Chapter 26

25.5K 726 229
                                    

Chapter 26: Beautiful

Kanina pa nila ako nire-review dito at parang dudugo na ang utak ko sa sobrang dami. Akala ko mga gago lang sila pero may ibubuga rin pala. At kaya pala laging may medal at certificate si Finn dahil matalino siya. Totoo ang chismis, magaling siya.

Tapos sa English daig pa ni Harris si Google. Kingina. Dudugo na rin yata ang ilong ko. Bakit ba kasi nauso uso 'yang mga English na 'yan? Sakit sa brain.

"Bilis na." Itinuro sa akin ni Finn ang iso-solve. "Madali lang 'yan. Hahanapin mo lang 'yong NTH term ng Geometric sequence." Nakaturo siya sa papel. "Progression with two terms."

Tangina! Hindi ko nga kabisado ang multiplication table, e. Tapos ito ring Geometric Terms hindi ko magawa-gawa! Nakakabobo.

"Ayoko na," naiiyak kong sinabi. "Pakiramdam ko dudugo na ang utak ko."

"Just do it," sambit ni Phoenix. "You just need to concentrate."

Kanina ko pa 'yon ginagawa kung alam lang nila. Nakaka-apat na subject na ako pero parang hindi napapagod ang utak nila. Napapatango na lang ako kapag tinatanong nila ako. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot ko.

"Tanginang math 'to, ang hirap," bulong ko.

"Huwag ka ngang mag-mura." Inirapan ko na lang si Dash.

"Ganto lang 'yan." Kinuha ni Arvin ang papel. "Ang una mong gagawin para makuha ang nth term, kailangan mong i-calculate ang ratio r sa pamamagitan ng pag-didivide."

"Ha?" Tanong ko.

Wala akong maintindihan.

"Idi-divide mo siya sa second term by the first term," sabat ni Harvey.

Hanu daw?

"Tapos gamitin mo ang First Term A sa—" pinutol ko ang sasabihin ni Trevor.

"Ayoko na!" Tumayo ako. "Sakit na ng brain ko dahil sa mga pinagsasabi niyo. Next time na lang ulit."

Napangiwi si Dash sa sinabi ko. Palibhasa alam na nila kaya hindi sila nahihirapan.

"Okay, next time," sang-ayon ni Phoenix.

Buti pa 'to tamang sang-ayon lang lagi sa sinasabi ko. Minsan nga mautusan ko siya, parang susunod siya lahat ng sasabihin ko.

"Ano ba 'yan!" Reklamo ni Arvin. "Gustong-gusto ko pa namang makita siyang nahihirapan."

Kinuha ko ang pillow at binato sa kaniya. Ang sama ng ugali nitong lalaking 'to. Kaya hindi siya pinapansin ng crush niya, e.

Karma.

Niligpit nila ang mga papel na nakakalat sa glass center table at sahig. Kumuha si Harris ng walis para walisin ang mga maliliit na papel sa sahig at iba pang kalat. Nagbabatuhan kasi sila ng mga papel tapos 'yong kay Finn may laway. At ang iba naman ay nag-iingay.

Hinanap ko ang cellphone ko sa iba't-ibang sulok kaso wala. Tiningnan ko rin sa mga tabi ng mga frame picture dahil baka naipapatong ko pero wala rin.

Napakamot ako sa noo ko. Nasaan na 'yon? Pinatong ko lang 'yon sa table, ah?

Napatingin ako kila Dash na nakaupo sa mahabang sofa. Pinag-gigitnaanan siya ni Harvey at Arvin.

Pansin kong may hawak silang cellphone.

Hindi kaya sa 'kin 'yon?

Lumapit ako sa kanila at tama nga ako! Cellphone ko ang hawak nila. Hinablot ko 'yon sa kamay ni Dash kaya napaangat sila ng tingin.

"Kanina ko pa hinahanap nasa inyo lang pala." Tiningnan ko ang ginagawa nila sa cellphone ko. "Bakit niyo binabasa ang mga messages ko at mga chat sa messenger?" Paano ba naman kasi nakabukas pareho.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now