Chapter 81

16.8K 442 70
                                    

Chapter 81: Pushed

Kausap ko si Kuya sa cellphone habang nag-aayos ako ng uniform. Naiinis siya sa akin dahil dinala ko ang sasakyan niya kagabi. Parang isang sigaw niya lang ay lalabas na ang eardrums ko.

"[Darlene, I have a freaking meeting and you used my car?! Ano ang gagamitin ko?!-Don't shout at your sister nga, Drake-Okay, I'm sorry. I'm sorry, baby, ano ang gagamitin ko?]"

Muntik na akong tumawa. Tiklop pala si Kuya kay Ate Anya, eh.

"Maraming sasakyan d'yan, Kuya. Iyong kay Darius na lang ang hiramin mo tapos ihatid mo muna siya. Mindset ba mindset."

"[Okay, fine, nice suggestion. Umuwi ka dito mamaya, okay?]" Pinatong ko sa lamesa ang cellphone ko nang mawala ang tawag.

Uuwi naman talaga ako. Mas gusto ko lang talaga sa condo ni Phoenix.

May uniform iniwan rito. Iyong ginamit ko noong nandito kami. At infairness nilabhan niya ang uniform ko. Marunong naman pala mag-laba ang lalaking 'to, e.

Kakatapos lang namin mag-breakfast, siya ang nagluto kasi nagpa-plantsa ako ng uniform namin, e. Muntik pa ngang masunog dahil sa kaharutan niya.

Lumabas na ako dahil tapos na ako mag-ayos. Iyon lang, hindi ko dala ang bag ko kaya sinabi ko kay Darius na dalhin kung sakaling umalis na siya.

"Tara na, baka mahuli tayo."

Nag-angat siya ng tingin. "Ikaw lang naman ang hinihintay ko." Nilapitan niya ako. "Is your wound still hurts?"

"Hindi, parang kagat lang naman ng langgam 'to."

"Really? How many ants, then?" Tinaasan noya ako ng kilay.

Napairap ako, hindi na sumagot.

Niyaya ko na siyang lumabas. Nauubos na naman ang oras. Una akong pumunta sa labas at sumunod naman siya sa akin. Agaran ang pasok ko sa elevator habang nasa likod siya.

Sasakyan ulit ni Kuya ang gagamitin namin. Iniwan niya kasi ang sasakyan niya doon sa Hotel kaya ayan, wala siyang sasakyan.

"Hey, stop removing my hands to your thigh." Binaba niya ang kamay sa hita ko.

Kanina pa niya hawak ang hita ko at panay ang haplos minsan pinipisil. Namumula ang hita ko dahil sa kaniya. Ang iksi pa naman ng palda ko kaya nakikita. Hindi rin sira 'to, e. Palaging gano'n ang trip niya tuwing nasa sasakyan kaming dalawa.

"Tanggalin mo na kasi. Namumula ang hita ko dahil sa kamay mo!"

Lumabas ang mapaglaro na ngiti sa labi niya. "That's why I like to caress your thigh."

"Dami mong alam, Velasquez."

"Yeah, I know everything..."

Hindi ko na siya pinansin. Tumingin ako sa labas ng bintana.

Sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon. Sana naman hindi na maulit 'yon, at sana tigilan na ako ni Iris. Lakas ng trip, hilig niya ang gulo, e. Kung manti-trip man siya ngayon, iiwasan ko na lang para maiwasan ang maaaring trahedyang mangyayari.

Nang makarating kami sa parking lot ng School agad akong bumaba. Napatingin ako sa kanan nang makita sina Finn na papalapit sa amin. Sumunod sa akin si Phoenix at hinawakan ang kamay ko para makapasok sa loob.

"Darlene, maayos na ba ang pakiramdam mo?" si Harvey nang masundan kami sa loob.

"Oo, bakit?" Sunod-sunod ang tango ko.

"Wala naman, kasi wala kang malay kahapon nang makita ka namin sa storage room. May nag-lock daw sa 'yo? Alam mo ba kung sino?" Sambit ni Gael mula sa likuran.

The Girl in Worst Section (Completed)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant