Chapter 18

27.6K 749 158
                                    

Chapter 18: Necklace

Hindi maganda ang desisyon kong sumakay sa kotse nitong gunggong na 'to. Dapat pala kay Dash na lang ako nakisakay o kaya kay Harvey.

"Tangina, kapag hindi ka pa tumigil ingungod kita d'yan sa manibela mo!" Tinapunan ko ng masamang tingin si Phoenix.

Panay ang panggagago niya sa akin. Akala mo naman close kami. We just kissed, okay, pero hindi kami close, 'no!

"Anyways, what did you and Laureen talk about?" Bahagyang sumeryoso ang boses niya.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko. Ang sabi sa akin ni Laureen huwag ko daw ipapaalam sa kanila ang napagusapan naming dalawa kaso demonyo ang nagtatanong sa akin.

"Tungkol sa..." Ano kaya ang magand palusot? "... inyo! Oo, sa inyo." Umiwas ako ng tingin.

"You're lying."

"I'm not lying, I'm Darlene," pamimilosopo ko.

"I'm serious." Umayos agad ako. "Did you ask about Iris?"

Teka nga, paano niya nalaman? O bakit ba siya nagsu-suspense? Ano may mata na rin siya sa buong school?

"Hey!" Tawag niya.

"Curious nga kasi ako," inis kong sabi.

Curious kung ano ang nangyari noon. Gusto ko lang naman malaman, e. Tsaka, gusto ko lang malaman kung mahalaga ba 'yon sa kanila at sa kaniya? At sa nakikita ko naman, e, mahalaga 'yon sa lalaking kasama ko.

Nakakagalit lang dahil after lahat ng nangyari ay umalis siya na parang walang kasalanan. Dapat alam nila na kahit gago sila, e, deserve rin nila ng love ans care kahit hindi nila girlfriend, kumbaga as a friend lang.

"You don't have anything to be curious about. She's just nothing."

"She just nothing pero mahal mo. . . ano kaya 'yon," sambit ko.

Nagbago ang ekspresyon ng mukha niya sabay tingin sa akin. Hindi siya nagsalita at nag-drive nalang papunta sa food court. O, 'di ba, tama ako. Mahal niya pa rin 'yon. Pero wala naman akong pakialam sa kanila, e, buhay naman nila 'yon.

Pero kung ako 'yon... hindi ko siya sasaktan. Hindi ko sasaktan ang katulad ni Phoenix, imagine katulad ni Phoenix ang magmamahal sa akin? Gago, para kang nanalo sa lotto. Ang pogi kaya niya tapos halatang caring and loving, hindi niya lang inilalabas ang true side niya.

Pero more week, tingnan mo... lalabas ang true side n'yan. Lalabas ang caring ang loving side niya. Sus, ako pa ba? Lahat yata minamahal at iniingatan ako. Pero syempre, hinding-hindi ako magkakagusto sa kaniya!

Bakit naman mangyayari 'yon? Bigyan niyo nga ako ng malalim na rason kung bakit. O 'di ba, wala? Kaya never mangyayari 'yon.

Pumikit na lang muna ako para umidlip tutal traffic sa daan. Hinilig ko ang ulo sa bintana. Habang nakapikit may naririnig ako na may sinasabi siya kaso hindi ko maintindihan. Hinayaan ko nalang.

"Ay, putangina." Napahawak ako sa noo ko nang nauntog sa harapan. "Bakit ba basta-basta ka humihinto?"

Ang sakit!

"Fasten your seat belt, Miranda."

Ginawa ko na lang ang sinabi niya para hindi na kami magtalo.

Nang makarating kami sa food court, una akong bumaba, maghahanap pa kasi siya ng parking. May tinitingnan ako sa cellphone habang papunta kung nasaan sila.

"I'm sorry, Miss," sambit ko nang mabunggo ko ang babae sa harap ko.

"Ayos lang." Umalis agad siya pero sinundan ko siya ng tingin.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now