Chapter 6

31.6K 855 72
                                    

Chapter 6: Slime

Kanina pa nagsasalita si Kuya about kay Mama. Gusto ko siyang patigilin sa pagsasalita. Suggest nga kayo kung ano ang pwedeng gawin para tumahimik siya.

"She wants to meet you," paulit ulit na sabi niya. "Darlene, please."

E, sa ayoko pa makita si Mama. Hindi ko nga sigurado kung siya nga talaga 'yon tapos basta basta ako makikipag meet? Baka mamaya kidnapin nila ako.

"Ayoko nga kasi." Bumaba ako sa sasakyan niya.

Pinakita ko sa guard ang ID ko bago pumasok. Tinahak ko na ang daan papunta sa classroom pero napatigil ako sa pag-akyat nang may marinig akong nag-aaway.

Nilakihan ko ang hakbang ko para makarating agad sa taas. Nakita kong nagkukumpulan sila sa dulo ng. . . classroom namin!

Ano kaya ang nangyayari? Tinakbo ko ang daan papunta sa classroom. Nasa pinakadulo ang classroom namin kaya aabutin ka talaga ng siyam-siyam para makapunta.

Nakita kong may hawak si Rafael na lalaki. Nakahawak siya sa kwelyo ng lalaki at parang handa ng pumatay ng tao. Pilit siyang inaawat ni Harris pero para ayaw niya mapaawat.

"Awat na, Rafael!" Sigaw ng isang lalaki at akmang sasapak pero hawak siya nila Harvey.

Patuloy sa pagsuntok si Rafael at parang hindi makilala sa itsura niya. Aaminin ko, medyo nakakatakot ang itsura niya. Tumatalsik na ang dugo dahil sa pagsuntok niya sa lalaki. Hinang-hina na ang binabanatan niya pero parang wala siyang pakialam at nagpatuloy, kung wala lang sigurong kamay na pumigil sa kaniya, hindi pa siya titigil.

May humawak sa braso ko kaya tinignan ko kung sino 'yon.

Putangina p're, si Trevor.

"Ano ang nangyayari dito, Trevor?" Tanong ko sa kaniya.

Nag-shrugged siya. "Kakarating ko lang."

"Oh, talaga?" Tanong ko kaya sumimangot siya.

"Tigil na brad." Tumingin ako kay Gael nang magsalita siya, binigyan niya ng tissue at alcohol si Rafael at tinanggap naman 'yon ni Rafael.

Wews, para saan naman 'yon?

"Para saan 'yon?" Tanong ko ulit.

Lumingon siya sa akin. "To clean his hands."

Pero ang akala ko ay titigil na sila dahil nang makabawi ang lalaki ay malakas na sapak ang binigay kay Rafael kaya napasalampak siya sa sahig.

Biglang naalarma ang ibang kaklase namin kaya nakisali sila. Nakita ko kung paano suntukin ni Finn 'yong isang lalaki sa mukha. Tinabi ako ni Trevor sa gilid at doon kami dumaan para hindi madamay sa gulo.

Napatingin sila sa akin. Kaagad na tinulak ni Harvey papalayo sa kaniya ang lalaki at pumunta sa akin.

"Hi, Darlene," bati niya at sinipa ang lalaking hawak niya kanina.

"Ano ang nangyayari dito?" Tanong ko at hinipan paalis ang bangs ko.

"Ito kasing si Edmark, hinamon ng away si Rafael," paliwanag niya.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now