabi mo!" Mas lalo siyang tumawa. "Tawang-tawa talaga ako sa'yo!"

Binatukan ko siya. "Langya, pinagmumukha mo naman kaming tanga kakaisip na sana hindi ka nawala."

Hindi niya pinansin ang sinabi ko.

"Lalo na 'yong bumisita ka sa Laguna? Kung nasaan ang bahay namin. 'Di ba nasa bathroom ka no'n? Nagtataka kung bakit panay bukas ang bintana? Ako nagbubukas no'n. Tangina, tawang-tawa ako sa reaction mo."

Akma kong babatukan siya ulit pero hinarang niya ang isang kamay ko. "Lagot ka sa parents mo kapag ito nalaman nila. Tapos ikaw pala ang tumatawag sa akin!"

Lumingon siya sa akin. "Alam nila Mommy 'to. Alam nilang buhay ako."

"Kingina... totoo?" Hindi makapaniwala na tanong ko at tumango naman siya. "Pero bakit hindi nila sinabi?"

"Dahil sa nangyari noon. I was comatose for one year and I can't even remember what happened. Nasa America kami ni Mommy. Hindi ko maalala lahat except sayo. May naalala ako pero malabo ang mukha pero babae. I was confused and curious. Hanggang sa sinabi ni Mommy sa akin na Darlene pala ang pangalan mo. May binigay pa nga siya na picture, simula nine years old hanggang sixteen... iyong mga pictures pala natin 'yon. Ikaw nga lang naalala ko lahat pero sina... Daddy hindi," sagot niya.

"Kailangan ko rin magpagaling para makabalik kami ng Pilipinas kasi miss na miss na kita... pero kailangan pa ng another year kaya last year lang kami nakabalik ng Pilipinas. I need to recover. Tangina, si kamatayan ba naman kalaban ko."

"Akala ko nasa impyerno ka na, Abi. Akala ko nagpaparty na kayo do'n. Akala ko sinusugo mo na rin ako," sabi ko.

"Akala ko nga rin ako na Reyna doon. Sayang," umiling-iling pa siya. "Saka nalaman ko din doon sa babae na may tangka sa buhay mo. Lakas din ng babaeng 'yon, sumunod sa akin, e, 'no? Ang galing. Halatang well-trained, alam lahat ng galaw ko."

Nangunot ang noo ko. "Sinong babae?"

"Ah... Amethyst pakilala niya, e."

Amethyst... Gianna?! May Amethyst si Gianna sa pangalan niya! Gianna Amethyst ang full name ni Gia!

"Lagi siyang nakasunod sa akin, naging kaibigan ko na nga, eh," sagot niya. "Pero angas rin ng boyfriend mo, e, 'no? Nalaman na buhay ako! Hindi ko nga alam kung sinabi ba ni Nix kay Darius."

Ano?! Bukod kay Gia pati ikaw Phoenix?!

Naningkit ang mata ko. "Ang lalaking 'yon?! Alam na buhay ka! Napaka nga naman! Hindi man lang sinabi sa akin! Atsaka iyong sinabi niya truth, e, nasa harap na ni Darius! Ito pala 'yon!" Yari ka sa akin, Velasquez.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now