Chapter 93

17.7K 428 77
                                    

Chapter 93: Halloween

Takang taka ako sa kilos ni Darius pero hindi ko na pinansin, ayaw niyang magpa-istorbo, e. Kanina pa siya tahimik at malalim talaga ang iniisip niya.

“Gusto mo ng kiss?” Tanong ko kay Darius, nginuya ko ang gummy bear.

Nilingon niya ako. “No thanks, my little sis.” Iling niya at pumasok sa kwarto at gano’n rin ako para mag-ayos.

Suot ko na ang plane white white v-neck dress at white ankle strap heels. Kulot rin ang ibaba ng buhok ko, at simpleng makeup.

Seven ng gabi kami umalis para hindi mahuli sa event kaso hinatid pa namin si Amir sa Mommy ni Ate Anya dahil gusto doon, sayang lang… wala akong kalaro. Pagawa kaya ako?

Hinayaan naman nila Ate at Kuya na doon muna si Amir para hindi madamay kung sakaling may mangyari na naman. Nag-iwan lang ng mga bodyguards para may bantay si Amir.

Sa kotse ako ni Darius nakisakay kasi may ganap yata sila Mama at prin apa dahil mukhang aalis pagkatapos ng party. Kanina pa kami bumabyahe dahil traffic. Nag-text ako kay Phoenix na baka mahuli kaming lahat.

Nakatanggap rin ako ng text messages sa mga ugok, tinatanong kung sasama ba kami sa halloween party sa GFS. Ang sabi ko hindi ko sigurado dahil sasamahan ko nga si Phoenix.

Gusto ko siyang samahan halata rin kasi sa kaniyang ayaw niya pero dahil nga may respeto pa rin siya doon pinapakisamahan niya ng maayos.

Sana lang makahabol kami sa halloween party. Ngayon lang kasi ako makakapunta doon nang may kasama, noon kasi ako lang mag-isa kasama ang mga yaya at bodyguards ko.

“Darius, ano bang nangyayari sa ‘yo?”

Para na kasi siyang ewan. Hindi ko ma-keri, okay sana kung maayos lang siya ngayon kahit ganiyan siya

Nagpakawala siya ng mabigat sa pagpahinga. “About what you said… hindi ‘yon mawala sa isip ko. It haunts me, Lin. Though… I always said that it was just a coincidence, maybe Nix really said your name in front of her that’s why she said that. But, shit were just the same…” Bahagyang bumagal ang takbo ng sasakyan.

Tumingin ako kay Mama, nakatingin pala siya sa akin. Tinuon niya ang paningin sa harap at inaayos ang buhok niya na parang wala lang ang narinig niya.

“Huh?” Tanong ko ulit.

Gets ko ang sinabi niya pero ‘yong tungkol sa same na sinasabi niya ay hindi. Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin doon.

“I accidentally bumped into someone while I was in grocery yesterday. She’s a woman also and believe me, Lin, she even say my name. I was shocked that time, ako lang naman mag-isa kahapon habang bumibili ako ng mga pinabili ni Mama sa ‘kin. I didn’t even say my name in front of her. She apologized and mentioned my name,” sagot niya. “Basta basta niya akong iniwan pero pinahanap ko ang babaeng ‘yon kay Jin, at ang sabi niya sa akin nasa Tagaytay raw.”

Nagulat naman ako sa sinabi niya. “Kaya pala nasa Tagaytay si Jin…” bulong ko. “Hindi lang siya nandoon para sa samahan si Lala, nandoon pala siya dahil may pinapagawa ka.”

“He’s there?”

Tumango ako. “Oo, Darius! At tama ka nga dahil may nakakakilala rin sa akin sa Tagaytay. Iisang babae lang kaya ang pinaguusapan natin?” Tumingin ako sa kaniya.

Hindi siya nakasagot.

“Paano nga kung hindi nga siya patay? Hindi rin naman kasi ako sure, e, kasi hindi ko alam kung paanong patay ba ang ginawa sa kaniya. Wala akong alam dahil pinatakas niya ako, hindi ko sigurado kung patay nga ba talaga siya.”

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now