Chapter 112

16.9K 400 149
                                    

Chapter 112: Meet

Panay ang lakad ko hanggang sa makalabas ng gate ng Palace. Hinabol pa ako ni Cedric at Reina pero sinabi ko na gusto kong mag-isip sa mga bagay-bagay, hindi naman sila kumontra at hinayaan na lang ako. Iyong guard balak akong pigilan pero tiningnan ko siya kaya kaagad siyang napayuko at umalis sa gate.

Basta-basta akong lumabas matapos niyang buksan.

Napatingin ako sa buong daan at parang normal lang! Parang nasa Pilipinas lang ako. May mga tao na dumadaan pero napapatigil at napapatingin sa akin. Yumuko ako para hindi makita ang mukha ko. Naglakad ako paalis sa Palasyo para mapag-isa.

Hindi sapat ang isang palapag ng Palasyo para mapag-isa ako. Gusto kong maging tahimik ang buhay ko!

Panay ang lakad ko hanggang sa maalalang hindi ko nga pala kabisado ang lugar na 'to! Minsan na nga lang mag-emote, naudlot pa.

Napakamot ako sa noo hanggang sa nagpatuloy sa paglalakad. May mga tindahan dito at maraming tao. Iyong language nila Spanish pero may naiintindihan naman ako kahit papaano.

Napadaan ako sa lugar kung saan puro grass lang ang maaapakan. May mga tao dito at panay lang ang laro.

Naupo ako sa ilalim ng puno. Hapon na rito kaya masarap sa balat ang simoy ng hangin. Ganito ang gusto ko, fresh air! Hindi kagaya sa Manila na puro usok.

Sumandal ako sa puno at pinagmasdan ang mga batang naglalaro. Pumasok na naman sa isip ko ang nangyari kanina.

Totoong hindi biro ang responsibilidad pagdating sa pagtatakbo ng Kingdom. Tapos ako? Anong alam ko sa ganito? Anong alam ko sa pagsasagawa bilang isang Queen? Wala. Wala akong alam rito.

Tapos basta-basta na lang nila ibibigay sa akin ang throne? Three weeks ang palugid ko para sa pag-iisip kung tatanggapin ko na ba at mauupo sa throne o hindi.

Three weeks.

Kailangan kong mag-isip ng mabuti. Ayokong ulitin ang ginawa ni Mama pero sa paraan ng pag-iisip ko na 'yon, parang tinanggap ko na sa sarili ko na tanggap ko na. Saka, may rason din naman ako kung bakit ayaw kong pumayag o kung bakit hindi ako makapag-desisyon dahil sa isang kinginang gago.

Tuwing binabalak ko, tangina, para akong binabangungot. Tanginang bangungot naman 'yan, napaka-poging bangungot.

Iniisip ko kasi ang sinabi ni Reina na bawal akong magmahal ng kahit sino unless isa siyang Duke or something. Tatanda akong dalaga kapag nangyari ang gusto ni grandmother. Ayoko naman na mamatay na walang asawa 'di ba?

"Puta, princess-princess pa kasing nalalaman, ampucha," sabi ko sa sarili habang diretso ang tingin sa harap.

Mabuti na lang talaga walang katao-tao rito sa malawak na damuhan dito. May mga puno at bench na mauupuan rin. Ay may tao pala kaso mga bata na naglalaro at nagba-bike. May mga naghahabulan rin.

"Think lang nang think..." sabi ko.

Three weeks, Darlene.

Kailangan ko ng best decision.

Hinilig ko ang ulo sa puno at pumikit. "Bigyan sana ako ni Lord ng sign para hindi tanggapin. Within three weeks kapag nagawa niya-nilang kunin ang tiwala ko... hinding-hindi ko tatanggapin pero kapag hindi... handa na ako." Ihahanda ko ang sarili ko para sa araw kung kailan ako ipakikilala.

Pipilitin kung intindihin ang lahat ng meron sila. Lahat-lahat... pipilitin ko na pakinggan lahat-lahat ng walang galit, at sakit. Pero sa ngayon, kailangan ko munang intindihin ang sarili ko.

Patatawarin ko sila pero hindi pa ngayon... hindi pa handa ang puso't isip ko. Kailangan ko ng peace at heal sa naramdaman ko mula sa gagong 'yon.

Speaking of Phoenix... sana hindi niya marating kung nasaan ako! Tangina, bibilib talaga ako sa kaniya once na mahanap niya kung nasaan ako.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now