Chapter 49

23.1K 602 84
                                    

Chapter 49: Embarassing

"Darlene! Gumising ka na diyan!" sigaw ni Kuya mula sa labas ng kwarto ko.

Binaon ko ang mukha ko sa unan, ayokong bumangon. Ayokong pumasok! Nahihiya akong ipakita ang sarili kay Phoenix. Nahihiya ako sa ginawa ko. Iba pala ang tinutukoy niya, e, kasi naman ang ano ng utak ko. Gano'n naman minsan, 'di ba? Kapag may favor ay kailangan may bayad? Hindi ko naman alam na sina Lucy pala ang tinutukoy niya.

Kagabi kahit tinatawag niya ako, hindi ako lumingon. Sobrang pula ng mukha ko kagabi nang makarating ako kung nasaan sila Papa. Takang-taka pa sila sa itsura ko at tinanong kung ano ang nangyari, ang sagot ko naman wala.

Syempre, hindi ko sinabi. Baka magduda sila lalo. Siguro, magso-sorry na lang ako sa ginawa ko? Tangina naman, paano ako makakapag-sorry kung nahihiya akong humarap?

Magsasakit-sakitan na lang kaya ako? Piste talaga. Paano pa kaya kapag nalaman ng mga gunggong 'yon? Panigurado mang-aasar na naman sila. Ayoko pa naman 'yon, nakakainis talaga!

Tumahol si Lucy at lumapit sa akin. Kinuha ko siya at hinaplos ang balahibo niya.

"Kuya, masakit ang ulo ko!" sigaw ko pabalik at lalong binaon ang mukha sa unan. Nagtalukbong din ako ng kumot at hinilot ang sentido ko kahit hindi naman talaga masakit.

Nakarinig ako ng yabag at pagbukas ng pinto. "May sakit ka ba?" tanong ni Kuya matapos hilain ang kumot ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Tumango ako.

Maniwala ka, please?

Shit naman, ang hot ni Kuya! Naka-topless siya at may towel pa sa leeg. Mukhang kakatapos niya lang maligo, basa pa ang buhok, e.

Hinawakan ni Kuya ang noo at leeg ko. "Hindi ka naman mainit. Katamaran lang 'yan, Lin."

Napanguso ako. "Grabe, katamaran talaga?" Bumangon ako.

"Darius!" tawag niya at dali-dali namang pumunta si Darius kahit may toothbrush pa sa bibig at bula.

Naka-topless din ang twin-bro ko, ah. Shit naman, ang gaganda ng mga katawan. Halatang nag-gym, ah?

"What?" tanong ni Darius, muntik pang malag-lag ang toothbrush niya sa bibig.

Tumingin muna sa akin si Kuya bago sumagot. "Nasaan na 'yong pinabili ko sa 'yo? Ibigay mo kay Darlene nang mawala ang sakit ng ulo niyan," sambit ni Kuya bago tumungo sa pinto.

Lumabas na si Kuya pero si Darius nanatili dito. Tumingin naman ako kay Darius. "Ano 'yon?"

"Iyong gusto mo po." Binigay niya ang dalawang paper bag sa akin. "Maligo ka na. Hihintayin kita sa ibaba pagkatapos mo para makapag-breakfast." Sinara na niya ang pinto matapos mag-salita.

Napakamot ako sa noo.

Wala akong balak pumasok, e. Katamaran lang raw 'to? Tiningnan ko na lang ang lahat ng nasa loob ng paper bag. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ang sandamakmak na crinkles, brownies, at cookies na loob. Nakalagay sila sa box at tig-tatlo ʼyon.

Binuksan ko ang isang box ng cookies at kumuha bago maligo. Nawala nga 'yong katamaran ko. Kumuha ako ng tig-isang box ng cookies, brownies, at crinkles para sa mga kaklase ko.

Madami naman 'to kaya bibigyan ko sila. Nilagay ko sa paper bag 'yon para hindi ako mahirapan sa pagbitbit.

Aakto na lang ako na parang walang nangyari.

Kahihiyan, Darlene. Kahihiyan!

Nang matapos akong maligo, nagbihis na ako at nag-ayos. Hindi ako marunong mag-lagay ng necktie sa uniform kaya hindi ko na nilalagay. Nagmumukha lang akong ewan kapag nilagay ko tapos gulo-gulo pa.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now