Chapter 111

16.7K 394 108
                                    

Chapter 111: Reality

Kakagising ko lang pero parang hindi ako nakatulog. Sunod-sunod ba naman ang nalalaman ko? Sinong hindi makakatulog?

Hindi nga ako pwedeng magmahal ng kahit sino! Pero once... once I claim the throne. Eh, hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung ano ang klaseng throne 'yon. Geez... kailangan ko na ng sagot.

If dating tagapagmana si Mama at anak siya ni Lola Serica at Lolo Lyndon that means full Royal blood siya dahil full blooded ang grandparents ko. At kaya rin ako may blood na gano'n, kaming dalawa ni Darius. Pero bakit na pakasalan ni Mama si Papa? So, tumakas siya.

Kaya niya rin nakilala si Papa dahil nga nasa Pilipinas siya at sa pagkakaalam ko sinabi ni Mama na nagkakilala sila dahil nga nanghingi siya ng pera kay Papa para mabayaran lang ang taxi driver noon? So noong mga panahon na 'yon, wala siyang kapera-pera at straight from takas pa siya sa Spain from the crowning?

Pero bakit siya tumakas? 'Di ba dapat masaya siya kasi tagapagmana siya? Pero sa bagay tama lang 'yon. Kung um-oo siya do'n, mabubuo ba ako? Kami ni Darius? Syempre hindi, kaya keri lang ang bagay na 'yon.

So, ibig sabihin kaya sinasabi ni Reina na dati ay si Mama dahil nga hindi niya tinanggap? Sumama siya kay Papa at nagpakalayo para magpakasal? At ibig sabihin rin no'n, matagal ng alam ni Papa pero hindi man lang niya sinabi sa akin? At parang alam ko na tuloy ngayon ang dahilan kung bakit ako trip ng mga 'yon.

"Good Morning," bati ng isang helper nang pumasok sa kwarto ko. "Here's your clothes, and other stuff that you'll need."

Tumango ako. Umalis rin naman kaagad siya.

Bumaba ako sa kama para tingnan ang damit. Isang simpleng white dress iyon pero may beads na design sa laylayan kaya kita tuwing natatamaan ng araw. Isang off shoulder dress at white ankle strap heels na sa tingin ko ay two-inch ang laki.

Umayos ako ng tayo at kinuha ang damit. Pumasok ako sa bathroom para maligo. Maayos na pag-ligo ang ginawa. Ang bango ng sabon tapos iyong shampoo? Ang bango!

Tumagal ako sa bathroom dahil sa pagligo. Suot-suot ko na ang damit nang lumabas sa bathroom.

Nakita kong prenteng nakaupo si Reina sa sofa habang nagbabasa ng magazine, magka-cross ang dalawang binti at diretso ang tingin sa binabasa.

"Wow, you're so beautiful." Binaba niya ang binabasa at dumiretso ng tingin sa akin. "Our family is waiting downstairs. They expecting you, Darlene. Don't be pressure and act normally."

Ay, nga pala. Kagabi dahil hindi kami makatulog dalawa may sinabi siya sa akin about sa kinemechung Princess na 'yan. Kailangan kapag Princess ka, descent, mahinhin, at maayos ang kilos mo. E, hindi naman ako marunong ng mga 'yon. Kaya humingi ako ng pabor sa kaniya na sana tulungan niya ako, hindi naman siya tumanggi kaya ito. Prinsesa-prinsesa ang ganap ko ngayong araw.

Hindi ko naman kasi 'to trip. Jusmiyo, nagpatulong na ako sa kaniya dahil nga wala akong alam when it comes to this. So, I really need her help.

Napapa-english na naman ako nang wala sa oras.

"Paanong normally? This is my normal act." Humarap ako sa full-length mirror na nasa tabi niya. "Normal beautiful and sexy." I smirked.

"Oh... right. You're so beautiful. You know if I was only a man? For sure I already courted you right away," biro niya.

Pati ba siya nabibighani na sa kagandahan ko.

"No kidding, Darlene, but it's true. You're so beautiful. Look at you... you look like a real doll. Your eyes were an almond and when it's sunny? The color of your eyes is really obvious. And your face has a perfect feature, your nose is pointed, your lashes are long, you have perfect eyebrows, have natural pinkish lips, and have rossy cheekbones," sabi niya habang pinagmamasdan ang itsura ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now