Chapter 65

21.7K 629 185
                                    

Chapter 65: Beautiful with a heart

Aalis ako ngayon para pumunta sa plaza. Nag-text kasi iyong babae kung saan ako nag-paregister, 'yong sa competition na sasalihan ko.

"Saan ka pupunta?" Tanong nila nang makitang hawak ko ang bag at paalis na sana.

"Sa plaza, magpapa-register," inayos ko ang sarili.

"Para saan?" si Gianna ang nagtanong.

"Sa drum and sing competition," sagot ko ulit.

"Kasali ka do'n?" Hindi makapaniwala na tumingin sa akin si Gianna. Tumango ako. "Magpatalo ka, ah?"

"At bakit?" Tanong ko, naguguluhan.

"Para manalo kami," sagot ni Andrei.

"Kami?" Sabay-sabay naming tanong sa kanila.

"Ah, kasali kami, e." Tumango si Gianna. "At nag-iba ng set-up. Ang sabi sa akin, mas maganda kung marami kayong tutugtog, pangit daw kasi kapag isa lang. Saka, alam ko kung bakit ka pinapapunta do'n para sabihin na kung pwede maghanap ka ng pwede mong makasama tapos i-register ang names ng mga magiging kasama mo."

Saan naman ako hahanap?

"Battle of the Bands na 'yon kumbaga," sabat ni JP.

"Wala naman ako bands, e. Hindi na lang ako sasali," biglang nag-ubuhan sila Harvey sa sinabi ko. "Anong nangyari sa inyo at bigla kayong nagkaroon ng TB," tinaas ko ang kilay.

"Ehem! Ano pang tawag sa amin?"

"Hayop?" Patanong na sagot ko. Nakita ko ang pagtawa nila Gianna.

"Hindi kasi 'yon! Ayaw mo ba kaming maging band mates?" Ngumisi si Finn. "Pustahan, mananalo tayo. Teka nga, kanino mo ba balak ibigay ang prize?"

"Sa ex-jowa ni Kier," sagot ko.

"Ex na pala 'yon, eh, bakit—"

"Buntis kasi siya tapos pinaalis siya sa bahay nila. Nasa Cebu siya ngayon kasama ang dalawang kasambahay na hinired ni Darius para sa kaniya," putol ko sa sinasabi ni Owen. "Pamangkin ko kaya 'yon."

"Ah, okay," tanging nasagot ni Owen.

"So, ano Darlene? Kami na ang makakasama mo sa competition?"

"Oo na! Oo na! Kapag tayo natalo, ah!" Pinanliitan ko sila ng mata.

"Hindi tayo matatalo basta magpatalo ang nasa kabila," pagpaparinig ni Finn kila Gianna.

"Ulol," nag-taas ng middle finger sina Gavin.

"Tangina, tara na. Hanggang 2 PM lang ang cut off," sabi ko at mga nagsi-tayuan naman na sila. Inayos muna nila ang mga kalat. At ako naman ay kumakain pa rin. "Pahingi ako." Nilahad ko ang palad sa harap ni Phoenix pero hindi siya nag-lapag ng brownies. "Hingi ako."

May kinakain siyang brownies na bigay ni Darius sa akin. "No. Say ah."

"Ako na." Balak ko sanang kunin kaso nilayo niya iyon.

"Ano ba 'yan, dito pa talaga naglalandian!" Bitter na sabi ni Gianna, nakatingin sa aming dalawa.

Hindi namin siya pinansin. Lumabas kami ng room. Sinabihan ko sila na bilisan para makarating kami agad sa plaza.

"Velasquez, pwede kapag natapos ang competition na 'yon. Pwedeng pumunta tayo sa Cebu?" Nilingon ko siya. "Kung hindi ka free, kay Darius na lang."

"I'm always free when it comes to you, Miranda." Hinalikan niya ang pisngi ko saka pinagsiklop ang kamay naming dalawa. "You want this, right? Say, ah." Binuka ko na lang ang bibig ko at sinubo naman niya sa bibig ko ang brownies. 

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now