Chapter 31

27.6K 648 90
                                    

Chapter 31: Dream of me

Kanina pa ako naiirita sa kadaldalan ni Gianna. Kanina niya pa rin ako bini-bwisit. Pinaalis na siya ni Darius rito sa kwarto pero bumalik na naman siya. Isama mo na ang mga lalaking sumira ng tulog ko.

Ang himbing-himbing ng tulog ko tapos gagambalain nila. Nagising ako dahil sa ingay. May mga hawak silang kawali at malaking kutsara pang-gising sa akin. Eleven na ako ng tanghali nagising. Nanatili si Phoenix rito kagabi, hindi rin naman kasi ako makatulog kaya sinamahan niya akong manood ng movies.

Puro Disney movies lang kasi ayaw niyang manood ako ng mga pang-adults. Mukha ba akong bata?

Napagpasiyahanan rin ng lahat na dito muna manatili. May swimming pool kasi dito sa Hotel na tinutuluyan namin, sakto naman na gusto ko rin mag-swimming. Sagot naman ni Papa ang lahat kaya nandito rin sila.

Ang kuripot, 'di ba?

"Stop bugging her," sita ni Darius kay Gianna.

Tatlo silang kasama ko dito sa kwarto. Si Alexis, Gianna, at Darius. 'Yong mga gunggong ay nasa labas pinapagawa ko ng makakain. Tulong-tulong sila kahit sagot naman ng Hotel ang pagkain namin. Gusto ko lang sila pahirapan.

"Damn it, put that away!" Nakabukas ang pinto kaya rinig kong nagsisigawan sila mula sa kusina.

"Teka, gago ka ba?! Kapag ako natalsikan ng mantika, ibubuhos ko sa 'yo lahat 'yan!" Sigaw ni Dash.

"Aray ko! Dahan-dahan naman sa pag-lagay! Tumatalsik kaya!"

Gusto kong tumawa dahil sa narinig ko. Mga hindi marunong magluto. Paano kaya kapag nag-asawa sila?

"You make them cook?" Tanong ni Darius.

"Yerp," sagot ko habang inaalis sa higaan si Gianna. "Lumayas ka nga rito!"

"Aw!" Daing niya nang malaglag siya.

Hindi ko siya pinansin at humiga sa kama.

Nasa kabilang kama si Darius at Alexis. Kanina pa ang ngiti ni Alexis habang nakatingin sa cellphone. Paniguradong kalandian niya na naman 'yon.

"Nasaan na kaya si Papa?" Tanong ko. "At sino ang kikitain niya sa Australia? Palagi nalang siya pumupunta doon."

Nagtataka na talaga ako, e, kasi magmula noong bata ako, e, ginagawa niyang magkapitbahay ang Pilipinas at Australia. Iba talaga kapag may sariling eroplano, grabe, ginawang magkapitbahay.

"His wife, of course," sagot ni Darius.

Napalingon ako dahil sa sagot niya. Si Mama?! Nagkikita sila ni Mama?! Ilang beses kong tinatanong si Papa kung nakakausap niya si Mama pero ang sagot niya lang palagi ay 'hindi' tapos ngayon malalaman ko na nagkikita sila?!

Hay, nagsinungaling sa akin si Papa!

"Totoo nga ang chismis, nasa Australia siya," sambit ko sabay singkit ng mata. "Nandoon ka rin, ano, noong nakaraan?"

Gulat siyang tumingin sa akin. "I was in Australia with her pero una akong bumalik dito dahil may klase akong dapat tapusin."

"Kailan pa sila nagkikita dalawa?"

"Matagal na, after we met each other, he used to visit us..." Nakatingin siya sa akin.

Ibig-sabihin matagal-tagal na palang nagkikita si Papa at Darius. At ibig-sabihin rin noon, bago kami magkita na dalawa ni Mama, nagkikita na silang dalawa. At ito rin ang naging dahilan kung bakit mas pinipili ni Papa na iwan akong mag-isa.

Swerte rin si Darius, ah? Dahil nakakasama niya si Papa noon hanggang ngayon, samantalang ako ay hindi ko man lang nakasama ang Mama namin.

I wonder if they are on good terms? English 'yon. Hindi niyo kaya ʼyon.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now