Chapter 79

19.4K 504 148
                                    

The Intramurals Scene would be posted on Phoenix's POV. Part 33, 34, and 35.

-

Chapter 79: Locked

Dalawang linggo na ang nakalipas matapos mangyari 'yon. Masyado rin maraming nangyari. Hindi na rin ako nakauwi sa bahay pero nagpaalam ako kay Mama at Papa pati na rin sa dalawang kapatid ko para hindi sila mag-alala.

And take note, magkasama kami ni Phoenix. Nasa balcony kaming dalawa. Muntik pa akong malaglag sa panggagago niya pero tumatawa lang siya.

At sa dumaan na dalawang linggo masasabi kong hindi masaya. Dahil akala ko mabait si Iris pero hindi! Ang init-init ng dugo niya sa akin kahit wala akong ginagawang masama.

Pinipilit kong hindi siya pansinin kaso nairita at nauubos talaga ang pasensya ko. Muntik ko na siyang masampal noong isang araw dahil sa mga pinagsasabi niyang hindi maganda sa akin buti nalang napigilan ko pa ang sarili ko at iniwan siya doon sa restroom.

At sa loob rin ng dalawang linggo, nangyari ang sinabi ng Principal na Intramurals. Well, maraming nangyari. Nagkaroon ng pageant sa bawat year, maraming activities, maraming food stalls which is ang favorite ko kapag may event sa School.

At kahit ayokong sumali sa Pageant napilitan ako dahil kay Laureen! Sinadya yatang maglasing ng babaeng 'yon kaya ayon nahuli ng dating kaya ang ending ako ang naging pambato ng Year namin.

Iyong hiya ko noong araw na 'yon, hindi ko mareach. Pero maganda naman dahil nanalo ako. Tapos kailangan pa ng talent, kumanta na lang ako at nagdrums. At isa pang nakakahiya, muntik na akong madulas!

Napilitan rin akong sumali sa volleyball team ni Laureen kahit na ayoko dahil hindi naman ako magaling. Nakalaban namin si Iris at ibang kaibigan niya. Nanalo rin naman kasi kami... natamaan ko kasi si Iris sa ulo niya... tapos akala niya sinadya ko.

Hindi niya kaya nasalo kaya nasa clinic siya for the meantime. At si Iris, alam kong naiinggit siya... at halata sa kaniya na gusto niyang kausapin si Phoenix pero hindi niya magawa dahil laging nasa tabi ko.

Parang hindi mabubuhay si Phoenix kapag wala ako sa tabi niya, panay rin ang halik sa pisngi ko kahit nagkaklase kami! Nasasaway tuloy siya ng teacher pero wala siyang pakialam.

Alam rin ng iba na may nangyaring gano'n, at sila na mismo ang nagpapatigil may Iris. Pero walang nangyayari, nang-aaway pa rin siya. Kapag talaga ako napikon, sasampalin ko siya.

"May P.E ba ngayon?" Tanong ko habang nagtatali ng buhok.

"Wala," sagot ni Finn.

Kinukunan niya ng picture ang nasa white board. Ang tamad talaga nilang magsulat! Puro picture lagi ng notes!

Anyways, kakatapos lang ng fourth subject namin which is ang Math kaya halos maging kalawang na naman ang utak ko. Mabuti pa ang utak nila. Si Harvey, gets niya ang lesson matapos i-explain ng Teacher at nagsagot. Gano'n rin silang lahat. Literal na matalino sila kahit gago.

Kakatapos lang rin ng lunch namin kaya ito nakatambay sa room dahil hindi pumapasok ang teacher namin.

"Ang sakit ng ulo ko." Napatingin ako kay Dice.

"Bakit?" tanong ko.

"Ewan, kahapon pa 'to masakit." Hinilot niya ang sentido.

"Baka buntis ka kaya masakit ulo mo," si Arvin.

"Nice! Ninong ako!" Sigaw ni Dash mula sa likuran.

Nagtaas ng gitnang daliri si Dice. "Gago, anong akala mo sa akin may matris?"

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now