Chapter 47

21.8K 600 95
                                    

Chapter 47: Mistress

Nasa gilid ako at nanonood lang habang nakapaligid kay Dash ang isang magandang Doctor. Halata rin sa mata niyang masaya siya dahil gising na si Dash. Lumuluha pa ang mata niyan kanina.

"You're finally awake, son," sabi ng babae.

Eh? Son? Anak niya si Dash? Kaya pala sobrang asikaso at may sarili pang kwarto na halos condo na ang dating nito, anak niya pala si Dash.

Hindi nagsalita si Dash at tulala lang.

Lumilipad na naman ang isip ko~

Biro lang. Kailangan niya pa munang mag-relax sandali. Baka masyadong napasobra ang tulog niya kaya siya ganyan. Nasanay siguro siyang hindi nagsasalita.

"I'll be back in a few." Lumingon ang babae kila Phoenix. "Stay with him, please?"

Tumango naman sila at gumawa ng daan para makalabas ang Doctor na Mama pala ni Dash. Tahimik pa rin sila, pinagmamasdan si Dash na diretso lang ang tingin. Nagmumukhang tanga 'yong mga kasama ko dahil panay ang bulungan ng kung ano.

"P're, ano ang nangyari kay Torres?" dinig kong tanong ni Harvey.

"Ewan, kayo ba alam niyo?" Tanong ni Renz at umiling naman silang lahat.

Tapos pinagtitripan pa ng palihim si Dash! Sapakin ko kaya ang mga 'to? Hindi na naawa sa bagong gising na tao. Masyadong epal, amp.

"Dude, do you want something?" Tanong ni Trevor.

"Do you want to eat?" Tanong naman ni ibon.

"Do you want to watch TV?"

"Do you want to rest?"

"Do you want to drink?"

"Do you want to watch porn—"

"Hayop! Putanginang bibig talaga 'yan, Gael!" Binatukan ni Harris si Gael na ngayon ay hawak-hawak ang batok.

"Alam mong may babae tapos salita-salita ka pa ng ganyan." Umirap si Finn. "Saka na lang kapag wala siya."

"Hindi naman babae si Darlene, huh?"

Lumipad ang sapatos ko kay Rafael. Tumawa siya at nag-peace sign.

"Do you want to—" Pinutol ko ang sasabihin ni Owen.

"Tanginang 'do you want' 'yan, hindi na natapos," napatingin naman sila sa akin kasama si Dash. "Halata namang ayaw niya mag-salita."

"Magsasalita 'yan, Darlene. Bigyan mo ng isang babaeng maganda, magsasalita 'yan," ngumisi si Gael.

Nag-taas ng gitnang daliri si Dash sa kaniya at masamang tinignan si Gael.

"Ay, magaling na talaga 'to! Namamakyu na, e!" tumawa si Harvey.

"Fuck you," mura ni Dash kaya nag-palakpakan ang mga putang ina.

"Yown! Magaling ka na nga talaga!" tawa ni Rafael.

"I want to rest," sabi ni Dash.

"Hindi pa ba sapat ang ilang linggo na nakahiga ka diyan? Gusto mo pa rin mag-rest?" Tanong ko at nahiga sa sofa. "Grabe, ah, 'buti 'di ka nababagot diyan. Ako nga, nakahiga lang sa bahay, boring na boring na."

"Kaya ka nga tumakas sa bahay niyo, 'di ba?" sarcastic na sabi ni Trevor.

"Hindi, ah." Inayos ko ang uniform ko dahil nalipad. "Wala kasi akong kausap doon. Nakakasawa ang pagmumukha ni Darius kaya ayoko siyang makita."

"E'di magpagawa ka ng kalaro."

"Ha?" Tanong ko kay Gael.

"Tangina talaga 'yang bibig mo. Tatapalan ko talaga ng tape 'yan," inis na sabi ni Harris kay Gael.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now