Chapter 66

19.2K 508 186
                                    

Chapter 66: Missed

Habang kumakanta hindi ko mapigilan ang tumingin sa paligid. Umiling-iling ako habang bumaba. Bumungad ang mga komento nila sa akin. Ngumiti naman ako. Dumiretso ako kay Phoenix. Niyakap niya agad ako gamit ang isang kamay.

"You made me so proud."

"Syempre, ikaw kaya ang nagturo! Kahit hindi ko pa masyado alam," ngumiti ako. "Maganda ba?"

"It is beautiful, Darlene." Hinalikan niya ang forehead ko. "You're so great."

Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Nilingon ko si Darius na nakatingin sa akin. Sandali akong tumahimik nang maalala ang kanina habang kumakanta ako. 

May nakatingin sa akin, halos panoorin na ang mukha ko. Hindi ko rin naman sigurado kung ako nga ba talaga iyong tinitingnan. Nakasuot ng hoodie and babae. May shades rin sa mata at kahit may ganoon siya ay ramdam ko ang tingin niya.

Sino kaya 'yon?

"Why are you looking at me?" puna ni Darius.

"Ang pangit mo lang," sambit ko na ikinairap niya.

Umayos ako ng tayo. Hinarap ko silang lahat. Inirapan ko sina Harvey dahil sa ginawa nila. Hilig talaga nila akong pag-tripan, ano? Inabot na kami ng seven dahil nanatili pa kami sa plaza. Nag-ikot kami para bumili ng mga pagkain. At kahit kakain pa lang namin, napipilitan akong kumain ulit dahil todo libre ang kapatid ko.

Alam mo 'yong feeling na gustong kumain ng bibig mo pero ayaw na ng tiyan mo dahil busog ka na? Iyon ang nararamdaman ko ngayon pero sa bandang huli, kumain pa rin ako.

Nang matapos naman kami, tumayo na ang lahat para tumingin-tingin ng mga pwedeng gawin. Ang dami kasing tao ngayon kaya medyo nagkakahiwalay-hiwalay kami.

"Makikipagbarilan nga ako." Napatingin sila sa akin.

"What?" Kumunot ang noo ni Phoenix.

"Makikipagbarilan ako para makuha ang unicorn na 'yon!" Tinuro ko ang nasa kanan namin. "Kaso mukhang mahirap."

Pingpong ball ang gamit then kailangan barilin ang pinaka-target.

"That's basic!" mayabang na sabi ni Phoenix.

"Basic? Sige nga kunin mo 'yon para sa akin."

"'Yon lang pala, eh, tara." Hinigit niya ako papunta doon.

"Ang hirap pala kapag single!"

"Ikaw lang single dito!"

"Pati kaya si Marquez!"

Napapatingin ang iba sa amin dahil sa kaingayan nina Finn. Dumiretso kami sa mga teddy bears. Nakalagay sa harap ang unicorn kaya agad kong niyakap.

"Kunin mo 'to Velasquez, ah?" Niyakap ko pa lalo ng mahigpit ang unicorn. "Ang cute mo! Mahal na mahal kita!"

"Tss..." umirap si Phoenix saka humarap sa lalaki. "I'll get this," mayabang siyang tumingin sa akin.

Binigay naman ng lalaki ang pekeng baril kay Phoenix. Nanonood lang ako sa ginagawa niya para naman makita kung makukuha niya talaga. Basic lang daw, eh. Tingnan natin. Nakakadalawang try na siya pero wala pa rin. Halatang nauubusan na siya ng pasensya kaya malakas akong natatawa sa itsura niya. Hindi niya nabaril ang target ng tatlong beses kaya mas lalo lang siyang napikon.

Natatawa sina Harvey dahil paulit-ulit lang ang nangyayari. Pabagsak niyang binaba ang pekeng baril dahil sa inis at masamang tumingin kila Harvey dahil panay ang tawa.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now