Chapter 103

14K 342 52
                                    

Chapter 103: Dinner

Nang matapos naman ang christmas holidays naming lahat ay bumalik na kami sa klase. Si Mama bumalik na sa Spain pero babalik rin siya kapag natapos ang tatlong linggo.

At ang hindi ko inaasahan na babalik rin ay si Iris. Palagi ko na nga siyang iniiwasan para iwas na rin sa gulo. At simul yata nang makabalik kami sa pagpasok, e, walang gana sa pagtuturo ang mga Teacher kaya sa buong one week ay nakatunganga lang kaming lahat sa classroom. Hindi sila pumapasok, mga walang gana... gano’n rin naman kami.

Nagyaya si Harvey sa Rax niya kaya nag-inom kaming lahat doon kasama na si Iris.

“Aren’t you comfortable that I’m here?” Tanong ni Iris.

Kaming dalawa ang naiwan sa table dahil may kinuha si Phoenix sa baba at iyong iba nagsasayaw na kasama ang mga girlfriend nila.

“Kapag ba sinabi kong ‘Oo’ aalis ka na sa lugar na ‘to?”

“At least I’m aware that you aren’t comfortable,” aniya at tumingin sa akin.

“Oh, talaga? Dapat aware ka rin na ayaw ka nila,” bored na sabi ko bago tumayo para iwan siya.

Nahawakan niya ako. “Wait for my biggest surprise.”

“Tigilan mo ‘ko.” Masama ang tingin ko sa kaniya. “Kung gusto mo ng gulo, humanap ka. Huwag ako ang idamay mo.” Iniwan ko siyang mag-isa.

Ayoko siyang makasama... hindi talaga ako komportable.

Maayos naman ang gabi namin, masaya kaming lahat dahil finally nakapag-night out ulit kami.

Kumpleto kaming lahat pero bigla na lang nawala si Trevor at Iris. Nalaman ko lang ng kinaumagahan kay Gianna dahil hinahanap niya rin pala.

Nag-alala lang ako kay Trevor, akala ko naman kung ano na ang nangyari sa kaniya.

“Hey, Darlene.”

Nag-iisa akong naglalakad sa hallway nang may tumawag sa akin.

Nilingon ko kung sino ‘yon at halos pagsisihan ko kung bakit ako lumingon.

“Ayoko ng gulo, pwede ba?” Hinawakan niya ang braso ko nang balak kong umalis.

“I want to ask you a question,” ngumisi siya. “Have you know already?”

Nagsalubong ang kilay ko. “Hindi kita maintindihan.” Inalis ko ang kamay niya.

Tumawa siya. “How poor you are, Darlene. You don’t know what’s happening behind your back.”

“Kawawa ka rin dahil hindi mo alam ang nangyayari kapag wala ka sa paligid.” Aniya bago ako iwan na nakatulala at hindi maintindihan ang sinasabi niya.

Ano bang sinasabi niya? Inaatake na naman ba siya ng kabaliwan niya? Tangina, huwag niya na sana akong idamay sa ginagawa niya!

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na naguguluhan pa rin ako. Ano’ng behind-behind ang sinasabi niya? Hay naman, ayoko ng maraming iniisip. Hindi pa naman ako makatulog kapag sobra ang dami ng iniisip ko.

Pagpasok ko sa classroom ay hindi na maipinta ang mukha nilang lahat. Lalo na kay Phoenix. Masama ang tingin niya kay Trevor.

“Ayos lang ba kayo?”

Napaangat sila ng tingin sa akin.

“Darlene!” Napahawak sa dibdib si Harvey dahil sa gulat.

“Bakit?” Binaba ko ang bag sa upuan.

“Nagulat lang ako.” Naupo siya sa tabi ko.

Ano ba kasi ang sinasabi ni Iris?

“May tanong lang ako.” Napalingon silang lahat sa akin. “Wala pala.” Naupo ako sa upuan at tinuon ang paningin sa labas.

The Girl in Worst Section (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ