Chapter 99

17.2K 373 56
                                    

Chapter 99: Takot

“Bakit gano’n si Trevor, love?”

Pumasok agad kami sa kotse niya para makaalis dahil alam naming hahabulin kami ng mga ‘yon. Hindi ko nakausap ang kapatid ko dahil sa sobrang pagmamadali.

"Here.” Binigyan niya ako ng pagkain. “Eat.”

“Pinapataba mo ba ako? Kanina pa ako kain nang kain ng pagkain.”

“Yes,” sagot niya.

“Ayokong tumaba.” I love chubby people, huh!

“It’s fine, mahal pa rin naman kita kahit na tumaba ka,” aniya. “And about what happened earlier, we need to talk about this inside the hideout.”

Ah, kaya pala kami sa iba dumaan kasi pupunta kaming Makati kung nasaan ang hideout.

“Pero si Trevor nga. Akala ko ba spy-spy lang? E, siya pala nagbigay ng mga identities natin sa kanila!” What a traitor. “Traitor, bagay sa kaniya ang kanta ni Olivia Rodrigo.”

“Don’t say that,” pagsaway niya.

“Bakit? Traitor siya, ha?”

“Babe, he’s not a traitor.” Tumigil ang sasakyan kaya tumingin ako sa labas.

Nasa labas na kami ng building ng Black Forum. Nakita ko ang sasakyan ni Papa na nagpark, tumigil ang sasakyan at lumabas sa driver’s seat si Papa at sa shotgun seat ay si Mama.

Naka-classy kimono maroon dress si Mama, nakita ko pa ang pagkinang ng diamond necklace niya nang tamaan ng liwanag. May hawak rin siyang paper bag.

Sabay silang dalawa ni Papa na pumasok sa loob nang ipulupot niya ang braso sa baywang ni Mama at binigyan ng halik sa pisngi.

Aw... parang si Phoenix lang!

But wait, bakit ako kinikilig sa kanilang dalawa? I mean, ang unconditional lang ng love ni Papa like paano niya na-handle na wala si Mama sa tabi niya for the past years? Hays, minsan gusto ko na talagang malaman ang love story nila.

Like paano sila nagkakilala? Nagmahalan? Paano nila natanggap ang isa’t-isa? Gusto kong malaman! Mamaya nga itatanong ko.

“Sana all,” comment ko hanggang makapasok silang dalawa sa loob.

“Huh?” Lumingon kaagad ako kay Phoenix.

“Wala, I love you lang,” sagot ko.

“I love you more, but who are you looking at?” dumiretso ang tingin niya tinitingnan ko kanina.

“Si Mama at Papa.” Tinuro ko kung saan sila pumasok. “Siguro nalaman na nila ang tungkol kay Trevor.”

“They’re not here for that and Trevor isn’t a traitor, baby. Don’t think that he is like that.”

“Kaibigan mo lang ‘yon, e, kaya mo sinasabi ‘yan. Bukod kay Darius na bestfriend mo, bestfriend mo rin si Trevor.” Best friend kaya niya si Harris, Rafael, Trevor, Mavis, at Dash.

“Oh, right, I’ll tell you the truth,” aniya. “That’s part of the plan, baby. Giving our real identities to them is part of his plan to prove that he’s really into Scythe. To prove that he’s loyal to them, doing those shit makes Trevor look really loyal to them. He’s still part of Black Forum, love.”

Napatigil naman ako dahil sa sinabi niya.

“He’s a spy, right? He surrenders himself to them and proclaims that he’s not into Black Forum. To get an information, he needs to do that. Pero sa ating lahat pa rin ang loyalty ni Trevor. That his job, okay? He’s not a traitor, love.”

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now