Chapter 17

29.6K 804 267
                                    

Chapter 17: Ride

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi sa akin ni Laureen. Gusto kong malaman ang dahilan ni Iris para naman malaman ko kung bakit niya ginawa 'yon. Although it's past na pero kailangan ko pa rin malaman.

May sinabi pa siya sa 'kin na may kaaway daw si Phoenix. Eh, hindi ko naman kilala. Tsaka, pakiramdam ko kilala ko 'yong dating kaibigan ni Phoenix. Hindi talaga ako matahimik, e. Gustong-gusto ko talaga malaman kung sino 'yon.

At ito pa, iyong tungkol kay Iris. Nagtataka talaga ako kung bakit niya ginawa 'yon. Oo, yes, plano niya pero para saan? Siguro may ginawa 'tong si Phoenix kaya ginawa 'yon ni Iris o kung hindi naman talaga si Iris ang may gusto no'n, baka may nag-utos lang, 'di ba?

At sis, ang korni ng 'princess', ha? Kung ako 'yan, yuck talaga. Ayoko maging Princess, ano! Napailing nalang ako habang naglalakad.

Hindi nga ako nakapag-lunch dahil sa mga nalaman ko buti nakaburaot pa ako kay Christine, kaibigan ni Laureen, ng pagkain bago ako umakyat. Kaso pag-akyat ko sa room kakaunti lang ang nakain ko dahil pinagkukuha ng mga bwisit ang pagkain ko.

"Pagkain ko..." bulong ko nang kunin nila lahat.

Lumingon ako kay Phoenix nang tumigil siya sa harap. "Here." Binigyan niya ako ng marshmallow.

Kinuha ko ang pagkain sa kamay niya. "Makakain na rin sa wakas. Salamat." Kinain ko nalang 'yon para mahibsan ang gutom ko.

Pero hindi pa rin sapat . Nagugutom na talaga ako. Ayoko naman abalahin si Papa, baka busy siya sa company o baka may meeting siya. Napahinga nalang ako nang malalim sabay tingin sa phone.

"P.E na daw!"

Oo nga pala, may P.E kami ngayong araw.  Hindi pa ako tumatayo dahil may hinahanap ako. 'Yong bag ko. Nasaan na ba 'yon?

"Here's your bag." Nilapag ni Phoenix ang bag ko sa harap. "Change your clothes now."

"Ayos na 'to," tukoy ko sa suot.

"Change now." Pumunta siya sa likod.

Wala akong nagawa kung hindi ang tumayo papunta sa... shit. Ganda ng katawan—what? Halos masamid ako sa nakikita. Napahawak ako sa dibdib sabay iwas ng tingin.

"Putang..." naubo ako bigla. "Ina..." mura ko nang makitang naghubad si Harris ng uniform niya, gano'n rin si Mavis at Dash. Si Phoenix naman inaalis ang sando niya.

Mas lalo yata akong naubo sa nakita ko. Hindi ko alam pero uminit ang pisngi ko bigla. Tumalikod agad ako nang kaniya-kaniya silang lingon sa gawi ko. Diretso lang ang lakad ko papunta sa restroom.

Tinampal ko ang pisngi ko. Hala, siguro nag-gi-gym si Phoenix? Ganda ng biceps niya. Muli ko tinampal ang pisngi ko dahil sa iniisip.

Nagpalit ako ng damit. Maganda naman ang P.E nila. Pang-private ang style! White ang style then may logo at name ng School namin, May 'Miranda' pa sa gilid ng shirt ko. At 'yong sapatos ko, balenciaga.

May nakapa akong lollipop sa bag ko kaya agad kong binuksan. Nilugay ko lang ang buhok ko, iyong bangs ko naman nakagilid. Hindi na rin ako bumalik sa classroom dahil baka nagbibihis pa sila.

Nasa gather ako habang nakatingin sa sahig. Binibilang ko 'yong mga langgam, e, ang cute nila! Ang liit nila kaso kinagat ako ng bad na langgam. Iyong pula? Bad 'yon, e.

Ang tagal ko rin dito hanggang sa may tumawag sa akin. Lumingon pa ako sa paligid pero hindi ko makita.

"Darlene, what are you doing there?" Tumayo ako nang marinig ang boses ni Phoenix. "The gymnasium is there."

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now