Chapter 110

16.4K 381 35
                                    

Chapter 110: Heiress

Matapos ang dinner sa baba, umakyat na kami mga sa kwarto namin. Namangha pa ako sa sobrang laki nito! Para ko na siyang bahay sa sobrang laki. May kusina rin kasi ang kwartong 'to.

May pa-chandelier sa taas kaya napapakanta ako ng chandelier. Tapos may mga blinds rin sa magkabilang gilid ng kama ko. May balcony rin na malaki, mayroon ngang pool, e. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n.

Ang ganda. Parang gusto ko na lang manatili dito. Tapos sa bathroom ang laki rin! Parang kwarto na 'to. May bathtub at may pa-walk in closet kapag pumasok ka sa bathroom. Mayroon din shower sa loob. May pa-chandelier rin dito.

Magkano kaya ang ilaw at tubig dito? Lahat nakabukas, eh. Paniguradong milyon-milyon ang babayaran nila dito buwan-buwan.

Pumasok ako sa bathroom para maligo. Naglagay ako ng bubble sa bathtub at doon nilubog ang sarili. Nakatali ng messy bun ang buhok ko habang ang katawan ko lang ang nababasa.

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan. Tanghali na siguro doon? Gabi na rito, eh. Kinuhanan ko ng picture ang sarili kong nakatapat sa salamin. Nakapatong sa baththub ang isang paa ko habang natatakpan ng bula ang katawan ko.

Sinend ko kay Laureen ang picture kong 'yon.

Hindi siya agad nakapagreply kaya sure akong nasa klase pa 'yon ngayon. Kinuha ko na ang towel ko para makapag-shower na.

Nang matapos ay agad akong kumuha ng damit sa luggage. Kinuha ko ang silk pajamas ko tutal matutulog na ako kaso... hindi ko alam kung makakatulog pa ako. May jetlag pa ako. Grabe ang jetlag ko, hindi pa ako sanay sa time rito. Dumiretso na ako sa kama habang tinutuyo ang buhok. Sinilip ko ang labas at madilim na madilim na ang langit.

Bukod sa birthday ni Abuela ano pa kayang dahilan kung bakit kami nandito? Sana kahit papaano masagot na ang lahat ng tanong ko. Kung bakit ako trip patayin ng mga hunghang na 'yon. Kung bakit ako ang hanap nila palagi. At kung ano ang sign na tinutukoy nila.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko at binasa ang text message.

From: Laureen
Sorry, late reply. Btw, you're so hot. Pwede ka na bang iuwi?

Magrereply sana ako kaso may kasunod pa 'yon.

From: Laureen
Your classmates are looking for you.

Alam ko naman 'yon. Alam kong gagawin nila 'yon. Wala naman silang ideya kung nasaan ako, except sa gagong si Phoenix. Napaka-chismoso kasi nitong si Darius, magsisinungaling na lang ang hindi pa nagawa?! Chismoso, amp.

May text pa ulit si Laureen at putang ina halos isumpa ko siya.

From: Laureen
I sent your picture to Nix. He didn't reply but he heart emoji it! 😂 God, he's in love!

To: Laureen
Wala akong pakialam. At Diaz, pwede ba, nagmomove on ako..

Letche naman, o!

From: Laureen
And by the way... your baby is fine. Pumasok siya sa School ngayon. He didn't do what I said. Sinabi ko sa kaniya ang sinabi mo. 'You said kapag hindi siya gumaling, uuwi ka.' Haha, I know why he did that. Para-paraan.

Hinding-hindi ako uuwi hangga't hindi ko natatapos ang gagawin ko rito. And besides... I only said that to scared Phoenix, e, kaso mas ginusto ng gago. Asa naman siya.

Saka, ang sinabi ko kay Tita Grace, 'wag muna papasukin si Phoenix sa School dahil may sakit pa siya! Kahit na bumaba ang lagnat niya dapat hindi siya pumasok, baka kasi lalo lang lumala.

To: Laureen
Bakit mo ginawa 'yon?!

From: Laureen
Haha, sorry! He's here at the cafeteria! He's with us! Oh my god, friends pa rin kaming lahat dito! Same old, honey! But one thing changed... the happiness and togetherness changed because you weren't here. And especially about what happened... I hope you get the peace and love that you deserve, honey. Love you a lot.

The Girl in Worst Section (Completed)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα