Chapter 117

14.9K 421 123
                                    

Chapter 117: Worse

Gustong-gusto ko ng umalis sa tanginang upuan na 'to pero hindi ko magawa. Sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Halos isumpa ko na siya.

Nakatali pa rin ako hanggang ngayon! Habang si Phoenix, nakaupo sa lamesa at kanina pa nakatitig sa akin. Iyong mukha niya nang-aasar kanina pa. Ang sarap niyang batukan sa totoo lang. Gustong-gusto ko siyang batukan! Naiinis na ako!

Bwisit!

"Alisin mo na ako dito." Malapit ng maubos ang pasensya ko sa kaniya. Huwag niya lang talagang sinasagad ang pasensya ko.

"Ayoko."

"Naiinis na ako sa 'yo." Nakakainis!

"Who cares?" Pinagkrus niya ang dalawang kamay. "Gustong-gusto ko na naiinis ka, love."

"Pucha! Tanggalin mo na ang tali na 'to! Ano ba?!" Inis na sabi ko. "Kidnapper ka! Isa kang kidnapper! Kakasuhan kita ng kidnapping!" Malakas kong sigaw. "Tulong! Kinidnap ako! Someone kidnapped me! Help!"

"Shout whenever you want. No one can hear your voice here, baby."

"Ulol! Imposible 'yan! Tangina! Pakawalan mo na ako!" Inis akong nagpumiglas sa upuan kaso ang higpit ng pagkakatali sa akin. "Pakawalan mo ako! Babarilin talaga kita! Tulong! Tulong!"

"This house is soundproof." Nakatitig lang siya sa akin. "You don't want me anymore? You don't love me anymore, Darlene?"

"Oo!" Sagot ko. "Hindi na kita gusto! Hindi na kita mahal!"

Suminghap siya. "I don't care. Ako na lang ang magmamahal sa relasyon natin."

Anong relasyon natin?! Wala kaming relasyon!

"Anong relasyon natin?! Wala tayong relasyon! Hindi na kita mamahalin! Wala na akong pakialam sa'yo!" Ano pa bang pwede ko sabihin ng matigil ang bwisit na 'to?!

"Really? So, is it okay with you if I have a new girl?" Tinaas niya ang isang kilay. "A new girlfriend that I will love? And a girl that I'll kiss? Iyong mga katulad ng ginagawa natin, gagawin naming dalawa? The way I caressed and squeezed your thighs, the way I hugged you, the way I kissed you, the way I say I loved you, the way I loved you. . . gagawin ko sa babaeng sunod kong mamahalin? At wala ka ng pakialam gano'n?"

Nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya at hindi agad nakasagot. Para akong nasaktan sa sinabi niya. Iyong mga ginagawa niya sa akin, ay gagawin niya rin sa posibleng babae na maging bago niya. Napasinghap ako. Kahit naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko, hindi ako nagpatinag.

Sinaktan na niya nga ako tapos. . . gagawin pa niya 'yon?

"What? I'm waiting..." Aniya. "It's okay with you?"

"O-Oo." Bigla akong nautal.

"Why are you stuttering?" Lumapit siya sa akin, nakatitig na siya sa labi ko.

"Wala na akong pakialam sa 'yo. Kahit maghalikan pa kayo sa harap ko! Wala na akong pakialam kahit magmahal ka pa ng iba! Gusto mo, magpakasal pa kayong dalawa!" Inis akong umiwas ng tingin. "Ako pa mag-maid of honor! At papatayin kita kapag nangyari 'yon, Velasquez. Narinig mo ako? Papatayin kita, Velasquez."

Mapang-asar siyang humalakhak. "You know what, love? Nakakatakot ka kapag tinatawag mo ako sa pangalan na 'yan."

"Hindi ako nagbibiro." Matalim ang tingin ko sa kaniya.

"Nagbibiro lang ako. Relax, I won't do that. I won't find someone else. I won't kiss another woman if it's not you. Remember, you are my first and last, ikaw lang, Darlene." hinawakan niya ang baba ko para iangat ang mukha ko. Dumiretso ang tingin niya sa akin. "I'm content with you, Darlene. Ikaw lang ang hahalikan at mamahalin ko. Ikaw lang." Yumuko siya at dinampian ng halik ang labi ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now