Chapter 101

14.9K 391 51
                                    

Chapter 101: Christmas Party

Ngayong araw ang punta namin sa mansion ni Lolo. Nandoon na daw ang mga pinsan ko at parents nila. Si Mama nagluto ng pagkain tapos kinakain ko ang pang-sahog niya. Lalo na sa Graham at salad, hindi pa siya nakakagawa pero malapit nang maubos ang ilalagay niya kaya bago pa mawalan ng ingredients pinaalis niya na ako sa kitchen. Wala raw siyang magagawa kapag nandoon ako palagi.

Nanatili na lang ako sa kwarto ko para ayusin ang mga regalo na ibibigay ko sa kanilang lahat. Excited na nga ako, actually. Ito ang first christmas party ko na masayang-masaya.

Sa kwarto ko rin nanatili si Ate Anya, at Amir. Bwisit pa rin kasi talaga si Ate Anya kay Kuya, naiintindihan ko na ngayon kung bakit, buntis siya at ayaw niyang makikita ang pagmumukha ng kapatid ko.

“Darius, sino ang kawawa at hindi pinapansin?” pagpaparinig ko habang nakaupo sa swivel chair ni Papa.

Nandito si Darius at Kuya.

“Is it the guy who has D in his name?” ngisi ni Darius.

“Uhm, pwede—aray ko!” hinagisan ako ni Kuya ng box na maliit at may mabigat na nasa loob.

“Shut up!” pikon na umalis si Kuya kaya malakas akong napatawa.

Tawa-tawa kami ni Darius na lumabas ng office room.

Hanggang sa mag-eleven ng tanghali nag-aayos ako. Naligo na ako at nakabihis na. Sina Mama na lang ang hinihintay ko. Nasa labas na ako ng gate habang kumakain ng graham ball na dinekwat ko sa ref, hindi alam ni Mama na kumuha ako.

Lagot ako doon kapag nalaman niya.

“Darlene, ilagay mo lahat ng regalo sa compartment,” utos ni Mama.

Kinain ko na ang dalawang graham nang tumingin si Mama sa akin.

Binuhat ko ang lahat ng regalo para ilagay sa compartment bago sumakay sa back seat. Dalawang sasakyan ang gagamitin dahil hindi kami kasya.

Naalala ko marami nga palang pets si Lolo doon! Iyong mga alaga niyang dogs!

Pumasok na rin si Papa sa driver’s seat, si Mama sa shotgun. Wala pa kami sa loob gate pero kita ko na ang pagpasok ng ilang mga sasakyan. Pati tuloy iyong mga gusto dumaan, hindi magawa dahil sunod-sunod ang pasok ng mga sasakyan.

Sumunod ang sasakyan namin sa pulang kotse. Nag-park kaagad si Papa kaya nang tumigil ang sasakyan agad rin akong bumaba.

May men-in-black rin na kumuha ng gifts para dalhin sa loob.

Namataan ko rin sa main door ng mansion si Gianna at may kausap sa cellphone. Pumasok rin naman siya nang mababa ang cellphone. May ngiti pa siya sa labi.

Nasa likod ko sina Mama nang pumasok ako sa loob ng mansion. “Merry Christmas, everyone!” Napatingin ang lahat sa akin.

“Daig pa kontrabida na nasa teleserye kung makapag bukas ng pinto.” Nandito na pala si Harvey.

“Kontrabida talaga ako,” sabi ko.

Nandito na silang lahat pero nasa garden ang iba. May playground kasi roon sa garden. Mga nasa sofa sila at kaniya-kaniya ng kain ng mga chocolate.

Naupo ako sa tabi ni Phoenix. “Nandedekwat na naman kayo ng chocolate.” Kumuha rin ako ng m&ms na chocolate sa kamay ni Phoenix. “Bal, pahingi.” Sinara niya kasi ang palad niya nang kumuha ako.

“Gago, ang sarap,” sabi ni Finn at parang dinadama pa ang lasa ng Toblerone. “Man, sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasan kumain ng Toblerone nang walang kahati.”

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now