Chapter 91

19.1K 458 78
                                    

Chapter 91: Familiar

Maliwanag nasa labas nang magising ako. Sandali akong pumikit para mahimasmasan. Wala akong katabing matulog, solo ko ang kama kaya ang sarap matulog.

Hiindi ko alam kung saan natulog si Phoenix. May sinasabi siya kagabi na hindi ko maintindihan.

Ano ba ‘yon? Niriritwal niya ba ako? Huwag naman sana.

Tumayo na ako para magpunta sa cr kaso napatigil nang makita ang kalat sa sahig. Lahat ng gamit ko. May tubig at towel rin na nakalagay sa sahig.

Gano’n pa din naman ang suot ko kaya walang nangyari. Ang naalala ko lang ay hinalikan niya ako.

Nilinis ko muna ang mga kalat sa kwarto pati na rin ang kama. Hinawi ko ang kurtina para may araw na pumasok sa kwarto. Kita mula sa kinatatayuan ko ang pag-alon ng dagat. Binuksan ko ang pinto ng balcony para may hangin rin na pumasok.

Ang fresh ng hangin! Ang sarap sa pakiramdam.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan kung sino ang nag-text, pangalan ni Laureen ang nasa screen.

Dumiretso na ako sa cr matapos mabasa ang mga rants niya, nag-reply na rin ako.

Kinuha ko ang gamit ko para magawa ang morning routine ko. Tapos na ako nang maalalang, wala nga pala akong dalang damit! Puro mga gamit sa cellphone ang dala ko.

Paano na ako n’yan? Umalis ako ng ganito ang suot, tapos uuwi ako ng ganito pa rin ang suot? Baka isipin nila hindi ako nagpapalit ng damit.

Lumabas ako ng kwarto para hanapin si Phoenix at saktong nakita ko siyang nasa sofa at natutulog.

Bakit dito siya natutulog? May sofa naman sa kwarto, ah? Tutal sa sofa niya gusto matulog, bakit hindi pa sa loob ng kwarto. Tanging sweatpants lang na grey ang suot niya at walang pang-itaas na damit.

Ang lamig-lamig tapos walang pang-itaas, sakit yata sa baga ang hanap nito.

Lumapit ako sa kaniya at naupo sa paanan niya. “Uy, gising.” Inalog ko ang braso niya. “Velasquez.” Hinalikan ko siya sa pisngi. “Hoy, Ryler.”

“Kiss me, love.” Ako namang masunurin, sumunod. “That’s unfair, why don’t you kiss my lips?”

“Mag-toothbrush ka muna.”

“Ikaw nga hinahalikan ko nang hindi ka nagtotoothbrush.” Napanguso ako na ikinatawa niya. “But, it doesn’t matter, I still love kissing your lips.” Tumagilid siya at hinila ako kaya napahiga ako sa tabi niya.

“Bumangon ka na.” Tinapik ko ang pisngi niya. “Lulutuan mo pa ako ng breakfast. Gutom na ako.”

“Later…” dinig kong bulong niya.

“Nagugutom na ako.”

“Later, baby, I need to sleep. I took care of you last night. You kept on vomiting and vomiting. I even wiped your face before you went to sleep.”

“Eh, gutom na ako.” Gutom na ako, sinuka ko ang lahat ng kinain ko kagabi.

“Later, mahal.”

“Ako na lang magluluto—”

“No,” kontra niya kaagad.

“Magpapagawa na lang ako sa stuff dito para may makain ako.”

“Okay, fine, I’ll cook for you,” biglang sabi niya.

“Okay, magsi-swimming na lang muna ako sa beach habang nagluluto ka.”

Wala pala akong damit.

“Wala akong damit na susuotin.”

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now