Chapter 113

14.9K 356 17
                                    

Chapter 113: Royal Pictures

Ang hindi ko maintindihan kung bakit nandito ang Jacob na 'to sa harap ng gate ng Palace, at mukhang nakita pa ang eksena kanina dahil kanina pa nakatingin sa direction ko. Nakasakay siya sa kotse. Nakita niya yata kung paano ako halikan ni Phoenix.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong ko nang makalapit siya.

Umagang-umaga nandito. Huwag lang siya na mangbibwisit at baka masipa ko siya nang wala sa oras. Huwag lang niya talagang sisirain ang magandang araw ko

"Cedric and Henry want to horse riding at niyaya nila ako," sagot niya. "Nga pala... sino 'yon?"

"Basta," sagot ko. Hindi naman niya kailangan makilala o malaman na si Phoenix 'yon.

"Ah, siya pala si Basta. Angas ng pangalan, ha? Unique. Ngayon lang ako nakarinig ng pangalan ay 'Basta'."

Masama akong tumingiN. "Hindi 'yon ang pangalan niya!" Jusmiyo, Jacob! Ang pogi-pogi ng name no'n, eh!

"Ah..." natawa siya bago tumango. "Ano nga ang pangalan? Halatang hindi taga-rito tapos halatang may gusto sa 'yo? Ayie, boyfriend mo?"

Napairap ako. "Basta! Huwag ka na lang magtanong. Kailangan ko ng pumasok sa loob para mag-breakfast." Iniwan ko siya doon.

"Excuse me? D'yan din ang punta ko." Sumunod siya sa akin. "Makiki-breakfast rin ako."

Tumigil ako sa paglalakad. "Isang Prince nakikikain lang dito? Wow naman. At no pets allowed dito," sabi ko nang makapasok.

"Oh? Talaga? Bakit pinapasok ka? Mukha kang aso, 'di ba?"

Nilingon ko siya at masama na agad ang tingin.

"Asong nau-ulol..." Tawa-tawang sabi niya.

Sinabunutan ko ang buhok niya kaya napa-aray siya. "Aray!"

"Tse!"

Una akong pumasok sa loob habang nasa likod ko siya na panay ang salita tungkol sa mga kung ano-ano. Panay din ang hawak niya sa buhok.

"Are you from outside?" tanong ni Papa, kakababa niya lang at nakita niya ang pagpasok ko sa main door.

"She is..." sagot ni Jacob. "She's with someone."

"Wala ka bang kaibigan? Doon ka nga." Inis akong umirap.

Tumingin si Papa sa akin. "I saw it, Darlene. I saw him." Talas talaga ng mata ni Papa

Isusumbong niya ba ako?

"Hindi naman siya nagtagal dito..." mahinang sagot ko.

"But he's here, paano kung nakita siya? Mabuti nalang ako lang ang nakakita na nandito siya," sambit ni Papa.

"Who did you see?" Sulpot ni Mama.

"Nothing. It's nothing," sagot agad ni Papa. Tumingin pa muna sa akin si Mama bago pumunta sa dining. "Darlene, don't let him go here. It's dangerous. Kung magkikita kayong dalawa doon sa malayo, okay? Go at the dining now." Nilagpasan niya ako para pumunta sa dining area.

Napahawak naman ako sa noo ko.

"Sino ba 'yon?" tanong ni Jacob.

"Ayoko, baka sabihin mo pa kay Abuela," sagot ko.

"Hindi ako chismoso, ha!"

"Hindi ako naniniwala. Anyway, nasa taas pa sina Cedric puntahan mo na lang do' n," sumunod ako kay Papa.

Naupo na ako sa upuan ko matapos bumati kina Darius. Ilang minuto lang ay dumating na sina Cedric. Aalis nga talaga sila pero iyong outfit nila pang horse riding. Niyaya nila ang iba pero sina Reina lang ang pumayag at ako ay hindi. Gusto ko lang muna dito. Gusto ko lang ma-feel na mag-isa sa buong kastilyong 'to.

The Girl in Worst Section (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora