Chapter 75

19.8K 510 94
                                    

Chapter 75: Mini Outing

Napamulat ako ng mata dahil sa gutom. Nakalimutan kong kumain. Dahan-dahan akong bumangon para pumunta sa bathroom. Mabilisan na ligo ang ginawa ko. Nagbihis na rin ako para makalabas na. Dala ko ang cellphone nang mahiga sa kama. May nagmessage, si Phoenix.

From: Phoenix
I love you.

Kanina niya pa 'yon na-send.

To: Phoenix
love u. <33 Nagugutom ako.

Pinatay ko na ang cellphone. Nahiga ako sa kama kaso napatayo ulit nang may kumatok sa pinto.

Binuksan ko 'yon at mukha ni Phoenix ang bumungad sa akin. Pinagbuksan ko siya ng pinto at pumasok naman siya. May binigay siyang paper bag sa akin na kinuha ko naman.

Mabilis niya akong niyakap at inamoy ang leeg ko. "You smell like strawberry."

"Strawberry ang perfume ko, iyong sa victoria secret? Regalo 'yon ni Mama noong bumalik siya dito noong nabaril ako," ngumiti ako. "Ang bango ba?"

"Yeah, so damn good."

"Teka... lasing ka ba?" kumunot ang noo ko.

Namumula kasi ang mukha niya at amoy alak rin siya ng konti. Sumandal siya sa pinto nang bumitiw sa akin. Halatang gusto na niyang matulog kaso pinipilit niyang tumayo. Hinawakan ko ang braso niya para hindi siya matumba.

"Inaantok ka na. Dito ka na lang muna matulog." Nilagay ko sa balikat ko ang isang kamay niya para tulungan siyang makapaglakad at madala sa kama.

"It was your cousins fault..." Inaantok na sabi niya.

"Huh? Bakit?" Hiniga ko siya sa kama. "Huwag kang maingay baka magising si Gia."

"They said... I need to beat them up..." Bulong niya.

First time kong makita na lasing siya. Namumula na ang tainga niya dahil kalasingan niya. Hays! Mag-aalaga ako ng aking mahal na lasing ngayong gabi.

"Beat saan?" Tanong ko ulit. "Saka, paano ka nakarating rito?"

"N-Naglakad ako..." Sagot niya.

Napabuga ako ng hangin sa sagot niya.  "Alam kong naglakad ka. Pero lasing ka, o. Mabuti hindi ka natumba."

"Someone helped me." Binitiwan ko ang kamay niya nang pabagsak. "Aw."

"Sinong someone naman 'yan? Babae o lalaki?" Tanong ko, nangunot pa ang noo ko.

"A girl..." Sagot niya kaya halos manliit ang mata ko sa kaniya. "But, I told her not to touched me. I distanced myself to her. I told her that I have a girlfriend also and she distanced herself too."

Mabuti na lang gano'n ang ginawa ng babae. Marunong dumistanya kapag alam na may karelasyon na.

"Don't be mad, okay?" Malumanay na sabi niya.

Hinawakan ko ang kamay niya nang maglahad siya. Hinila niya ako at hinalikan sa pisngi. Mabilis akong tumayo nang bitawan na niya ako.

"Beat saan, Velasquez?"

"I-If I beat them... they'll let me to marry you..." Sagot niya, nagmulat siya ng mata kahit antok na antok na siya. "I always seen you... in my future... as my wife."

Puro talaga kalokohan ang mga pinsan ko, pati si Phoenix dinamay. Lasing na lasing tuloy.

Ngumiti ako sa kaniya. "Oo na... matulog ka na..."

"M-Miranda... mahal na mahal kita..." mahinang sabi niya. "Ikaw lang... ang i-iibigin ko sa a-araw-araw..." Hinawakan niya pisngi ko para mahalikan ang noo ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now