Chapter 13

27.8K 683 97
                                    

Chapter 13: Group Chat

"Aray... aray! Aray!" Sunod sunod na daing ko habang tinatapyas ni Kuya ang tainga ko.

"Talagang masasaktan ka sa 'kin!" Pabagsak niyang binitawan ang tainga ko.

Masamang-masama ko siyang tinitingnan habang hinihimas ang tainga ko.

Nalaman niya kasing nakipag away at lumabas ako. Ang sabi ko ay magpapaalam ako pero nakalimutan ko pero ito naman na mga kasambahay napakatraydor, isumbong ba naman ako? Noong nakita kasi nila ang itsura ko nang umuwi ay pare-pareho silang kumuha ng cellphone at tinawagan si Kuya.

Hinatid rin ako nila Dash rito, balak ko pa sana sila papasukin kaso ang sabi ng kasambahay bawal daw. Sabi kasi ni Kuya ay bawal daw magpapasok ng mga hindi kilalang tao like duh? Kilala ko sila 'no... slight. Hehe.

Ako tuloy ang nahihiya sa kanila, nilibre kasi nila ako. Mga ala-sais na kami ng hapon nakauwi dahil dumaan pa kami sa ospital para ipagamot ang sugat ko sa mukha. Ang OA nga nila, eh, ang sabi ko ayos lang ako pero hindi nag-paawat.

"Sila naman nag-umpisa, Kuya, ipinagtanggol ko lang ang sarili ko," ngumuso ako.

Totoo naman ang sinasabi ko. Tapos binastos ako, sino ang hindi magagalit doon? Nanahimik akong kumakain ng maayos tapos ang mga lalaking 'yon ang mga walang magawa sa buhay.

"Tingnan mo nga itsura mo! Puro ka sugat at pasa!"

Kasi naman kasalanan ito ng skateboard!

"Lagi ka na lang nakikipag away parang hindi ka babae! Kaya kung ano ano ang pinagsasabi sa 'yo nila Beatrice dahil sa mga pinaggagawa mo."

Pakialam ko naman sa mga sasabihin ni Tita Beatrice? Inggit lang siya kasi hindi siya nakasagap ng yaman ni Lolo, kay Papa lahat binigay dahil si Papa ang tagapagmana at sooner or later kay Kuya na 'yon mapupunta kaya panay ang sipsip.

"Pakialam ko naman sa kaniya?" Tanong ko.

"She's still our Auntie. And please don't talk to her like that, give respect to that woman," sagot niya.

Siya rin naman.

"Sinasabihan mo ako pero hindi mo pinagsasabihan ang sarili mo."

"Para akong tanga kung gagawin ko 'yon."

Napairap ako.

Tingnan mo na!

"Darlene, why don't you fix yourself?" Seryoso niyang tanong.

"Bakit basag ba ako para i-fix?" Tanong ko.

Agad kong hinarang and dalawa kong kamay nang tangka niya akong babatukan ng malakas. Bakit totoo naman, ah? Bakit kailangan kong i-fix ang sarili ko, basag ba ako?

"I'm not joking," seryosong sabi niya.

"Hindi ka talaga si not joking kasi ikaw si Drake Ryu," sabi ko at lumayo sa kaniya nang bigla niyang nadampot ang isang baso na may lamang juice.

"Nagbibiro lang ako!" Bawi ko nang ibabato niya 'yon sa pwesto ko.

Natapon pa ang laman no'n nant ipwesto niya ng pabato papunta sa akin.

"Hindi ako nagbibiro," seryosong sabi niya at binigyan ako ng nakakamatay na tingin.

"Kuya, joke lang! Ifi-fix ko na ang sarili ko kung 'yon ang gusto mo! Ifi-fix ko na kahit hindi ako basag!" Ngumiti ako at nag-peace sign sa kaniya.

"I want to ask you something," sinenyasan niya akong umupo na ginawa ko naman.

"Ano 'yon?"

"Do you remember your past now?" Tanong niya.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now